𝙰𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚖𝚊𝚝𝚊𝚝𝚊𝚗𝚍𝚊 𝚊𝚢 𝚍𝚊𝚙𝚊𝚝 𝚗𝚊 𝚕𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚐𝚙𝚊𝚙𝚊𝚑𝚒𝚗𝚐𝚊 𝚜𝚊 𝚋𝚊𝚑𝚊𝚢 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚖𝚊𝚍𝚊𝚕𝚒 𝚗𝚊 𝚜𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚙𝚊𝚐𝚘𝚍. 𝙽𝚐𝚞𝚗𝚒𝚝 𝚍𝚊𝚑𝚒𝚕 𝚜𝚊 𝚑𝚒𝚛𝚊𝚙 𝚗𝚐 𝚋𝚞𝚑𝚊𝚢, 𝚖𝚊𝚢 𝚒𝚕𝚊𝚗 𝚙𝚊 𝚛𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚕𝚘𝚕𝚘 𝚊𝚝 𝚕𝚘𝚕𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚞𝚖𝚊𝚔𝚊𝚢𝚘𝚍 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚖𝚒𝚕𝚢𝚊. 𝙿𝚎𝚛𝚘 𝚖𝚎𝚛𝚘𝚗 𝚍𝚒𝚗𝚐 𝚒𝚕𝚊𝚗 𝚗𝚊 𝚜𝚊𝚍𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚕𝚒𝚋𝚊𝚗𝚐𝚊𝚗 𝚗𝚊 𝚕𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚕𝚊𝚐𝚊 𝚗𝚒𝚕𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚝𝚒𝚝𝚒𝚗𝚍𝚊 𝚊𝚝 𝚙𝚊𝚐𝚑𝚊𝚑𝚊𝚗𝚊𝚙 𝚋𝚞𝚑𝚊𝚢.
𝙱𝚊𝚑𝚊𝚐𝚒 𝚗𝚐 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚞𝚕𝚒𝚜 𝚗𝚊 𝚜𝚒 𝙹𝚘𝚓𝚘 𝙿𝚊𝚐𝚞𝚒𝚊 𝚗𝚊 𝚗𝚊𝚔𝚒𝚝𝚊 𝚗𝚒𝚢𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚝𝚊𝚗𝚍𝚊 𝚗𝚊 𝚗𝚊𝚐𝚕𝚊𝚕𝚊𝚔𝚘 𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚙𝚊𝚗𝚒𝚗𝚍𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚊𝚐𝚒𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚑𝚒𝚝 𝚗𝚊 𝚝𝚒𝚛𝚒𝚔 𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚛𝚊𝚠.
Ayon sa ilang nagku-kwento mayroong mga pagkakataon na nahihimat*y ang matanda sa paglalako. Sa kanyang edad ay tiyak na madali ng mapagod si tatay lalo na’t napakabigat ng bayong na kanyang binubuhat para lamang makapagtinda.
Nang makita siya ni Paguia hindi raw niya matiis na hindi pakyawin ang mga paninda ng matanda kahit na hindi naman talaga siya dapat bibili. Binigyan niya ito ng limang daan para lang mabili na lahat ang kanyang mga paninda at ito ay makauwi na, kahit na iilang piling na lamang ang mga bubot na saging na natira.
Binibigyan pa ng pulis ang matanda ng bigas at noodles pero ayaw pa sana niya itong tanggapin.
Mayroon raw kasing ibang mga tao na inaabutan lang ng pera ang matanda ngunit ganoon pa rin, magtitinda pa rin siya at mapapagod. Kaya naman ang pagpakyaw ng lahat ng dala niya ang makakapag-patigil sa kanya sa pagbubuhat.
Dagdag niya na tubong Calamba si tatang at iniikot niya ang mga barangay sa paglalako.
Komento ng isang netizen,
“Sir Jojo, salamat po sir sa pagtulong kay tatang. Nakikita ko din po siya at binibilihan, napakasipag niya. Yan ang mga dapat na tinutulungan. Salamat po sir.”
Sinang-ayunan naman ito ni Paguia at sinabing,
“Oo nga. Hindi tumitigil hanggat hindi nauubos ang paninda eh. Wala sa bukabularyo niya ang maghintay at umasa lang sa tulong. Mabigat pa sa kanyang ang paninda niya.”
Marami ang mga netizens na humanga sa kabutihang loob na pinakita ni Paguia. Hiling ng ilan na sana ay dumami pa ang mga ‘good samaritans’ lalo na sa panahon ngayon.
The post Loℓo Na Nagtitinda Ng Saging, Pinakyaω Ang Kanyang Paninda Ng Isang Puℓis Para Makauωi Na Ito appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments