Looking For Anything Specific?

74-Taong-Gulang Na Ina, Binubuhay Ang Pamilya Sa Pagsisid Ng Barya Sa Ilalim Ng Dagat Araw-Araw

“Ilaw ng Tahanan”, sila ang mga gumagabay sa mga anak at kaagapay ang asawa sa pagtataguyod ng mga pangangailangan ng kanilang buong pamilya.

Ang kahulugan ng mga salitang ito ay talagang tinataglay ng 74 na taong gulang na ito na isang nanay. Sinasabing sumisisid siya araw-araw para makapulot ng barya barya sa ilalim ng dagat.

Siya si Lola Maria at totoong tinataguyod niya ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng ganitong trabaho.

Ang mga barya na hinuhulog umano ng mga pasahero at turista sa Dalahican Ferry Terminal sa Lucena, Quezon.

Parte na ng pagsakay ng mga turista ang paghuhulog ng barya sa dagat bilang paggalang at pagpapaalam sa dagat na maging ligtas ang kanilang biyahe. Isang kultura na nga na maituturing ang paghuhulog ng mga barya dito.

Kaya naman si Lola Maria ay puspusan sa paglangoy at pagsisid sa ilalim ng mapanganib na dagat na ito upang makapulot ng barya at mabuhay ang kanyang mga anak.

Minsan daw ay kasama niya ang kanyang asawa o kaya ay anak sa pagsisid ng naturang karagatan. Minsan daw ay kumikita si Lola Maria ng Php100 o Php200 depende sa kung magkano o ilan ang naghuhulog ng barya sa dagat.

Ang ganitong klaseng trabaho ni Lola ay hindi biro lalo na sa edad at pisikal na pangangatawan niya. Ang mga lola na tulad niya ay dapat na nagpapahinga na lang sa bahay at ineenjoy ang buhay niya.

Ngunit, kung makikita niyo siya sa ilalim ng dagat ay talagang parang nag eenjoy pa siya sa pagsisid.

Ang kwento ni Lola Maria ay minsan ng naere sa telebisyon sa palabas na “Front Row “ sa channel 7 na pinamagatang “Mga Barya ni Lola “. Ang pag ere nito ay naghatid ng mga tulong kay Lola Maria at sa kanyang pamilya.

Read also:

107 Taong Gulang Na Lola, Ibinahagi Ang Sikreto Para Mabuhay Nang Matagal: ‘Huwag Mag-Aasawa’

Ang pagkakataon na mabibiyayaan ng mahabang buhay ay isa marahil sa mga ipinagdarasal ng mga tao sa mundo. Napakaraming bagay ang ating nagagawa sa kakaunting panahong ating hawak, ngunit hindi maikakaila na ang pag nanais na magtagal pa sa mundong ating ginagalawan ay sadyang nakakaakit at tila mapaglaro sa ating mga isipan.

Kaya naman maraming nag susulputang paraan o mga suhesyon kung papaano makamit ang mahabang buhay, o madagdagan man lang ang ating panahon sa mundong ibabaw. Narito ang isang nakakatuwang kwento na inyo sanang kapulutan ng aral.

Kung tatanungin mo ang isang tao kung ano ang kanilang lihim sa mahabang buhay, ang sagot na karaniwan mong makukuha ay ang kanilang pag kain ng tama, pagiging malusog at regular na pag-eehersisyo. Ngunit ang isang ginang ay nagbigay ng isang medyo kakaiba at nakakagulat na sagot.

Ang ginang na aming tinutukoy ay kakadiwang lamang ng kanyang 107 na kaarawan. Nakakagulat pero tunay nga, tama ang iyong nabasa, siya ay 107 taong gulang.  At ang kanyang lihim sa mahabang buhay ay walang iba kundi – ang hindi kailanmang pagpapakasal sa kung sino man.

Naibalita ng CBS New York na si Louise Signore ay nag diwang ng kanyang kaarawan noong Hulyo sa JASA Bartow Senior Cente.

Si Ginang Louise Signore ay ipinanganak sa Manhattan New York  noong 1912, ngunit lumaki siya sa Bronx (kung saan nagmula ang sikat na artista at mananayaw na si JLo) kung saan siya nakatira mula pa noong siya ay 14 taong gulang pa lamang.Ang masayahing ginang na ito na panay ang suot ng kulay rosas ay may isang nakaka aliw na talento na tila laging nagbibigay saya sa kanyang mga kasamahan sa tahanan ng mga matatanda. Ang kanyang kaibigan na si Deborah Whitaker, ay nagsabi na si Louise ay walang kasing lakas sa kanyang edad.

Dagdag pa ni Deborah na si Louise ay walang kapaguran, panay ang lakad ng walang tungkod o “wheelchair” at panay ang pamimili ng kanyang mga pangangailangan kahit magisa lang siya.

“Sa palagay ko, ang koneksyon niya sa kanyang mga kapitbahay sa komunidad at pati na rin ang kanyang mga kaibigan dito sa senior center ay nakakatulong upang mapanatili niya ang kanyang sigla,” sabi ni Aisha Parillon, ang “senior director” ng mga “senior service” ng JASA.

Inihayag ng babaeng Italyanong ito na sumasayaw pa rin siya araw-araw at naglalaro ng “bocce”, na kung saan ay isang larong ginagawa pa noong Sinaunang Roma na ginagamitan ng mga bola. Sinabi rin ni Louise na siya ay nabubuhay ng mag-isa at ito ang tunay na pangunahing susi sa mas kaunting stress sa kanyang buhay.

Sinabi ni Louise, “Sa palagay ko ang sikreto ng 107 kong edad ay: ang hindi ko pagpapakasal. Sa palagay ko ito ang sikreto. Nasabi pa ng aking kapatid kung minsan na ‘sana hindi na lang ako nagpakasal’. ”

“Kung mayroon silang programang pang ehersisyo, ginagawa ko ang pag eehersisyo. Kung sumasayaw sila, sumasayaw din ako. Gumagawa pa rin ako ng kaunting pagsasayaw kahit tapos na sila. Matapos ang aking tanghalian, naglalaro naman ako ng bingo, pagkatapos nun buo na ang araw ako. ” dagdag pa niya.

The post 74-Taong-Gulang Na Ina, Binubuhay Ang Pamilya Sa Pagsisid Ng Barya Sa Ilalim Ng Dagat Araw-Araw appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments