Looking For Anything Specific?

Kung para sa ‘yo, para sa ‘yo taℓaga" Tony Labrusca, umamin na sa totoong reℓasyon nila ni Juℓia Barretto

𝙼𝚊𝚐𝚝𝚊𝚝𝚊𝚖𝚋𝚊𝚕 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚞𝚗𝚊-𝚞𝚗𝚊𝚑𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚔𝚊𝚔𝚊𝚝𝚊𝚘𝚗 𝚜𝚒𝚗𝚊 𝚃𝚘𝚗𝚢 𝙻𝚊𝚋𝚛𝚞𝚜𝚌𝚊 𝚊𝚝 𝙹𝚞𝚕𝚒𝚊 𝙱𝚊𝚛𝚛𝚎𝚝𝚝𝚘.

Sa announcement ng ABS-CBN, nakatakda silang bumida sa iWant original series na “I Am U” kung saan gaganap silang magkarelasyon.

Sa direksyon ito ni Dwein Baltazar at produced nina Jun Lana at Perci Intalan.

Nag guest sa Kapamilya late night show na Tonight With Boy Abunda noong Miyerkules, December 18, si Tony at nilinaw niya na bagamat hindi masasabing close na sila ni Julia, interesado siyang maging kaibigan ang young kontrebersyal na actress.

Inusisa ng host na si Boy Abunda ang kasalukuyang estado ng relationship nina Tony at Julia.

“I wouldn’t say that me and Julia are, like, super close,” pag-amin ni Tony.

“I would love to be friends with her.” dagdag pa nito.

Naitanong naman ni Tito Boy kung may “possibilities” bang mauwi sa relasyon ang pagkakamabutihan nila.

“Let’s not get ahead of ourselves!” natatawang sagot ng aktor.

Sa buong panayam, iniwasan ni Tony na mabahiran ng malisya ang unang pagtatambal nila ni Julia.

Gayunpaman, may isang bagay na siniguro si Tony kay Tito Boy.

“One day, the day she gets married, the man that she marries will be a very lucky man,” pahayag nito.

Sa parehong interview, nabanggit ni Tito Boy na parehong napagitna sa kontrobersiya sina Tony at Julia ngayong 2019.

January ngayong taon nang mag-viral ang video ni Tony habang inaaway ang isang tauhan ng Bureau of Immigration sa NAIA.

July naman nang masangkot si Julia sa hiwalayan nina Bea Alonzo at Gerald Anderson.

Pagsapit ng Oktubre, nadawit din ang pangalan ni Julia sa alitan ng kanyang ina, si Marjorie Barretto, sa mga kapatid nitong sina Gretchen at Claudine Barretto.

Pero para kay Tony, walang anumang kontrobersiya ang makapipigil sa mga biyayang inilaan para sa isang tao.

“Kung para sa ‘yo, para sa ‘yo talaga.”

“Not a single thing, person, no energy on this Earth can’t take away what’s meant to be yours”, paliwanag ni Tony

Inamin din ng aktor na nai-inspire siya sa matinding pagmamahal ni Julia sa pamilya nito.

The post Kung para sa ‘yo, para sa ‘yo taℓaga" Tony Labrusca, umamin na sa totoong reℓasyon nila ni Juℓia Barretto appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments