Looking For Anything Specific?

28 Taong Guℓang na Babae, Sanggoℓ pa rin ang Pisikaℓ na Kaanyuan at Pag-iisip

𝘒𝘢𝘬𝘢𝘪𝘣𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘰𝘯𝘥𝘪𝘴𝘺𝘰𝘯 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘺𝘳𝘰𝘰𝘯 𝘢𝘯𝘨 𝘣𝘢𝘣𝘢𝘦𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰 𝘮𝘶𝘭𝘢 𝘚𝘰𝘳𝘴𝘰𝘨𝘰𝘯. 𝘚𝘢 𝘬𝘢𝘣𝘪𝘭𝘢 𝘯𝘨 𝘦𝘥𝘢𝘥 𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘯𝘢 28 𝘢𝘯𝘺𝘰𝘴 𝘯𝘢, 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯 𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘺 𝘮𝘢𝘪𝘩𝘢𝘩𝘢𝘭𝘪𝘯𝘵𝘶𝘭𝘢𝘥 𝘱𝘢 𝘳𝘪𝘯 𝘴𝘢 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘯𝘨𝘨𝘰𝘭 𝘮𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘪𝘴𝘪𝘱.

𝘐𝘱𝘪𝘯𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘢𝘬 𝘯𝘢 𝘮𝘢𝘺𝘳𝘰𝘰𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘬𝘢𝘪𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘴𝘪 𝘚𝘢𝘳𝘢𝘩 𝘯𝘢 𝘵𝘢𝘨𝘢-𝘚𝘰𝘳𝘴𝘰𝘨𝘰𝘯. 𝘋𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘴𝘢𝘬𝘪𝘵 𝘯𝘪𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘪𝘵𝘰 𝘬𝘢𝘺𝘢 𝘩𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨-𝘣𝘶𝘩𝘢𝘺 𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘯𝘨𝘢𝘯𝘨𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢𝘯 𝘯𝘢 𝘬𝘢𝘵𝘶𝘭𝘢𝘥 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘪𝘺𝘢𝘮 𝘯𝘢 𝘣𝘶𝘸𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘯𝘨𝘨𝘰𝘭. 𝘔𝘢𝘨𝘪𝘯𝘨 𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘺𝘢𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘪𝘴𝘪𝘱 𝘢𝘺 𝘯𝘢𝘯𝘢𝘯𝘢𝘵𝘪𝘭𝘪 𝘭𝘢𝘮𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘢𝘯 𝘯𝘨 𝘱𝘢𝘨-𝘪𝘪𝘴𝘪𝘱 𝘯𝘨 𝘪𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘴𝘢𝘯𝘨𝘨𝘰𝘭.

Mula nang ito’y maipanganak, taglay na ni Sarah ang sakit na Congenital Hypothyroidism. Ibig sabihin nito ay hindi lumalaki si Sarah at buong buhay nito ay taglay niya lamang ang katawan at isip ng isang sanggol.

Dahil sa kakapusan sa pera at hirap ng buhay, hindi raw agad napatingnan sa doktor si Sarah ng kanyang nanay. Una pa lamang ay napansin na raw ni Merly Isao na may kakaiba sa anak kagaya na lamang ng hindi paglaki ng kanyang mga paa at kamay kahit noong apat na taong gulang na ito.

Walong taon pa ang lumipas bago tuluyang napatingnan si Sarah sa mga doktor. Dito na nga natuklasan ang kanyang sakit sa buto na dahilan ng hindi nito paglaki ng normal.

Dahil sa kondisyon niyang ito kaya tinaningan na si Sarah noon ng doktor na hindi hahaba ang kanyang buhay. Ayon sa mga ito, hanggang walong taong gulang lamang mabubuhay si Sarah. Ngunit, dahil sa pagmamahal, matinding pag-aalaga, at pagdarasal ng kanyang pamilya ay nabubuhay pa rin ngayon si Sarah.

Gatas at lugaw lamang ang kayang kainin ni Sarah hanggang ngayon ngunit madalas ay nahihirapan pa rin ito sa paglunok ng naturang pagkain. Dahil sa kawalan ng pera na pampatingin sa doktor, idinaan na lamang ni Merly sa pag-aalaga ng mabuti kay Sarah ang kondisyon nito. Kahit pa nga sa hirap ng buhay ay itinaguyod nito ang kanyang anak.

Mag-isa niyang inalagaan at itinaguyod si Sarah at ang kapatid nito matapos siyang iwan ng kanyang asawa. Hindi madali para rito na makitang nahihirapan din ang kanyang anak.

“Sa ganitong kalagayan po, sir, sobrang masakit sa kalagayan ko. Tuwing gabing tinitingnan ko po siya… natutulog, hindi ko maintindihan ang sakit ng kalooban ko. Atsaka sobrang kaba ko po, sobrang kaba ko kapag pinapakain siya kasi, hirap na hirap siya lumunok eh,” kwento pa ni Merly.

Dahil nga sa katawang sanggol na mayroon si Sarah, hindi rin ito nakakalakad. Kaya naman, upang hindi ito palaging karga ng kanyang nanay ay madalas na inilalagay ito sa walker. 

Ayon sa isang doktor, mukhang nakuha umano ni Sarah ang sakit nito sa kanyang nanay noong ipinagbubuntis pa lamang siya nito. Importante raw na kompleto dapat ang pre-natal check-up ng isang nanay na nagbubuntis ngunit, dahil sa kahirapan ay aminado si Merly na hindi nito natutukan ang pagpunta sa doktor.

Kahit hindi na maaagapan pa ang kondisyong ito ni Sarah, hiling pa rin ni Merly na humaba ang buhay ng anak. Humihingi ito ngayon ng tulong para madugtungan pa ang buhay ng anak.

“Sana humaba pa ang buhay ni Sarah habang nabubuhay ako. Huwag mo akong iiwanan kasi mahal na mahal kita,” ani pa ni Merly.Source: facebook

The post 28 Taong Guℓang na Babae, Sanggoℓ pa rin ang Pisikaℓ na Kaanyuan at Pag-iisip appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments