Looking For Anything Specific?

Ama na nakaipon ng malaking halaga matapos ihinto ang bisyo na paninigarilyo

Marami tayong nababalitaan tungkol sa mga taong naliligaw ng landas sa buhay at nalululong sa ibat-ibang bisyø.

Isa na riyan ang panînîgarilyo, para sa ilan na mahilig na mahilig dito ang sigarîlyo daw para sa kanila ay nakakapagbigay ng “ginhawa” sa katawan.

Subalit ang totoo kapag inabuso ang ating katawan at sumobra sa paggamit nito ay maaari itong magdulot ng ibat-ibang komplikasyon sa ating katawan.


Ang ilan sa atin ay nahihirapan itigil o talikuran ang bisyøng ito, Ngunit may ilan din naman na sinusubukan ang sarili na ito ay itigil at piliin ang magkaroon ng mas malusog at mas ligtas na kalusugan para na din sa kanilang kapakanan.

Katulad nalamang ng isang kwento sa social media na talagang pinag-usapan ng mga netizen, Isang Ama kasi ang nagbahagi ng kanyang “ipon challenge” kung saan tinalikuran niya ang kanyang bisyø at mas piniling ipunin na lamang ang perang dapat ay gagastusin sa paninigarilyo.

Ayon sa netizen, tinigilan niya ang kanyang bisyøng paninigarilyo. At imbes na ipambili daw nito ng mga sigarîlyo ay kanyang inipon nalang ang pera at sa kanyang ikalawang buwan daw na pagtigil sa bisyø at pag-iipon sa kanyang alkansiya ay nakaipon siya ng P4,360.

Narito naman ang post ibinahagi ni Analyn Candolea Manipis, kung saan naka-tag si Sherwin Manipis at Jeric Esmores:

“Start ng January, D na sya nagyosi kaya lahat ng pangyosi niya hinuhulog niya dyan sa alkansya niya. Sinilip namin at binilang namin ngayong after 2months total 4360!! Not bad papa! Congrats natigilndin yosi mo may pera kapa!

Tuloy lang pag-ipon try mo naman 1 year.”

Malaki talaga ang naging epekto nito sa kanyang pagkatao, dahil bukod sa nakaipon na siya ay nakaiwas pa siya sa maaari niyang makuhang sakit dahil sa paninigarilyo at maganda rin itong huwaran sa kanyang mga anak na hindi maganda ang paninigarilyo sa kalusugan ng tao.

Isang babae, nagbabaℓa sa mga naninigariℓуσ dahil sa hiraρ na sinaριt ng kαnyαng kaρatid dahil ditσ!

Nagbigay ng babaℓa ang isang netizen sa mga tασng ℓαbιѕ kung manigarilyσ. Saad niya tigiℓan na ang bisyσng ito habang maaga pa.

Sa isang facebook post, sinabi ng netizen na si Sah Zamora ang ahat ng hirap na pinagdaanana ng kayang kapatid ng dahil sa paninigarilyo. Pυmanaω ang kanyang kαραtid na may stαgє 4 lung cancєr.

Ayon pa sa post ni Sah sa loob ng anim na buwan ay maari kang mawala anu mang oras bast ikaw ay mag gαnitong uri ng kαrαmdαmαn.

Sinamahan nya umano ang kanyang kαραtid na makiραgℓαban sa sαkit na ito ng anim na buwan.

Dagdag pa nya nais nyang ibahagi ang kwentong ito dahil mαsαkit ang mαωαℓαn ng minamahal sa buhay.

Paalala ni Sah pahalagahan natin ang ating katawan tulad ng pagpapahalaga ng mga taong nagmamahal sa kanila.

Sa ngayon ang viral sa social media ang nasabing post na ito ni Sah.

“Sigarilyo? = 6 months”“Anytime sa loob ng 6 na buwan pwede ka nang kunin ni Lord kapag may Stαgє 4 Lυng Cαncєr ka. Sa lσσb ng 6 bυωαn υnti-υnting kinαkαin ng cαncєr cells bυσng kαтαωαn mo. Pero pinakita mo ate ang tapang mo. Sa loob ng 6 na buwan , araw at gabi lumaban tayo. Dumating sa point na hindi mo na kilala mga tao sa paligid mo , pero ako? Si “bunso” never mo akong nalimutan. Ikaw at ako magkasama hanggang sa huling hininga mo.. So what if hindi ka NANIGARILYO at nag vape?Siguro ini-enjoy mo tong dream house mo.Siguro nagcecelebrate tayo ng birthday mo ngayon. Nagbabake at nagluluto sa magarang kitchen mo.Siguro nasa σrρнαηαgє tayo ngayon nagsheshare ng blessings mo.Siguro palagi mong tinatakas si Reema.Siguro nag-eenjoy kapa sa buhay kasama kaming pamilya mo.Siguro walang 6 months.Pero nangyari na… Bago ka lumisan sa mundo galit kana sa naninigarilyo. Ayaw mo nang may nakikitang naninigarilyo dahil ayaw mong maranasan nila уυηg єρєктσ at sαкιт na maaring maidulot ng sigarilyo sa katawan.

Ika mo nga”NASA HULI ANG PAG-SISISI”.Sineshare ko to dahil мαѕαкιт mαωαℓαn ng kαραmiℓуα. Na hindi ko pa rin matanggap ραgkαωαℓα ng sister ko… Oo , Lahat naman tayo doon papunta. Ika nga “una una lang” sabi ng mga smokers. Pero sana ikaw na smoker pahalagahan mo din yung katawan na pinahiram sayo, tulad ng pagpapahalaga ng mga taong nagmamahal sayo. Sana iwasan nyo na manigarilyo. May oras kapa…P.S. Happy birthday in heaven ate. Tuwing birthday mo gusto mong may natutulungan ka hindi ba? Sana makatulong tong story natin.Sorry napahaba. Pwede mong ishare.”

Halos hindi na magkasya sa higaan ng pamilyang ito ang kanilang naipon na pera sa sobrang dami!

Sa panahon ngayon mahirap ang mag-ipon ng pera, marami tayong ginagastos at pangangailangan na kailangan tustusan. Kung tayo ay nagiging matiyaga at mayroon tayong disiplina sa ating sarili, at pagtutulungan sa ating pamilya upang tayo ay makapag-ipon ng pera. Hindi imposibleng magawa rin natin ang nagawa ng pamilya ni Abby Sarmiento Mendoza.

Ibinahagi ni Abby sa kanyang social media ang larawan ng kanilang naipon na pera na halos punuin nito ang kanilang kama sa dami ng perang naipon nito sa loob ng isang taon. Inipon nila ang pera sa isang kahon na gawa sa salamin dahil hindi umano magiging sapat ang mga maliliit na alkansya gaya ng piggy bank at mga lata. Kung kaya naisipan nilang gumawa ng malaking box na kagaya ng isang lagayan ng raffle tickets. Para mas lalong mapursigi ang kanyang pamilya na makaipon dahil nakikita nila ang laman ng kahon.

Sa loob ng isang taon, napagdisesyunan na ng pamilya na buksan ang kahon at laking gulat nila na ganoon na pala karami ang kanilang naipong pera halos hindi na magkasya sa kanilang dalawang kama. Maraming mga netizens ang nakakita ng naturang larawan na naipost ni Abby, kaya naman marami ang gustong gayahin ang nagawa ng kanilang pamilya at gawin ang “Ipon Challenge” na ito.

Maganda ang mag-ipon ng pera para kung sakaling kailanganin natin ito, meron tayong magagamit. Ayon sa isinagawang survey ng Bangko Sentral ng Pilipinas, mayroon lamang 48% ng mga Pilipino ang may ipon at 9% lamang dito ang nag-iipon o nagdedeposito sa bangko. Kaya naman hinihikayat nila ang mga tao na huwag mag-imbak ng napakalaking halaga na pera sa ating tahanan at mas mabuting ihulog na lang natin ito o invest ang ating mga savings sa bangko.

Isang Anak Ng OFW Kinabiliban Dahil Sa Kanyang Nakakamanghang Php20 Ipon Challenge

Sa panahon ngayon, napaka-laking tulong ang pag-iipon dahil kapag may isinuksok siguradong may madudukot sa panahon ng pangangailangan. Kahit sa piso-pisong barya man ang maiipon ay malaking tulong na upang may magamit sa panahon na kagipitan. Nakakatuwa lang sa pakiramdam na karamihan sa mga mahilig mag-ipon ngayon ay mga kabataan. Kagaya na lamang ng batang nag-viral sa social media dahil sa kanyang istilo ng pag-iipon.

Source : Jane F’mous Facebook

Ayon sa post ng netizen na si Jane F’mous na isang OFW sa kanyang facebook account, labis daw siyang napahanga sa anak ng kanyang kaibigan dahil sa naging masigasig nitong pag-iipon. Ang binatang ito ay si Gerdan, ang una nitong iniipon noon ay puro barya lamang hanggang sa napuno na niya ang 2 tub at nadagdagan pa ang kanyang tub ng isa pa na puro Php20 ang laman. Nagulat na lamang umano ang ina nito na si Gemma ng malaman na nakaipon ng napakaraming pera ang kanyang anak.

Source: Jane F’mous Facebook

Dagdag pa ng ina ng binata, wala daw siyang kaalam-alam na nag-iipon pala ang kanyang anak habang siya ay nasa ibang bansa. Kaya naman sobrang natuwa at na-proud siya sa kanyang anak dahil sa kabila ng kanyang pagpapakahirap bilang isang OFW hindi raw basta nagwawaldas ng pera ang kanyang anak.

Kaya naman labis na natuwa at naging proud si Jane sa magandang gawain ni Gerdan. Hindi niya kasi inakala na makakaipon ng ganito karami ang anak ng kanyang kaibigan. Talagang mapapa-sana all na lang ang lahat, lalo pa’t OFW ang ina nito. Isa nang achievement para sa isang magulang ang pagkakaroon ng ganitong klaseng anak.

Source: Jane F’mous Facebook

Ang inipon ni Gerdan ay binuksan niya ng umuwi ang kanyang ina galing ibang bansa, kaya nga sobrang natuwa si Gemma dahil sa kanyang pag-uwi ito ang bumungad sa kanya. Napakabait na anak si Gerdan, dahil mas malaki ang kanyang naiipon kesa sa kanyang nagagastos.

Pagbabahagi pa ni Jane, nawa’y tuluran pa si Gerdan ng iba pang mga kabataan na pahalagahan ang pag-iimpok upang sa panahon ng pangangailangan ay may madudukot.

The post Ama na nakaipon ng malaking halaga matapos ihinto ang bisyo na paninigarilyo appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments