Looking For Anything Specific?

Angel Locsin, emosyonal na inamin na nabawasan ang kanyang pinag-aaral na iskolar: “Nahihiya ako sa kanila kasi.”

Kilala si Angel Locsin sa pagiging matulungin nito sa kapwa.

Sa katunayan, isa siya sa mga Heroes of Philanthropy ng Forbes Asia.

Likas na sa Kapamilya star ang tumulong sa marami lalo na sa mga nangangailangan.

Bukod sa kanyang napakaraming donation drives, si Angel ay mayroon din mga pinapaaral na scholars.

Sa katunayan, itong mga scholars niya ay lumalaban din sa sakit na c4ncer.

Noong April 23, ipinagdiwang ng real life Darna ang kanyan 36th birthday. Sinorpresa naman siya ng matalik na kaibigan na si Angelica Panganiban.

Sa isang episode ng kanyang show, Iba ‘Yan, hindi alam ni Angel na may inihandang party pala sa kanya ang mga staffs at si Angelica.

Nagsilbing host naman si Angelica para sa birthday party ng kaibigan.

Naging parte naman ng pagbati ang mga scholars ni Angel. Sa isang video compilation, nagpasalamat ang mga ito at nag bigay ng mensahe para sa aktres.

Sa video, bumati ang mga personal beneficiaries na nasa C4ncer Warriors Foundation, kasama na din ang mga scholars niya sa Bukidnon.

“Sana marami pa kayong matulungan na mga tao na katulad naming nangangailangan. Salamat sa pagtulong sa amin,” sabi ni Maynard Darang na isang c4ncer patient.

Sa puntong ito, hindi na napigilan ng aktres na maiyak nang makita ang kanyang mga tinutulungan. Ngunit inamin ni Angel na nabawasan na ang kanyang mga scholars.

“Actually, nahihiya ako sa kanila, kasi ‘yung mga scholars natin sa Bukidnon, marami sila dati. Simula noong nawalan tayo ng franchise (ng ABS-CBN), hindi ko na mabigyan lahat,” paliwanag ng aktres.

Lubos din naapektuhan si Angel sa pagpapasara sa kanyang mother network. Gayunpaman, hindi pa din tumitigil sa pagtulong ang real life Darna.

Read also:

Angel Locsin, nakatanggap ng parangal dahil sa kanyang mga ibinigay na tulong

Malugod na tinanggap ng aktres na si Angel Locsin ang parangal na Cinemadvocate Award mula sa Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Ayon sa FDCP, kinikilala si Locsin dahil sa kanyang huwarang adbokasiya at charity works na nagbibigay ng inspirasyon sa buong industriya ng pelikula kasama ang pagiging isang ehemplo ng mga aktor at aktres na ginagamit ang kanilang impluwensya at tagumpay para sa kinabubuti ng nakararami.

Sa kanyang Instagram, ni-repost ni Locsin ang video na ginawa ng FDCP bilang isang tribute sa aktres. Kasama sa video ang mga sweet at heartwarming na messages mula sa mga espesyal na tao sa buhay ng aktres. Kabilang na dito ay ang kanyang fiancé na si Niel Arce at ang best friend at kapwa-aktres na si Dimples Romana.

Sa isang maikling clip, binigyang-diin ni Dimples Romana ang “Heart of an Angel” ni Locsin dahil laging tumutulong ang aktres tuwing may kalamidad kahit saang parte ng Pilipinas.

Ag sabi ni Romana, “Angel kasi has really a heart of an angel, a heart of gold. Each time something comes out, bagyo, lindol, COVID, Angel is always making sure that nakakapagbigay siya. Nakakatulong siya. Nakakapaglingkod siya.”

Mula naman sa kanyang fiancée na si Neil Arce, ang pagiging hindi makasarili ni Locsin ang isa sa mga pinakamalaking aral na natutunan niya sa kanyang fiancée.

Kapag hindi niya naipaglaban ang tama, hindi siya masaya. Being selfless is the biggest lesson I’ve learned from her, na isipin muna ang iba bago ang sarili niya,” ang sabi ni Arce sa tribute video.

Sa caption ni Locsin, malugod niyang pinasalamatan ang Film Development Council of the Philippines sa kanyang rekognisyon. Kasabay din nito ang pagpapasalamat kay Dimples Romana, Niel Arrce, Gines Saringaya at Dr. Marev Matic na nagbigay ng maiikling mensahe sa tribute video.

Thank you @fdcofficial for this heartwarming tribute.

:Masuwerte lang ako na meron akong @niel_arce na hindi ako pinapabayaan at laging nasa tabi ko kahit na anong mangyari. Si @dimplesromana na isa sa pinakamabuting puso na makikilala mo na mahahawa ka sa pagmamalasakit sa tao, pagpupursige, pagiging totoo, at mabuting kaibigan. Si @gines.sarangaya na bukod sa napakatalino at maabilidad, ay mulat sa mga dinadanas ng tao at handling tumulong ano mang oras. Si Dra. @marevicmatic2019, na isang tunay na bayani. Kahit naka-quarantine ay nais pa ring magbigay serbisyo at makatulong. At syempre, sa lahat ng mga naniwala. Nakakahiya man na ako ang nabigyan ng parangal, pero sila po ang rason kung bakit ako nakakakilos. Sana sa pinakita nila, marami pa hong mabigyang inspirasyon. Maraming salamat FDCP.”

Noong nakaraang taon, ginawaran din ng Forbes Magazine si Angel Locsin bilang isa sa mga “Heroes of Philanthropy 2019” sa Asya. Naka-estima na halos higit sa 15 milyong piso ang naibigay ni Locsin sa nakaraang dekada. Tumulong si Locsin na rumesponde sa mga malalaking delubyo sa bansa —Bagyong Ondoy, Habat, at Haiyan, pati na rin ang pagsabog ng Bulkang Taal at kamakailan lamang, ang kanyang tuloy-tuloy na donasyon at pagkilos para tumulong sa mga frontliners ngayong ραndємуα.

The post Angel Locsin, emosyonal na inamin na nabawasan ang kanyang pinag-aaral na iskolar: “Nahihiya ako sa kanila kasi.” appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments