Naaalala niyo pa ba si ‘Pastillas Girl’? Taong 2015 ng sumikat sa social media si Angelica Yap dahil sa kanyang viral pastillas video. Ilang taon ang nakalipas, talagang napakalayo na ng narating ni ‘Pastillas Girl’! Kung dati ay sumikat lang siya sa social media, ngayon naman ay unti-unti na siyang nakapagpundar dahil sa kanyang career bilang isang Youtube vlogger.
Muli na rin siyang nakahanap ng lalaking pagpatibok sa kanyang puso. Ilang taon na ring boyfriend ni Angelica si Archie dela Cruz, o mas kilala bilang Flow G na miyembro ng Ex-Battalion. At sa ilang taon nilang pagsasama, nakapagpundar na rin ang dalawa. Sa kasalukuyan ay mayroon silang bahay sa Quezon City.


Kamakailan lang, ipinasilip ni Angelica at Flow G ang loob ng kanilang dream home sa kanilang mga followers. Bunga ito ng kanilang mga paghihirap, lalong-lalo na ang kanilang matagumpay na Youtube channel. Sa ngayon ay mayroon silang 3.6 million subscribers, at ang house tour ang isa sa mga most requested video nila.
Ayon kay Angelica, sila mismo ang nagtulong tulong para sa interior design ng kanilang 2-storey house. Papasok pa lamang sa gate, sasalubong na agad sa iyo ang malawak na bakuran. Minsan raw ay sa garahe mismo tumatambay si Angelica at ang mga kaibigan niya dahil tahimik dito at presko.


Mayroon rin silang malaking garahe na kasya ang apat na sasakyan upang may space rin tuwing may bisita sila. Napapaligiran rin sila ng puno, kaya naman talagang presko kahit pa mainit sa labas. Bukod dito, napakaganda rin ng kanilang main door na animo’y antigo.
Sa kabilang banda, sa ngayon ay umabot na ng mahigit 1.9 million views ang kanilang house tour. Maraming fans rin ang talagang namangha kung gaano kaganda ang kanilang bahay!


The post Angelica Yap, Ipinasilip ang Kanilang Mala-Mansyon na Bahay na Naipundar Nila ni Flow G appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed







0 Comments