Looking For Anything Specific?

Marian Rivera At Dingdong Dantes, Pinαiyαk Ang Kαniℓαng Mgα Kαsαmbαhαy Dahil Sa Mga Ibinigay Na Bike, Laptop, At Groceries

𝙷𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚖𝚊𝚒𝚝𝚊𝚝𝚊𝚗𝚐𝚐𝚒 𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚒𝚙𝚊𝚐 𝚊𝚝 𝚍𝚎𝚍𝚒𝚔𝚊𝚜𝚢𝚘𝚗 𝚜𝚊 𝚝𝚛𝚊𝚋𝚊𝚑𝚘 𝚗𝚊 𝚒𝚋𝚒𝚗𝚒𝚋𝚒𝚐𝚊𝚢 𝚗𝚒𝚗𝚊 𝙰𝚝𝚎 𝙶𝚕𝚎𝚗𝚍𝚊, 𝙺𝚞𝚢𝚊 𝙹𝚑𝚞𝚗, 𝚊𝚝 𝙰𝚝𝚎 𝙲𝚎𝚌𝚒𝚕𝚎 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚝𝚊𝚝𝚛𝚊𝚋𝚊𝚑𝚘 𝚜𝚊 𝙳𝚊𝚗𝚝𝚎𝚜 𝚏𝚊𝚖𝚒𝚕𝚢 𝚜𝚊 𝚕𝚘𝚘𝚋 𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚛𝚊𝚖𝚒𝚗𝚐 𝚝𝚊𝚘𝚗.

𝙺𝚊𝚢𝚊 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚋𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚜𝚊𝚜𝚊𝚕𝚊𝚖𝚊𝚝 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚒ℓ𝚊𝚗𝚐 𝚑𝚒𝚛αρ 𝚊𝚝 𝚖𝚐𝚊 𝚜𝚊𝚔𝚛𝚒ρ𝚒𝚜𝚢σ, 𝚗𝚊ρ𝚊𝚐𝚍𝚎𝚜𝚒𝚜𝚢𝚞𝚗𝚊𝚗 𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐-𝚊𝚜𝚊𝚠𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚒𝚗𝚊 𝙼𝚊𝚛𝚒𝚊𝚗 𝚁𝚒𝚟𝚎𝚛𝚊 𝚊𝚝 𝙳𝚒𝚗𝚐𝚍𝚘𝚗𝚐 𝙳𝚊𝚗𝚝𝚎𝚜 𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚐𝚋𝚒𝚐𝚊𝚢 𝚗𝚐 𝚜𝚙𝚎𝚌𝚒𝚊𝚕 𝚗𝚊 𝙲𝚑𝚛𝚒𝚜𝚝𝚖𝚊𝚜 𝚙𝚊𝚛𝚝𝚢 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚋𝚊𝚑𝚊𝚢 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊.

Sa isang episode ng kanilang series na ‘Jose at Maria’, inihanda ng Kapuso primetime couple ang buong program na puno ng mga palaro, regalo, at mga prizes na hiling nila ay sana makatulong sa kanilang mga minamahal na mga staff members para sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

Sa nasabing video, nakilala natin si Ate Glenda, isang mabait at mapagmahal na babae na tumutulong na sa mag-asawa sa pag-aalaga ng kanilang panganay na anak na si Zia sa loob ng halos limang taon na.

Si Dingdong ay nag-host naman ng isang palaro na isang family trivia, at dahil kilala na talaga sila ni Ate Glenda, siya ay nanalo ng bagong bisikleta na ibibigay niya para sa kaniyang pamilya.

Ani Ate Glenda,

“Malaking bagay po ‘yung bike na ‘yun na napanalunan ko, kasi syempre po, ‘yung bike po na ‘yun, magagamit po ng inay o ang pamangkin ko papunta sa labas, kasi malayo po kasi kami sa kalsada, kaya kailangan din po namin o nila ng masasakyan para magpunta ng kalsada.”

Nakilala din natin si Kuya Jhun, siya ay mayroong anim na anak at nagtatrabaho na sa Dantes family ng 17 taon. Si Kuya Jhun naman ang siyang naghawi ng brand new laptop na may kasama pang wi-fi connection matapos siyang iboto bilang “most deserving” ng dalawa pang contestant.

Saad ni Kuya Jhun,

“Napakalaking bagay. Lahat ng mga anak ko, gumagamit ng cellphone sa kanilang online school. Eh ‘yung gumagana lang d’un ‘yung cellphone ng asawa ko. Eh, ilan ang mga anak ko? Anim!”

At ang huli ay si Ate Cecile, na siyang inihayag ang kaniyang paghanga para sa mag-asawang sina Dingdong at Marian para sa kabutihan ng mag-asawa mapa-off o on-scren.

Saad ni Cecile,

“Wala po akong masabi kay ma’am [Marian]. Unang-una po, idol ko siya.”

Dagdag pa niya,

“Si ma’am Marian talagang kung ano ‘yung pananalita niya sa TV ganun din po sa personal. Wala rin po akong masasabi sa kanya, napakabait nilang mag-asawa.”

Samantala, binigyan din ng mag-asawa sina Ate Glenda, Ate Cecile, at Juya Jhun ng groceries na maaaring makatulong sa kanila para makapagsimula ng sari-sari store para makatulong upang sila ay makakuha ng extra income sa gitna ng C0VID-19 ραndєmic.

Saad ni Marian sa video,

“Hindi sapat ang mga materyal na bagay na ito para tumbasan ang pagmamamahal at serbisyo nila sa aming pamilya.”

Dagdag naman ni Dingdong,

“Ganun pa man, simbolo ito ng aming pasasalamat sa kanila lalo na ngayong kapaskuhan.”

Read also:

Zia Dantes, humihingi na ng isa pang kaρatid kay Marian Rivera

Ikinagulat ni Marian Rivera ang isa sa mga naging wish ni Zia Dantes nang ipagdiwang nito kamakailan ay kanyang fifth birthday.

Natatawang ibinahagi ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang isa sa mga birthday wish ng panganay niyang si Letizia “Zia” Dantes na ikinagulat niya.

Nang makapanayam ng 24 Oras nitong Martes, December 8, ibinahagi ni Marian na humihingi na raw si Zia ng isa pang kapatid.

Mahigit isang taon pa lamang ang nakararaan nang isilang niya ang bunsong anak na si Jose Sixto “Ziggy” Dantes IV.

Source: marianrivera (IG)

“Gusto niya raw magkaroon ng kapatid. O, ‘di ba, ng kapatid pa. Diyos ko,” natatawang sabi ni Marian.

Noong November 23 ay ipinagdiwang ni Zia ang kanyang ika-limang kaarawan at sinorpresa siya ng kanyang mga magulang ng compilation ng video greetings mula sa kanyang mga idolo kabilang sina singer-actress Sarah Geronimo, vloggers na sina Ranz, Niana, at Natalia, at Kaycee at Rachel.

Kita sa ini-upload na pictures sa social media ng daddy niyang si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes kung gaano siya kinilig dahil sa natanggap na greetings mula sa mga ito.

Si Marian daw mismo ang naghanda ng munti ngunit memorableng sorpresa para kay Zia.

Bukod dito, nagkaroon din sila ng intimate and fun-filled celebration sa bahay.

Silipin ang naging celebration ng Dantes family sa fifth birthday ni Zia sa gallery na ito:

Samantala, kamakailan ay naglunsad ni Marian ng home décor line ng online store niyang Flora Vida by Marian at hindi na lamang mga bulaklak ang ibinebenta.

Hands-on si Marian sa negosyo at kabilang sa kanyang home collection ang furniture at gamit sa bahay na inspired daw ng kanyang travels abroad.

Imported daw mula sa Europe ang fabric na gamit sa mga bagong koleksyon niya pero locally made ang mga produkto niya.

Bukod sa management ng negosyo at pag-aalaga sa pamilya ay pinaghahandaan na rin ni aktres ang unang sabak niya sa teatro, virtually, sa upcoming adaptation of Oedipus Rex ng Tanghalang Ateneo.

“Sabi ko nga habang nagra-run through kami kinakabahan ako, hindi ko alam kung kaya kong gawin.

“But sabi ko ita-try ko ‘yung best ko na gawin lahat para, atleast, hindi ako mapahiya na ako ‘yung pinili n’yo sa character na ‘to,” aniya.

Ang Oedipus Rex ay ididirihe ng aktor, writer, at Ateneo teacher na si Ron Capinding.

The post Marian Rivera At Dingdong Dantes, Pinαiyαk Ang Kαniℓαng Mgα Kαsαmbαhαy Dahil Sa Mga Ibinigay Na Bike, Laptop, At Groceries appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments