Looking For Anything Specific?

Melai Cantiveros, inamin ang tunay na dahilan kung bakit hindi pinag-aaral ang mga kamag-anak!

Nagsimula sa simpleng pamumuhay at pamilya si Melai Cantiveros bago siya pumasok sa reality show ng ABS-CBN Pinoy Big Brother.

Hindi maitatanggi na naging maganda ang karera ni Melai sa showbiz matapos siyang tanghaling Big Winner sa season na sinalihan niya.

Matapos siyang makalabas ng bahay, nakatanggap si Melai ng iba’t-ibang offer sa showbiz.

Kasama na dito ang ilang pelikula na pinagbiahan niya at ang hosting na napunta sa kanya. Sa ngayon, isa si Melai sa Momshie hosts ng morning talk show Magandang Buhay.

Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan, aminado si Melai na hindi siya pumapayag na paaralin ang kanyang mga kamag-anak.

Ipinaliwanag naman ni Melai ang kanyang dahilan.

Sa vlog na naka upload sa YouTube channel ng aktor na si Enchong Dee, natanong ang komedyana kung paano niya pinanghahawakan ang kanyang pera ngayon na tuloy padin ang kanyang karera.

“Kunyari sa mga pinsan ko, hindi ako magbabayad ng mga tuition fee nila. Hihingan ako ng kapatid ng pang-tuition, [sasabihin ko] ‘Ba’t ako [magbabayad ng] tuition fee ng anak mo?’ Eh anak mo ‘yan,” paliwanag ni Melai.

Ayon sa aktres, pinalaki sila ng kanilang tatay na hindi umaasa sa iba.

Bukod pa dito, sinabi din ni Melai na may sariling pamilya na din ang kanyang mga kamag-anak at tinuturuan niya din na sila ay dapat mag trabaho.

“The best ‘yung maging breadwinner pero dapat breadwinners. Lahat kayo breadwinners ng family. Kunwari nagta-trabaho si Ate. Dapat nagta-trabaho ka rin. Kunyari sinabi ng kapamilya ko tuition fee, [sasabihin ko] ba’t ako mag-tuition fee? Pagalitan talaga. Manginginig ka talaga, partner.”

Si Melai ay may dalawang anak na babae kay Jason Francisco na kapwa din PBB housemate.

Well, may kanya-kanya talaga tayong opinyon at paninidigan sa buhay. ‘Di ba Melai?

Read also:

Melai Cantiveros, Nakakuha Ng Samu’t Saring Komento Sa Pahayag Niya Tungkol Sa Pagbayad Ng Tuition Ng Mga Pamangkin

Ibinahagi ni Melai Cantiveros ang kanyang “greatest achievement in life” at ang mga karanasan niya sa buhay.

Isang sikat na personalidad si Melai Cantiveros. Marami na ang kaniyang pinatawa sa mga “witty jokes” niya. Ang comedian, actress at TV host ay walang pagkukunmwari ‘pag humaharap sa publiko.

Matapos manalo sa “Pinoy Big Brother: Double Up” noong taong 2009, sumikat ang aktres at patuloy na namayagpag sa entertainment industry. Noong nga lang ding 2005, nanalo siya sa unang season ng Filipino Version ng “Your Face Sounds Familiar”.

Sa ngayon, bukod sa pagiging host sa palabas na “Magandang Buhay”, isa rin siyang mapagmahal na asawa, sa kaniyang kabiyak na si Jason Francisco at butihing ina sa mga anak na sina Amelie Lucille at Stela Rosalind.

Sa kaniyang panayam, sa vlog ng isa ring aktor na si Enchong Dee, sinabi niyang ang kaniyang “greatest achievement” ang magkaroon ng oras at ilaan ito sa kaniyang pagdadasal araw-araw.

“For me kasi, It’s a greatest achievement talaga, partner, of my life, kapag nakakapag-rosary ‘ko  a day, kapag nakakapagsimba ako a week, ‘yun talaga ang masasabi kong achievement a day and a week.”

Nang tanungin ni Enchong kung paano nakatulong ang kaniyang pananampalataya sa kontrobersyal na usapin noon ng ABS-CBN shutdown, inamin ni Melai na hindi naging madali ang kaniyang pinagdaanan.

“Ang prayer ko talaga nung time na ‘yun partner, na ma-handle ko yung galit ko. Para bang tingin ko bago dumating yung shutdown, grabe yung prayer ko, grabe yung pag rosary ko.” saad niya.

“Prang na-overcome ko sya partner sa pagiging pagpapakatotoo ko. Parang pinakita ko lang kung anong pinanggalingan ko.” Dagdag pa nito.

Si Melai ay laking General Santos City, nang siya ay pumunta ng Maynila at sinimulan ang kaniyang karera, nalagpasan daw niya ang bawat pagsubok pati na rin ang pagharap sa bagong buhay.

Sa kabila ng kasikatan, nanatiling disiplinado ang aktres pagdating sa pagharap ng mga responsibilidad. Kung kaya naman hindi niya inaako ang lahat ng responsibilidad ng mga kamag-anak.

“Kaming bata pa lang, tinuruan na kami ni Papa ko na ‘wag umasa. The best yung breadwinner pero dapat breadwinners. Lahat kayo breadwinners ng family. Kunwari nagta-trabaho si Ate, dapat nagta-trabaho ka rin.”

Sa usapang pamilya nama’y, masaya at kuntento na raw siya. Ang kasiyahan ng mga anak niya’y kasiyahan niya rin daw.

The post Melai Cantiveros, inamin ang tunay na dahilan kung bakit hindi pinag-aaral ang mga kamag-anak! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments