Joshua Garcia usap-usapan na ngayon na ipapalit kay James Reid.
Ito ay matapos ianunsiyo ni James Reid na hindi na nga daw siya tutuloy sa “Soulmate.”
Ang proyektong pagsasamahan sana nila ng Korean star ng Momoland na si Nancy Mcdonie.
Kaya naman maraming netizens ang nagtatanong kung matutuloy pa nga ba ang nasabing proyekto.
Sa post naman ng HOLA.PH sa twitter ay kinumpirma nilang tuloy pa din ang proyekto at si Joshua na nga di-umano ang papalit kay James.
Ayon pa sa HOLA, ngayong June 2021 nakatakda umanong bumalik dito sa Pilipinas si Nancy.
“Ilang beses ng naudlot ang taping ng serye dahil sa pandemya hanggang sa umatras na ang sana’y makakatambal ni Nancy na si James Reid at ngayon ay pinalitan na siya ni Joshua Garcia.”
Anim na buwan umano mananatili si Nancy sa bansa para sa shooting ng nasabing serye kasama si Joshua.
Kung natatandaan ninyo pinaplano pa lang iyan para kay James Reid, nag-react na ang JaDine na sinasabing ibo-boycott nila iyon.
Noong tanggihan na niya, ibinigay na nga kay Joshua.
Samantala, isang malaking oportunidad ito kay Joshua.
Hindi lang leading man ni Nancy si Joshua, magkakaroon pa siya ng pagkakataong mapanood sa Korea.
Siya na ang kapalit ni James Reid, na sa tingin ng marami ay wise decision naman dahil sa ngayon maliwanag na ang popularidad ni Joshua sa local fans ay mas matindi kaysa kay James na lumamig na ang career matapos ang mahigit na isang taong walang pelikula at wala ring TV show.
Saad pa nga ng ilan ay mas mukhang sinwerte daw si Joshua ngayong wala na siyang ka-love team.
Dahil mas umapaw daw ang proyektong natatanggap niya sa ngayon.
Anong masasabi mo rito? Excited ka na ba sa tamabalang Joshua at Nancy?
Read also:
Bagong ‘LOVE!’ Joshua Garcia, ginulat ang lahat matapos ipakilala ang bagong nagmamay ari ng kanyang puso
The post Joshua Garcia, bali-balita ngayon na siya ang magiging new leading man ng isang sikat na korean star sa bago nitong project na teleserye. appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments