𝙷𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚗𝚐𝚊 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚖𝚊𝚝𝚊𝚝𝚊𝚠𝚊𝚛𝚊𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚘𝚍 𝚊𝚝 𝚑𝚒𝚛𝚊𝚙 𝚗𝚊 𝚍𝚒𝚗𝚊𝚛𝚊𝚗𝚊𝚜 𝚗𝚐 𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚖𝚊𝚐𝚜𝚊𝚜𝚊𝚔𝚊. 𝙼𝚊𝚐𝚑𝚊𝚙𝚘𝚗 𝚜𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚝𝚊𝚢𝚘 𝚘 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚢𝚞𝚔𝚘 𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚐𝚝𝚊𝚝𝚊𝚗𝚒𝚖 𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚕𝚊𝚢, 𝚑𝚊𝚋𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚜𝚊 𝚒𝚕𝚊𝚕𝚒𝚖 𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚍𝚊𝚕𝚊𝚜 𝚊𝚢 𝚝𝚒𝚛𝚒𝚔 𝚗𝚊 𝚝𝚒𝚛𝚒𝚔 𝚗𝚊 𝚜𝚒𝚔𝚊𝚝 𝚗𝚐 𝚊𝚛𝚊𝚠. 𝙽𝚊𝚗𝚐𝚕𝚒𝚕𝚒𝚖𝚊𝚑𝚒𝚍 𝚗𝚊 𝚜𝚊 𝚍𝚞𝚖𝚒 𝚗𝚐 𝚕𝚞𝚙𝚊 𝚊𝚝 𝚐𝚊𝚋𝚞𝚝𝚒𝚕 𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚠𝚒𝚜 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚔𝚊𝚝𝚊𝚠𝚊𝚗. 𝚃𝚒𝚕𝚊 𝚋𝚊 𝚠𝚊𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚝𝚊𝚙𝚞𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚋𝚊𝚋𝚊𝚗𝚊𝚝 𝚗𝚐 𝚋𝚞𝚝𝚘 𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚐𝚒𝚗𝚊𝚐𝚊𝚠𝚊 𝚖𝚊𝚒𝚝𝚊𝚠𝚒𝚍 𝚕𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚗𝚐-𝚊𝚛𝚊𝚠-𝚊𝚛𝚊𝚠 𝚗𝚊 𝚙𝚊𝚗𝚐𝚊𝚗𝚐𝚊𝚒𝚕𝚊𝚗 𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚖𝚒𝚕𝚢𝚊 𝚊𝚝 𝚗𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚢 𝚖𝚊𝚒𝚞𝚠𝚒𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚔𝚊𝚒𝚗 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚜𝚊 𝚋𝚞𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐-𝚊𝚗𝚊𝚔.
𝙳𝚞𝚖𝚊𝚛𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚙𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚙𝚛𝚘𝚋𝚕𝚎𝚖𝚊 𝚐𝚊𝚢𝚊 𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚐𝚝𝚞𝚢𝚘𝚝 𝚘 𝙴𝚕 𝙽𝚒𝚗𝚘, 𝚖𝚐𝚊 𝚙𝚎𝚜𝚝𝚎𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚗𝚊𝚗𝚊𝚕𝚊𝚜𝚊 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 ρα𝚗α𝚗𝚒𝚖 σ 𝚊𝚗𝚐 𝚖α𝚜α𝚖α𝚗𝚐 𝚙α𝚗α𝚑σ𝚗𝚐 𝚍𝚞𝚕σ𝚝 𝚗𝚐 𝚋α𝚐уσ 𝚊𝚝 𝚋α𝚑α. 𝙶𝚊𝚢𝚞𝚗𝚙𝚊𝚖𝚊𝚗, 𝚞𝚖𝚊𝚊𝚜𝚊 𝚙𝚊 𝚛𝚒𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚖𝚊𝚐𝚜𝚊𝚜𝚊𝚔𝚊 𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚐𝚒𝚐𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚊𝚗𝚍𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚒 𝚊𝚝 𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚐𝚍𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚔𝚍𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚗𝚊𝚑𝚘𝚗 𝚊𝚢 𝚖𝚊𝚙𝚞𝚙𝚞𝚗𝚘 𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚐𝚒𝚗𝚝𝚘𝚗𝚐 𝚋𝚞𝚝𝚒𝚕 𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚕𝚊𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚝𝚒𝚗𝚊𝚝𝚛𝚊𝚋𝚊𝚑𝚘.
Nitong mga nakaraang buwan ay naging isang malaking usapin ang problemang kinakaharap ng mga magsasaka. Ang problema sa pagbaba ng presyo ng bigas, ang hindi pagkakaroon ng sariling lupang sinasaka, at ang bagsak-presyong pambabarat sa pagbili ng mga produktong bigas at iba pang pananim ay ilan lamang sa mga malalaking problemang kinakaharap ng ating mga magsasaka sa ngayon.
At sa isang bansa kung saan milyun-milyon ang mga magsasaka at ang pagsasaka ang pangunahing pinagkukunan ng pangkabuhayan ng mga mamamayan, malaki ang єpєkto ng mga sυℓiraning ito.
Nakakaawa ngang isipin na kung sino pa iyong nagbubungkal ng lupa at nagtatanim ng palay ay siya pang nahihirapang makapaghain ng pagkain sa hapag-kainan dahil sa matinding kahirapan sa buhay. Ang Pilipinas bilang isang malaking agrikulturang bansa ay hindi nararapat na pagdaanan ang ganitong sitwasyon. Sagana ang bansa natin sa mga likas-yaman, mataba ang ating lupa at natural sa ating mga Pilipino ang pagiging marunong sa pagtatanim o pagpapalago ng mga pananim.
Sa isang Facebook post na ibinahagi ng isang netizen na si Jovy Cataraja-Albite, taos-puso niyang ipinabatid ang kanyang pagpapasalamat sa kanyang mga magulang. Ayon sa kanyang post, kahit pa umano sa matinding kahirapan na kanilang pinagdaanan sa buhay ay hindi raw sila pinabayaan ng mga ito. Nagpapasalamat umano siya sa pagtitiwala ng kanilang mga magulang sa kanila at dahil sa hindi nila pagsuko sa mga pangarap ng kanilang mga anak. Nakita raw nila kung gaano kahirap ang buhay lalo pa noong silang mga anak ay nasa kolehiyo. Ninais man daw na tumigil ay hindi niya ginawa dahil alam umano niya kung ano ang gusto niya sa buhay at ang matinding kagustuhan niya ring makatulong sa kanyang mga kapatid.



Si Jovy ay panganay sa kanilang magkakapatid at ayon sa kanya madalas siya ang tumatayong pangalawang nanay sa mga kapatid at hindi raw ito naging madali. Nagpapasalamat umano siya sa pagpupursige nga kanyang mga magulang noong mga panahong gusto nalang niyang sumuko. Kahit pa umano sa kanilang kahirapan, at sa kabila ng pagiging magsasaka ng mga magulang niya, sabay-sabay nilang inabot ang kanilang mga pangarap.
Nakakamangha rin na ibinahagi ni Jovy na silang walo magkakapatid ay pawang mga propesyonal na at ang kanilang pinaka-bunso naman ay magiging lisensyado na rin nitong Disyembre. Hindi raw nila inasahan na maaabot nila ang lahat ng iyon dahil nga sa sobrang hirap nila at madalas pa nga raw ay wala silang makain.



Ayon pa kay Jovy, totoo nga raw talaga na hindi hadlang ang kahirapan sa buhay upang makuha ang tagumpay. Sa tuwing siya raw ay nagsisimba ay naiiyak siya kapag naririnig niya ang mga kataga sa isang kanta (ang pagmamahal ng Diyos ay walang kapantay). Tumutulo raw ang luha niya sa tuwing naaalala niya ang mga panahong hindi nila alam kung saan sila pupunta. Inaasa nalang daw niya lahat sa Panginoon at lagi naman daw Nitong ibinibigay ang kanilang mga pinapanalangin.


“Pray, work, believe and it will be given unto you,” sabi ni Jovy. Nagpasalamat rin siya sa mga taong sumuporta sa kanila noong mga panahong sila ay naghihirap sa buhay. Tunay nga raw na mapalad pa rin sila at nawa ay maging inspirasyon umano sa iba na huwag na huwag silang sumuko sa kanilang mga pangarap.
Source: Facebook
The post Isang ama naρagtaρσs ang ωαℓσng anak dahil sa ρagsasaka appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments