Looking For Anything Specific?

Netizens May Panaωagan Pαra Matuℓungan Ang Isαng Loℓo Na Nαgtitindα Ng Aprσn

Ang mga matatanda ay dapat na nagpapahinga na lamang sa bahay at hindi na nagtatrabaho. Pero minsan dahil sa hirap ng buhay, mayroong mga lolo at lola na pinagpapatuloy ang paghahanap buhay para sa kanila at sa kanilang pamilya.

Sa isang Facebook page na Trending TV ay ibinahagi ang larawan ng isang matanda na makikitang nagtitinda sa lansangan. Ayon sa post, nananawagan ang page na ito sa mga restaurants at mga fast food chains na malapit sa Camarin, Caloocan o Almar na kung sana ay tulungan nila ang lolo na nakilala bilang si Lolo Romy, 81 taong gulang.

Nagbebenta siya ng mga apron na nagkakahalagang trenta pesos lamang kada isa. Gagamitin niya kasi ang pera na makukuha niya mula sa kanyang mga paninda bilang pambili ng kanilang pagkain at iba pang pangangailangan.

Kahit sa sobrang init ng araw ay patuloy lang di umano ang matanda sa pagtitinda sa may footbridge.

Photo Credits: Trending TV/ Facebook

Isang netizen naman na nagngangalang Nikki Marielle Efren Eviota ang kumakatok rin sa mga netizens na may mabubuting kalooban upang matulungan si Lolo Romy at ang kanyang may bahay na si Lola Corazon, 70 taong gulang.

Hiling raw kasi ng matanda para sa kanyang kaarawan ay magkaroon siya ng pustiso. Kung kaya’t may mga netizens sana na magpaabot ng kanilang tulong. At sa kabutihang palad nga naman ay may mga taong nagbigay sa kanila ng donasyon.

Samantala, isang netizen na nagngangalang Camillejoy Budol, ang kasintahan ng apo ni Lolo Romy na si Zoilord Gaa ay labis ang pasasalamat sa mga netizens na nagpaabot ng tulong sa matanda. Paliwanag niya sa mga nagtatanong kung bakit patuloy ang pagtitinda ni Lolo Romy ng mga aprons ay dahil mas gusto raw ng matanda na mag-hanap buhay kaysa manatili sa bahay kahit na sinasabihan siya palagi na manatili na lamang siya sa bahay kasama ang kanyang mga apo.

Photo Credits: Camillejoy Budol/ Facebook

Nagsisilbing exercise na rin daw iyon ng matanda dahil pakiramdam niya na mas lalo lang siyang manghihina kapag siya ay nasa bahay lang at walang ginagawa.

Sana ay mag-ingat na lamang ng mabuti si Lolo Romy sa kanyang pagtitinda, at nawa’y bumuhos pa ang mga tulong para sa kanya.

The post Netizens May Panaωagan Pαra Matuℓungan Ang Isαng Loℓo Na Nαgtitindα Ng Aprσn appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments