Looking For Anything Specific?

Anak ng Komedyanteng si Jose Manalo; Bukod sa Maganda ay Matalino at Isang Lisensyadong Doktor na Ngayon

Kilala si Jose Manalo sa pagiging isang komedyante at aktor. Maraming Pinoy ang natutuwa sa kanyang pagpapatawa. Isa rin siya sa mga host ng Noontime TV Show na Eat Bulaga sa GMA Network. Bukod pa rito ay kasama rin siya sa palabas noon na pinagbibidahan ni Vic Sotto na Enteng Kabisote. Mabuting ama rin si Jose Manalo sa kanyang mga anak kaya naman bilaang isang ama ay masayang-masaya ang Actor-Comedian sa mga tagumapay ng kanyang mga anak.

Isa na rito si Myki Manalo na babaeng anak ni Jose. Bukod sa angking kagandahan nito ay may angking katalinuhan rin si Myki. 28-anyos si Myki noong taong 2012 nang matapos niya ang kursong Bachelors of Science in Phsycology sa De La Salle University sa Lungsod ng Maynila.

Maliban pa rito, ipinagpatuloy rin niya ang pag-aaral sa Medisina sa FEU-NRMF Institute of Medicine. Noong Setyembre 2016 ay matagumpay naman niya itong natapos at noong Hulyo 2017 ay natapos naman niya ang kanyang postgraduate internship sa De Los Santos Medical Center.

Laking tuwa naman ni Myki nang makita niya ang listahan ng mga nakapasa. Sa ngayon ay isa na siyang ganap na doktora. Kaya naman, nag-post ito sa kanyang social media at masayang ibinahagi ang kanyang tagumpay, “Lord, iba ka! Ikaw lahat ‘to! Thank You! Lisensyadong doktor na po ako.”
Lubos naman ang kaligayahan ni Jose Manalo sa tagumpay ng kanyang anak. Sa kabila ng pagpapatawa ni Jose Manalo sa telebisyon ay siya naman ang napasaya ng kanyang anak dahil sa narating nito.

Julia, Inamin na Nα-Trαυмα Siya Dahil sa Ginawa ng Tatay na si Dennis Padilla Noon

Isa si Julia Barretto sa mga pinakakontrobersyal na aktres ngayon sa showbiz. Galing si Julia sa Barretto clan, na kilala rin dahil sa mga isyung bumalot sa kanilang pamilya. Dahil dito, lahat ng aspeto ng buhay ng 24-anyos na aktres ay sinusubaybayan ng publiko, gaya na lamang ng relasyon niya sa kanyang ama na si Dennis Padilla.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko na naging magulo rin ang relasyon ni Julia Barretto sa kanyang ama. Simula nang maghiwalay si Dennis at ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto, nagkaroon ng lamat ang relasyon ng mag-ama. Gayunpaman, paglipas ng panahon ay naghilom rin ito.

Kamakailan lamang, nagkaroon ng heart-to-heart talk si Julia sa kanyang ama. Ibinahagi niya ang kanilang makapagbagbag-damdaming usapan sa kanyang Youtube channel. Nagkaroon rin ng pagkakataon si Julia na ipahayag ang kanyang saloobin kay Dennis, bagay na hindi niya madalas nagagawa.

Ayon kay Julia, dumating sa punto na hindi niya kinakausap ang kanyang ama dahil labis siyang nasaktan sa mga ginawa nito sa kanya at sa kanyang ina. Kaya naman noong mga panahong iyon, ipinatanggal rin ni Julia ang surname ng kanyang ama na ‘Baldivia’ sa kanyang pangalan.

“You always feel like ‘I’m not hearing from anyone,’ not knowing how much pain and hurt you’ve caused us before. That’s why you couldn’t hear from us because at that point, we were already too scared of you. Before, when we would speak on the phone, you wouldn’t have the best tone and the best choice of words and that scarred, traumatized and scared me.”

Sa kabila ng lahat, mas pinili raw ni Julia na magpatawad dahil nananaig ang pagmamahal niya sa kanyang ama. Inamin rin ng aktres na proud na proud sya dahil nakita niya ang pagbabago ni Dennis, at dahil dito ay naging malapit sila sa isa’t-isa.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Julia Barreto, Prinangka ang Tatay na si Dennis Kung Ilan ang Naging Asawa Nito

Kamakailan lang, ibinahagi ni Julia Barretto sa kanyang vlog ang intimate interview niya kasama ang kanyang tatay na si Dennis Padilla. Sa vlog niyang ito, nagkaroong heart-to-heart talk si Julia tungkol sa mga napagdaanan nila ng kanyang ama. Inungkat rin ng aktres ang mga pagsubok na hinarap ng kanyang tatay dati.

Kabilang na dito ang kontrobersya sa kasal ni Dennis at ng nanay ni Julia na si Marjorie Barretto. Sa kanilang one-on-one interview, tinanong ni Julia kung ilan ba talaga ang naging asawa ni Dennis. Hindi naman nagpaligoy-ligoy ang aktor nang sagutin niya ang tanong na ito.

“I had my marriage with Nina, but that ceremony was not valid because we had that marriage contract not in front of the pastor. Dinala lang for convenience. Itong pastor na to, after ilang years nahuli dahil illegitimate. So your mom and me, when you were born sabi niya magpapakasal kami,” pahayag ni Dennis.

Nag-open up rin ang beteranong aktor tungkol sa pangyayari na hindi niya inaasahan. Nagkamali raw siya ng pinirmahang dokumento, kung kaya’t napawalang bisa ang kasal nila ni Marjorie. Taong 2007, sampung-taong gulang na si Julia, nang tuluyang maghiwalay si Dennis at Marjorie.

Ngunit kahit pa nagkahiwalay sila ni Marjorie, aminado naman si Dennis na marami siyang natutunan mula sa kanilang marriage. Inamin ni Dennis na marami siyang pagkakamali noong mga panahong iyon at hindi niya naisalba ang kanilang pagsasama.

Sa kabila ng lahat, thankful daw si Julia sa malaking pagbabago sa kanyang tatay. Na-a-appreciate din daw niya ang pagmamahal at pagsuporta ng kanyang tatay. Ngayong mas tumanda na siya, lalo din daw silang naging malapit ng kanyang tatay.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post Anak ng Komedyanteng si Jose Manalo; Bukod sa Maganda ay Matalino at Isang Lisensyadong Doktor na Ngayon appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments