𝙸𝚜𝚊 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚜𝚞𝚜𝚒 𝚞𝚙𝚊𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚐𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚝𝚊𝚐𝚞𝚖𝚙𝚊𝚢 𝚝𝚊𝚢𝚘 𝚜𝚊 𝚋𝚞𝚑𝚊𝚢 𝚊𝚢 𝚊𝚗𝚐 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚗𝚊𝚝𝚒𝚗 𝚙𝚊𝚐𝚑𝚒𝚗𝚝𝚘 𝚜𝚊 𝚙𝚊𝚐-𝚊𝚊𝚛𝚊𝚕. 𝙰𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚝𝚞𝚕𝚘𝚢 𝚗𝚊 𝚙𝚊𝚐-𝚊𝚊𝚛𝚊𝚕 𝚊𝚢 𝚗𝚊𝚔𝚊𝚝𝚞𝚝𝚞𝚕𝚘𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚛𝚊 𝚖𝚊𝚙𝚊𝚋𝚞𝚝𝚒 𝚙𝚊 𝚗𝚊𝚝𝚒𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚜𝚊𝚛𝚒𝚕𝚒 𝚊𝚝 𝚖𝚊𝚍𝚊𝚐𝚍𝚊𝚐𝚊𝚗 𝚊𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚊𝚕𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚋𝚊𝚐𝚊𝚢-𝚋𝚊𝚐𝚊𝚢.

Kagaya na lamang ng dating aktres na si Neri Naig na patuloy na pinapabuti ang kanyang sarili sa pamamagitan ng patuloy pa rin na pag-aaral ng iba’t ibang bagay at kakayahan.
Matagal nang hindi aktibo si Neri sa pag-arte at ngayon nga ay inilalaan ang kanyang oras sa kanyang pamilya at paggawa ng pangalan sa larangan ng pagnenegosyo.

Kamakailan ay may bagong achievement na naman na natamo si Neri dahil sa kanyang pagpupursige na patuloy na i-improve ang kanyang sarili bilang isang entrepreneur o negosyante.
Proud na nakumpleto ni Neri ang entrepreneurship program na kinuha niya sa sikat at magandang eskwelahan na Harvard University.

Sa kanyang mga social media account ay ibinahagi ni Neri ang kanyang bagong achievement. Nag-post si Neri ng isang larawan kung saan ay hawak niya ang certificate na nagpapatunay na nakumpleto niya ang kursong “Entrepreneurship Essentials” sa nasabing Ivy League School sa Amerika.
Nag-aral si Neri ng apat na linggo sa Harvard Business School Online at sa huli ay masasabi niya na sulit ang lahat ng kanyang puyat dahil sa wakas ay natapos na niya ang entrepreneurship program.

“Sulit lahat ng puyat! Never stop learning. Kapag gusto, gagawa talaga tayo ng paraan,” ito ang sinabi ni Neri sa caption ng kanyang social media post.
Sa kanyang post, gumamit din si Neri ng isang napaka-makabuluhang quote na nakuha niya mula sa Chief Executive Officer ng “Alumnify” na si AJ Agrawal upang maiparating sa kapwa niya mga negosyante ang kahalagahan ng patuloy na pagkatuto para maging matagumpay.

Saad ni Neri, “Sabi nga ni AJ Agrawal, CEO ng Alumnify, “The best entrepreneurs in the world don’t act like they know everything. They all understand the fact that they have to continuously learn to be successful. For us to live life to the fullest, we must continually look for ways to improve. When we are looking to learn as much as possible, there’s less of a chance that we will come off as arrogant. True charmers don’t make themselves look smart, they make others look smart.”

Samantala, bukod sa pagiging isang negosyante at isang career woman, si Neri ay isa ring mapagmahal na asawa sa asawang si Chito Miranda at hands-on na ina sa kanyang anak na si Miggy.
Taong 2004 nang makilala si Neri bilang isa sa mga kalahok ng Star Circle Quest.
Read also:
Dating Aktor Na Si Eric Fructuoso Isa Na Rin Ngayσng Negσsyante Matapos Iωan Ang Showbiz

𝚂𝚒 𝙴𝚛𝚒𝚌 𝙵𝚛𝚞𝚌𝚝𝚞𝚘𝚜𝚘 𝚘 𝚔𝚒𝚕𝚊𝚕𝚊 𝚜𝚊 𝚔𝚊𝚗𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚝𝚞𝚗𝚊𝚢 𝚗𝚊 𝚙𝚊𝚗𝚐𝚊𝚕𝚊𝚗 𝚋𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝙵𝚛𝚎𝚍𝚎𝚛𝚒𝚌𝚔 𝙹𝚘𝚑𝚗 𝙼𝚊𝚛𝚌𝚘 𝙼𝚊𝚐𝚍𝚊𝚕𝚞𝚢𝚘 𝙵𝚛𝚞𝚌𝚝𝚞𝚘𝚜𝚘 𝚜𝚊 𝚝𝚘𝚝𝚘𝚘𝚗𝚐 𝚋𝚞𝚑𝚊𝚢, 𝚊𝚢 𝚗𝚊𝚔𝚒𝚕𝚊𝚕𝚊 𝚜𝚊 𝚜𝚑𝚘𝚠𝚋𝚒𝚣 𝚗𝚘𝚘𝚗𝚐 𝚍𝚎𝚔𝚊𝚍𝚊 ’𝟿𝟶, 𝚗𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚒𝚢𝚊 𝚊𝚢 𝚖𝚊𝚙𝚊𝚋𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚊 “𝙶𝚠𝚊𝚙𝚒𝚗𝚐𝚜” 𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚜𝚊 𝚜𝚊 𝚖𝚐𝚊 𝚜𝚞𝚖𝚒𝚔𝚊𝚝 𝚊𝚝 𝚗𝚊𝚐𝚒𝚗𝚐 𝚙𝚘𝚙𝚞𝚕𝚊𝚛 𝚗𝚊 𝚖𝚊𝚕𝚎 𝚝𝚎𝚎𝚗 𝚐𝚛𝚘𝚞𝚙 𝚗𝚘𝚘𝚗.

Kasama ni Eric sa “Gwapings”, ang halos mga ka-edaran lang din niyang aktor noon na sina Mark Anthony Fernandez, Jomari Yllana at Jao Mapa. Dahil nga sa nasabing grupo, ay unti-unting nakilala sa industriya ng showbiz ang pangalan ng apat na binatang aktor.

Dahil nga sa ipinakitang husay ng grupong “Gwapings” ay naging maganda ang karera nila, at dinagsa sila ng iba’t iba pang mga proyekto. Napabilang sila noon sa pinaka-popular na sitcom na “Palibhasa Lalaki”, kung saan ay nakasama naman nila ang mga batikang artista, tulad nina Richard Gomez at Joey Marquez.

Matatandaan pa nga na noong taong 1992, ay nagkaroon ng sariling pelikula ang grupo, at ito nga ay ang pelikula nilang “Guwapings: The First Adventure”. Maliban pa nga rito,ay nagkaroon din ng variety show ang grupo, at ito nga ay ang Guwapings Live na umere naman hanggang taong 1993.

Samantala, maliban nga sa pagiging isang aktor ni Eris Fructuoso, ay pinili na rin nitong pasukin ang pagiging isang negosyante, upang sa ganoon ay masiguro na rin ang kanyang hinaharap sakali man nga na siya’y huminto sa pag-aartista.

At sa kanya ngang naging negosyo, na nauugnay sa food business industry, ay patuloy pa rin ngang inaalala ng aktor ang grupo na kanyang pinagmulan sa pagiging isang artista.
Ibinahagi nga ng 54-taong gulang na aktor na si Eric Frustuoso, nito lamang ika-11 ng Enero sa kanyang Instagram, ang kanyang pagbibigay update sa patuloy na konstraksyon ng kanyang bagong negosyo kung saan ayon sa kanya, noon pang nakaraawang buwan ng ito’y kanyang pasimulang ipagawa.
Ipinahayag nga ni Eric sa kanyang post, na ang unang branch ng kanyang food business na tinawag niyang “Gwapings Porkchop” na matatagpuan sa Caloocan, ay magbubukas na sa publiko sa ika-16 ng Enero ng taong ito.
Bago naman ang naging pagbabahagi na ito ng aktor ng kanyang food business, ay nauna na nitong ibahagi noong nakaraang buwan sa kanyang Instagram ang pagbubukas ng kanyang motorcycle shop na tinawag niya namang “Gwapings Moto”, na matatagpuan sa Naic, Cavite.
Maliban pa nga sa mga negosyo na ito ni Eric, ay napag-alaman rin natin na ang aktor, ay tumutulong sa construction business ng kanyang non-showbiz wife na kinilalang si Gian, na 17-taon na umanong kasama sa buhay ni Eric.
Hindi nga lamang ang pagiging isang mahusay na aktor, at pagiging isang negosyante ni Eric ang hahangaan sa kanya, dahil kahanga-hanga rin ang pagiging isang mabuti, responsable at mapagmahal na ama ni Eric sa kanyang mga anak.
Sa ipinapakita ngang determinasyon at pagiging isang pursigido ni Erik Fructuoso sa larangan ng pagnenegosyo, ay panigurado na isang magandang buhay ang maibibigay niya sa kanyang asawa at mga anak, kahit pa nga ba dumating siya sa punto na maisipan na niyang huminto sa pagiging isang artista.
The post Neri Naig, proud na nakaρagtaρσs ng online course sa Harvard University kahit busy sa negσsyσ at ρag-aalaga sa pamilya appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments