Looking For Anything Specific?

Anak ni Jeric Raval na si AJ Raval, agaw atensyon ngayon matapos ibahagi ang kanyang paglilinis ng kwarto

Cleaning My Room vlog ni AJ Raval humakot ng napakaraming views.

Ang 26 na taong gulang na si AJ Raval o si Elizabeth Buensuceso sa tunay na bu’hay ay ang anak ng action star noong ‘90s na si Jeric Raval.

Si AJ ay ang bagong pantasya ng bayan ngayon.

Ito ay dahil sa angkin niyang kagandahan at ganda ng hubog ng kanyang katawan.

Dagdag pa rito ang napakaamo niyang mukha, tila anghel na bumaba sa langit kung ilarawan ng nakararami.

Ang pagpapaseksi nga sa harap ng kamera ang napiling forte ni AJ nang pumasok siya sa industriya ng showbiz.

Aminado naman ang kanyang ama na si Jeric na hindi talaga siya sang-ayon sa imahe na pinili ng anak.

Ngunit dahil ito ang makakapagpasaya sa kanyang anak ay sinuportahan na lamang niya ito.

At kasunod naman ang pag-gabay niya sa kanyang dalaga.

Sikat na nga ngayon si AJ at marami na siyang taga-hanga na sumusubaybay sa kanya.

At kamakailan ng lamang umabot agad ng halos apat na milyong views ang kanyang latest vlog.

Ito ay ang paglilinis niya ng kwarto niya sa bahay nila sa Pampanga.

Kung tutuusin ay isang simpleng paglilinis lang ang ginawa ni AJ sa kanyang video pero marami pa rin talagang sumubaybay dito.

Habang naglilinis kasi ay kitang kita pa rin ang kaseksihan ni AJ.

Nakasuot lamang siya ng manipis na sando at maigsing short na kitang kita ang hubog ng kanyang katawan.

Napag-alaman din na wala pala siyang suot na panloob sa kanyang video, at ito ang tila pinagtuunan ng pansin ng mga manonood.

Umani naman agad ito ng napakaraming reaksyon mula sa mga netizens.

May ilang nagsabi na na-inspire daw silang maglinis ng kani-kanilang kwarto ng dahil sa videong ito ni AJ.

Panoorin ang kanyang paglilinis dito:

AJ Raval, malaki ang ραѕαѕαℓαmat sa legal wife ng kanyang amang si Jeric Raval dahil minahal at tinanggap siya nito

𝙻𝚞𝚖𝚊𝚔𝚒 𝚜𝚊 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚙𝚊𝚗𝚐𝚔𝚊𝚛𝚊𝚗𝚒𝚠𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚖𝚒𝚕𝚢𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚔𝚝𝚛𝚎𝚜 𝚗𝚊 𝚜𝚒 𝙰𝙹 𝚁𝚊𝚟𝚊𝚕. 𝚂𝚒 𝙰𝙹 𝚊𝚢 𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊𝚙𝚊𝚔𝚊𝚐𝚊𝚗𝚍𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚊𝚔 𝚗𝚐 𝚊𝚌𝚝𝚒𝚘𝚗 𝚜𝚝𝚊𝚛 𝚗𝚊 𝚜𝚒 𝙹𝚎𝚛𝚒𝚌 𝚁𝚊𝚟𝚊𝚕 𝚜𝚊 𝚍𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚊𝚔𝚝𝚛𝚎𝚜 𝚗𝚊 𝚜𝚒 𝙰𝚕𝚢𝚜𝚜𝚊 𝙰𝚕𝚟𝚊𝚛𝚎𝚣. 𝙰𝚝 𝚑𝚒𝚗𝚍𝚒 𝚝𝚞𝚕𝚊𝚍 𝚗𝚐 𝚒𝚋𝚊, 𝚕𝚞𝚖𝚊𝚔𝚒 𝚜𝚒 𝙰𝙹 𝚜𝚊 𝚙𝚘𝚍𝚎𝚛 𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚜𝚝𝚎𝚙𝚖𝚘𝚝𝚑𝚎𝚛 𝚗𝚊 𝚕𝚎𝚐𝚊𝚕 𝚠𝚒𝚏𝚎 𝚗𝚊𝚖𝚊𝚗 𝚗𝚒 𝙹𝚎𝚛𝚒𝚌 𝚗𝚊 𝚜𝚒 𝙷𝚘𝚕𝚒𝚍𝚊𝚢.

Credit: @ajravsss Instagram

Sa isang artikulo na inilathala ng Pep.ph, ikwenento ni AJ kung gaano kaganda ang relasyon niya sa kanyang stepmother na tinatawag din niyang “Deyow”.

Napakaganda ng relasyon ni AJ sa kanyang stepmom dahil pinalaki siya nito mula pa noong siya ay 3 taong gulang hanggang siya ay nag-14 na taong gulang.

Inamin ni AJ na noong bata pa siya akala niya totoo niyang ina si Holiday.

Ani AJ, “Yes, kay Deyow ako lumaki and dala-dala ko ang family name niya. To be honest, siya talaga ang alam ko na mother ko nung bata pa ako.”

Credit: @ajravsss Instagram

Tunay din umanong minahal ni AJ ang kanyang stepmother dahil tinanggap at pinalaki siya nito ng maayos.

Ani AJ, “Of course, minahal ko si Deyow. Inalagaan niya ako, minahal, tinanggap, pinalaki na maayos, at tinuruang makipag-kapwa tao.”

Labis namang nalungkot si AJ noong umalis siya sa pangangalaga ng kanyang stepmother para bumalik sa kanyang tunay na ina.

Pag-amin pa ni AJ, “Siyempre, malungkot ako dahil iiwan ko na si Deyow at ang mga kapatid ko na kasama kong lumaki.”

Credit: @ajravsss Instagram

Sa huli ay taos-pusong pinapasalamatan ni AJ si Holiday dahil sa pag-aalaga nito sa kanya.
Inihayag din ni AJ na mahal na mahal niya ang kanyang ama at si Holiday.

Saad ni AJ, “Thank you for taking care of me, sa lahat ng pag-iintindi kahit minsan may katigasan ang ulo ko, pero I love them so much.”

Dagdag ni AJ na palagi niyang ipinagdadasal na malusog, ligtas at masaya sina Jeric at Holiday.

Samantala, isa lamang si AJ sa labinwalong anak ni Jeric mula sa iba’t ibang babaeng kanyang nakarelasyon.

Ibinahagi ni AJ na sobrang close nilang magkakapatid kahit napakarami nila at mula pa sa iba’t ibang ina.

Credit: @ajravsss Instagram

“Kilala ko ang lahat ng mga kapatid ko, sila lang ang barkada ko. Close talaga kami, walang samaan ng loob at lahat kami ay nagmamahalan,” ani AJ.

Kwento pa ni AJ, pinalaki umano sila ni Jeric sa paraang hindi nila iniisip na magkapatid lamang sila sa ama.

Ani AJ, “Ang sabi ng tatay ko, walang kapatid sa labas. Kapag kapatid mo, kapatid mo.”

Si AJ ay 26 taong gulang na at kasalukuyang isang artista sa ilalim ng Viva Artists Agency.

The post Anak ni Jeric Raval na si AJ Raval, agaw atensyon ngayon matapos ibahagi ang kanyang paglilinis ng kwarto appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments