Alam naman natin na hindi lahat ng bata ay pinanganak na mayroong kaya sa buhay. Kaya marami na ding mga bata ang namulat kaagad sa realidad ng buhay kahit sa murang edad pa lamang.
Kinakailangan na nilang pasanin ang mabibigat na responsibilidad dala na din ng hirap ng buhay o pagkaulila. Ngunit, ilan lamang din sa kanila ang kinakaya ang ganitong uri ng pamumuhay.
Katulad na lamang ng batang ito na natuto ng bumangon at mamuhay ng mag-isa matapos mawala ang kaniyang mga inaasahang pamilya.
Ang bata ay nakilala bilang si Dang Van Khuyen, 10-anyos at nakatira sa bansang Vietnam. Nabuhay siya sa kahanga hangang pamamaraan.
Siya ay nakakakain sa pamamagitan ng pagnanatim ng gulay. Dahil dito, nagawa niyang makapag-aral at mabuhay. Si Dang ay maagang naulila s akaniyang ina habang ang kaniyang ama naman ay nagtatrabaho sa malayong lugar kaya madalang lamang ito kung umuwi sa kanila. Kaya naman siya ay naiwan sa pangangalaga ng kaniyang lola.
Simple at payak na pamumuhay ang nakagisnan ni Dang sa piling ng kaniyang lola. Minsan naman ay nagpapadala ng pera ang kaniyang ama para sa kanilang pangangailangan.
Ngunit, nakakalungkot lamang dahil pum4naw na ang kaniyang lola na siyang nag aruga at nag alaga sa kaniya. Ang mas nakakalungkot pa dito ay b1nawian na din ng buhay ang kaniyang ama dahil sa isang aksidente.
Dahil sa pangyayari, tanging sarili na lamang ang natira kay Dang ngunit hindi pa din ito naging hadlang para siya ay sumuko. Hindi niya pinabayaan ang kaniyang pag-aaral at mag-isang tinaguyod ang kaniyang sarili.
Nang malaman ng pinapasukang eskwelahan ni Dang ang kaniyang sitwasyon, kaagad silang sumaklolo dito mula sa paglikom ng pera upang matulungan si Dang na maiuwi ang labi ng kaniyang ama at ito ay mailibing malapit sa kanila.
Sinubukan na ding dalhin si Dang sa bahay ampunan dahail alam nilang mas magiging mabuti ang lagay nito doon, ngunit tinanggihan ito ni Dang at sinabi na mas gusto niya ang mamuhay ng mag-isa sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay at pagpapa-aral sa sarili.
Marami naman sa ating mga netizens ang pumuri kay Dang dahil sa kaniyang kahanga-hangang determinasyon.
Read also:
Halos Magunaw ang Mundo ng Nanay na Ito Matapos Bαωιαn ng Buhay ang Anak Niya Habang Natutulog
The post Batang Lalaki, Namumuhay Na Lamang Mag-isa Matapos Bαωιαη Ng Buhay Ang Kaniyang Mga Magulang At Lola appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments