Looking For Anything Specific?

90-Anyos na Lola, Umaasa Lamang sa mga Pagkain na Napupulot sa Daan Para Maitawid ang Pang Araw-araw na Buhay!

Mabilis na kumakalat sa social media ang mga balita at mga kaganapan sa loob at labas ng ating bansa. Nababalitaan din natin ang ilan sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong. Kaya naman, sa tulong ng social media o internet ay mas napapagaan ang paghahanap at pagbibigay sa mga taong nangangailangan ng tulong at iba pa.

Marami na tayong nakikita sa social media na nakakalungkot na pangyayari gaya ng matatanda na lubhang nakakaawa. Isa na rito ang 90-anyos na lola na kinilalang si Lola Lucin. Ayon sa concerned netizen na si Jun Butac, nakatira umano si Lola Lucin sa Maanteng Solsona, Ilocos Norte.
Ibinahagi ni Jun ang nasaksihan na sitwasyon ni Lola Lucin. Naantig at nag-alala si Jun kay Lola Lucin kaya inupload nito ang ilang larawan ni Lola Lucin sa social media at nagbakasali na may mag-abot  ng tulong kay Lola.

Sinabi niya sa kanyang post na sa likod ng larawan ni Lola Lucin ay talagang hirap ito sa buhay na dahilan kung bakit namumulot na lamang siya ng kanyang makakain o ‘sinaklob’ ang kanyang ulam at pinagkakasya na lamang niya sa buong araw at tinitipid na lang niya ito.
Mag-isa na lang din sa buhay si Lola Lucin kaya naman sa kabila ng kanyang edad ay wala siyang ibang pagpipilian kundi magtiis na humanap ng paraan upang makakain at makaraos sa pang araw-araw.

Dahil sa social media ay mabilis naman na nabalitaan to ng ilang mga tao na handang tumulong kay Lola Lucin. Isang Ma’am Rona umano ang nagpatulong na matunton si Lola Lucin upang magbigay ng tulong dito.
Lubhang nakakalungkot ang sitwasyon ni Lola Lucin. Kaya naman, nang may mag-abot sa kanya ng tulong ay napangiti naman si Lola Lucin. Isang biyaya na sa kanya ang may magbigay ng tulong.
Read also:

40-Anyos na Ina na Halos Butσ’t Baℓat, Nangangailangan ng Tulong dahil sa Mαℓυbhα Nitong Kαяåмdαмαn!

Malaking bagay din sa atin ang makabagong teknolohiya gaya ng mga gadgets at internet dahil mas napapadali para sa atin ang dating mahirap gawin. Gaya na lamang ng paghingi ng tulong, maaari ng gamiting ang makabagong teknolohiya para lumapit at manawagan sa mga tao kung ikaw ay nangangailangan at kung ikaw ay wala ng iba malapitan at magawa.

Gaya na lamang ng isang concerned netizen na si Gemma Grezola Diaz, upang siya ay makatulong sa kanyang kapit bahay na si Lorna Padua Buenvieje na may malubhang karamdaman ay ibinahagi niya ang ilang larawan nito. makikita sa larawan na halos buto’t balat na si Lorna.

Si Lorna ay 40-anyos na ina at may dalawang anak. Nakatira sila sa San Carlos City, Pangasinan. Kaya naman, lumalapit at kumakatok sa puso ng mga tao si Gemma para kay Lorna na nangangailangan ng tulong.

Para sa may mabubuting kalooban at nais mag-abot ng tulong ay narito ang kabuuan niyang facebook post:

“Hello po mam/sir humihingi po ako nang kaunting tulong para po sa kapitbahay po namin na si Lorna Padua Buenvieje 40 years old may dalawang (2) anak siya po ay nakatira sa Pangalangan San Carlos City, Pangasinan, siya ay nahihirapan sa kanyang karamdaman..gusto ko siyang matulongan ..
Kaya po sa mga mabubuting loob dyan kelangan po ng tulong Ang pamilya niya Sana nawa’y matulungan sila..

Pakishare nalang po salamat.

Sa mga nais tumulong …

GCASH # 09298504635 Gemma Grezola Diaz”

The post 90-Anyos na Lola, Umaasa Lamang sa mga Pagkain na Napupulot sa Daan Para Maitawid ang Pang Araw-araw na Buhay! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments