Nakahakot na ng 12 million views ang viral video ng isang bata na kumakain ng buhay ‘batud’ o coconut worm.
April 6 nang i-post sa Facebook ang nasabing video, at simula noon ay umani na ito hindi lamang ng views kundi ng samu’t saring mga komento mula sa publiko.
Sa nasabing video, mapapanood na kumakain ng matataba at gumagalaw-galaw pang uod ang batang babae.
Makikita rin ang pagtatangka ng mas nakakatandang kapatid na lalaki na kunin mula sa batang babae ngunit umiiyak ito sa tuwing kukuhanin sa kanya ang kinakain niya.
Maririnig dina ng boses ng tatay nila na tila tinatakot siyang ililigpit na ang pagkain ngunit iiyak lang ulit ang batang babae.
Makikita sa video na tila ayaw mamigay ng bata kung kaya para tumigil na ang pananakot sa kanya, pinili na lang ng batang babae na mamigay ng kinakain niyang uod sa paligid niya.
Sa kabila ng tila inosenteng video, inulan ng batikos ng mga netizens ang mga magulang ng batang babae.
Dahil marami ang hindi nakakaalam kung ano ang batud, kinwestiyon ng mga ito kung bakit pinapakain ng buhay na uod ang bata.
At dahil sa natatanggap ng mga magulang na pamba-bash mula sa publiko, minarapat nilang huminging saklolo sa kilalang brodkaster na si Raffy Tulfo at sa programa nitong Raffy Tulfo in Action.
At noon ngang April 9 ay tinalakay na sa nasabing programa ang issue.
Ayon sa research ng radio personality at ng kanyang programa, edible o nakakain ang coconut worm o batud.
Ang batud ay kilala rin sa Vietnam sa tawag na ‘dua’ at ito ay isang sikat na delicacy doon.
Ang batud umano ay isang invertebrate gaya ng mga insekto, crabs, lobsters, sea urchin, at siguradong nakakain ang mga ito.
Sa ibang lugar daw ay ginagamit ang batud na pamalit sa karne ng baboy at karne ng baka.
Tinawagan din ng programa ang isang nutritionist na naka-base sa Surigao at maging ito ay kinumpirma na edible o nakakain ang batud.
Ayon pa dito, ωαℓα pa nαмαng nαιυυℓαt na nαмαтαy o nαgкαѕαкιt dahil lang sa ραgкαιn ng batud sa lugar nila.
Dahil dito, hiniling ni Raffy sa publiko na tigilan na ang pamba-bash sa mga magulang ng bata sa viral video.
Pinaalalahan na lang niya ang mga magulang na sigaruduhing malinis at maayos ang preparasyo nila ng batud na ipapakain sa bata.
Samantala, may ilang mga netizens rin naman na sumang-ayon at nagtanggol sa mga magulang ng bata.
Pinatotohanan nilang nakakain naman ang batud at itinuturing na exotic food para sa mga Ilokano.
May mga nagkomento rin na masarap nga ito at mabuting source umano ng protina, calcium at iron.
Maliban sa Vietnam at Pilipinas, kilala rin itong delicacy sa Thailand.
Sa ibang lugar sa ating bansa, kilala rin ang batud sa tawag na uok.
Maari itong kain nang hilaw. Ang ilan naman ay niluluto ito bilang adobo.
Read also:
Ina, Pinabayaan lang umano ng mga Anak na Gumapang ito sa Lupa
The post Bata na kumain ng buhay na uod sa viral video, patuloy na pinag-uusapan appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments