Looking For Anything Specific?

Lalaking Nagtitinda ng Kamotє, Tinitiis ang Lamig Matapos Mabasa ng Uℓan Maka-Bєnta Lang

𝘐𝘴𝘢𝘯𝘨 𝘭𝘢𝘭𝘢𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘵𝘪𝘵𝘪𝘯𝘥𝘢 𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘮𝘰𝘵𝘦 𝘴𝘢 𝘣𝘢𝘯𝘨𝘬𝘦𝘵𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘯𝘨𝘯𝘨𝘪𝘯𝘪𝘨 𝘯𝘢 𝘥𝘢𝘩𝘪𝘭 𝘴𝘢 𝘭𝘢𝘮𝘪𝘨 𝘮𝘢𝘵𝘢𝘱𝘰𝘴 𝘯𝘪𝘵𝘰𝘯𝘨 𝘮𝘢𝘶𝘭𝘢𝘯𝘢𝘯.

𝙼𝚊𝚐𝚔𝚊𝚔𝚊𝚒𝚋𝚊 𝚝𝚊𝚢𝚘 𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚝𝚊𝚢𝚞𝚊𝚗 𝚜𝚊 𝚋𝚞𝚑𝚊𝚢, 𝚖𝚊𝚢𝚛𝚘𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚢𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚊𝚝 𝚖𝚊𝚢𝚛𝚘𝚘𝚗 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚑𝚒𝚐 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚝𝚞𝚔𝚊. 𝙼𝚊𝚊𝚢𝚘𝚜 𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚞𝚗𝚍𝚘 𝚔𝚞𝚗𝚐 ‘𝚢𝚞𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚖𝚊𝚢 𝚔𝚊𝚢𝚊 𝚊𝚢 𝚝𝚞𝚖𝚞𝚝𝚞𝚕𝚘𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚖𝚊𝚒𝚋𝚜𝚊𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚜𝚊𝚗𝚒𝚗 𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚍𝚞𝚔𝚑𝚊. 𝙽𝚊𝚔𝚊𝚔𝚊𝚊𝚠𝚊 𝚗𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚕𝚊𝚐𝚊𝚢𝚊𝚗 𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚑𝚒𝚑𝚒𝚛𝚊𝚙 𝚕𝚊𝚕𝚘 𝚗𝚊 𝚗𝚐𝚊𝚢𝚘𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚢 𝚙𝚊𝚗𝚍𝚎𝚖𝚢𝚊, 𝚐𝚊𝚢𝚊 𝚗𝚐 𝚒𝚜𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚕𝚊𝚕𝚊𝚔𝚘 𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚖𝚘𝚝𝚎.

Ibinahagi ni Cindz Mallari-Rodriguez kamakailan ang larawan ng isang mama na nakaupo sa gilid at basang-basa dulot ng malakas na buhos ng ulan. Sa harapan niya ay ang mga panindang kamote o sweet potatoes.

Sa iba pang larawan ay makikita naman ang isang bumibili sa mama, kung saan maaaninag na mukhang nanginginig ang tindero sa lamig ng tubig sa kanyang basang damit.

Kaya’t, ani Cindz, sana’y ‘yung mga makakadaan naman sa mama ay bumili. “Hi guys, if may makakadaan sa inyo along libertad po harap ng bilihan ng tela (Galactus). May makikita po kayong nagtitinda ng kamote. Pls po bilhan po natin sya. Nanginginig na po kasi sya at basang basa.”

Nasabi pa nito na hindi sapat na pinakiusapan niya ang kanyang papa na bumili at huwag nang kunin ang sukli. Ito ang dahilan kung bakit niya ibinahagi ang kuwento sa social media.

Habang ipino-post ito ay nakalikom na ng higit 3,300 reaksyon, nasa 1,800 komento at tinatayang 5,900 pagbabahagi ang update. Marami ang nag-tag sa programang Raffy Tulfo in Action.

Komento ng isa, “Tulungan natin kapuwa nating Pilipino o kahit anong lahi na hikahos ang pamumuhay dahil balang araw Diyos ang magbabalik ng mga naitulong natin sa kapuwa.”

Saad naman ng isa pa, “Kung malapit lang sana, nakakadurog ng puso sa tuwing nakakakita ako ng post na ganito.”

Nakakaawa na talaga ang kalagayan ng mga kababayan nating mahihirap lalo na ngayong may pandemya. Magtulungan po tayo, ‘yung mga maykaya baka pupuwedeng magbahagi naman ng tulong.

The post Lalaking Nagtitinda ng Kamotє, Tinitiis ang Lamig Matapos Mabasa ng Uℓan Maka-Bєnta Lang appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments