Looking For Anything Specific?

Amerikanong vlogger, ipinaayos at ipinagawa ang bahay ng pamilyang kumupkop sa kanya noong sya ay na-stranded dahil sa pandemya

Sa Kabila ng mga problema na ating kinahaharap ay may mga tao parin talaga na sa kanila ay likas na ang pagiging matulungin pagdating sa kanilang kapwa lalo na sa mga labis na nangangailangan kahit pa hindi nila labis naka-kilala.

Kagaya na lamang ng mag-asawang Reche at Raymund Adopante na talagang nakakabilib ang labis na pagiging matulungin sa kanilang kapwa at ito ay napatunayan ng kanilang tulungan at kupkupin ang isang tao kahit hindi nila kakilala at na-stranded lamang sa kanilang lugar.

Dahil nga sa kinahaharap natin na pandémya ay nagkaroon ng community quarantine kaya naman maraming mga tao na naapektuhan at nastranded sa iba`t-ibang lugar at ang isa na nga rito ay ang American Vlogger na si Dustin.

Napag-alaman na taong 2016 ng unang makarating sa lugar sa Cebu ang American Vlogger na si Dustin, at dahil sa ganda ng mga lugar dito ay nabighani ang dayuhan kaya naman muli itong binalikan ni Dustin.

Ngunit sa pagbabalik ng vlogger na dayuhan ay hindi niya inaasahan ang pagkakaroon ng pandémya at nagdeklara ang gobyerno ng Pilipinas ng løckdøwn.

Dahil sa lockdown ay walang nagawa ang dayuhan kundi manatili sa Cebu, samantala dahil nga hindi naman taga-Cebu si Dustin at isa lamang siyang turista kinakailangan niya ng matutuluyan lalo na dahil nagkaroon ng lockdown.

At dito na pumasok sa buhay ni Dustin ang mag-asawang Raymun at Reche, Kung saan siya ay pansamantalang kinupkop ng mag-asawa at pinatuloy sa kanilang tahanan habang nasa kanilang lugar ang Dayuhan at hahang hindi pa nakakabiyahe.

Kwento naman nag mag-asawang Reymund at Reche, hindi naman daw naging mahirap para sa kanila na patuluyin si Dustin at hindi rin daw umano sila humihingi ng kahit anumang kapalit mula sa Amerikanong vlogger.

Ngunit sa hindi nila inaasahan pagkakataon, Ang ginawa pala nilang kabutihan at simpleng pagpapatuloy nila sa naturang dayuhan sa kanilang tahan ay mayroon pa lang magiging kapalit na napakalaking biyaya.

Dahil sa ginawang kabutihan ng mag-asawa sa American Vlogger na Dustin sa pagkupkup ng mga ito sa kanya ay hindi nagdalawang isip si Dustin na ibalik ang tulong sa mga ito.

Napagdesisyunan ni Dustin na ipaayos ang bahay ng mag-asawa at pinatayuan rin niya ng pampublikong C.R ang naturang komunidad kung saan nakatayo ang bahay ng mag-asawang Reymund at Reche.

Pahayag naman ni Dustin ay nais niyang magkaroon ng maayos na palikuran ang mga tao doon lalo na daw ang mga nakatira doon na wala naman sapat na kakayahan na magkaroon nito.

Napag-alaman din naman na hindi lamang ang pamilya nina Reymund at Reche ang nabiyayaan ng tulong mula kay Dustin, dahil maging ang ilang kababayan nila ay nabahagian din ng tulong ng dayuhan lalo na daw noong kasagsagagn ng pandemiya.

Namahagi daw si Dustin ng pera at ayuda para sa mga mamamayan rito kung saan ito ay mula sa perang kinikita ni Dustin sa kanyang pagiging isang vlogger.

Isa lamang itong patunay na kapag gumawa ka talaga ng kabutihan sa iyong kapwa ng hindi humihingi ng anumang kapalit ay kusa itong ibabalik sayo ng mas higit pa sa iyong ginawa.

Post a Comment

0 Comments