Ang edukasyon ang isang sandatang ating maaaring magamit sa pagdating ng panahon.
Kailanman ay hindi ito makukuha o mananakaw sa atin ngunit maaari itong ipagkait lalo na sa mga walang kapangyarihan at kakayanan.
Nakalulungkot isipin na mayroong mga taong hindi nabigyan ng tyansa upang maapag- aral dahil sa kakapusan at hirap sa buhay.
Mas minamabuting magtrabaho ng maaga upang kumite ng pera na ipangtutustos sa sarili o kaya man sa pamilya.
Samantala, halong emosyon ang naramdaman ng mga netizens nang ipahayag ni Krish Bustos ang kanyang karanasan patungkol sa tinulungang ina sa money remittance center.
Si Krish ay nag- claim ng kaniyang pera nang mapansin niya ang isang babae na may hawak ng pera ngunit tila balisa at hindi malaman ang gagawin na naging dahilan upang tumagal ang proseso at paghaba ng pila.
Nang matapos si Krish sa kaniyang ginagawa, nilapitan niya ang babae at tinanong. Doon niya napag- alaman na isa pala itong nanay na nais magpadala ng pera sa kaniyang anak na babae ngunit hindi siya marunong mag sulat.
Minabuting tulungan ni Krish ang nanay na ito upang hindi na din humaba ang pila. Napag- alaman niya din na namamasukan bilang katulong at yaya ang nanay na magpapadala ng 2,500 pesos sa kanyang anak.
Patuloy ang pagtatanong ni Krish sa nanay at tinanong kung para bas a pag- aaral o allowance ng kaniyang anak ang ipapadalang pera.
Ngunit laking gulat ni Krish nang nalamang ang perang iyon ay hindi nakalaan sa pag- aaral ng anak kundi sa panggastos sa anniversary ng kaniyang boyfriend.
Sa katunayan, pinagbantaan pa ng anak na babae ang nanay na ito na hindi niya tatawagan at papansinin kapag hindi nasunod ang nais na pera, Higit pa doon mukhang maski ang salitang “anniversary” ay hindi din alam ng nanay.
Kaya naman ipinaliwanag ni Krish na ang anniversary ay isang pagdiriwang ng araw kung kailan naging opisyal ang relasyon.
Dagdag pa nito, “Magpapakasaya po sila gamit po itong pera na pinagpawisan niyo.”
Matapos ipaliwanag ni Krish, muli niyang tinanong ang nanay kung itutuloy baa ng pagpapadala at sinabing oo pagkat baka itakwil siya ng kaniyang sariling anak.
Nang matapos nang magpadala ang ina, imbis na magpasalamat at tuwang tuwa pang nakapagpadala siya sa kanyang anak dahil hindi na daw ito magagalit sa kaniya.
0 Comments