Camille Trinidad is slaying!
Ito ang pagpuri ng kanyang mga fans sa kanyang birthday pasiklab photoshoot!
Nitong nakaraan lamang, sinurpresa ni Camille Trinidad ang kanyang mga followers sa kanyang magandang birthday shoot.
Ang nakabibighaning larawan ni Camille ay nag viral noong kanyang kaarawan.
Syempre, hindi ito mangyayari kung wala ang very talented photographer na si BJ Pascual.
Si BJ ay ang celebirty photographer na makailang ulit na napatunayan ang kanyang talento sa pagkuha ng mga litrato.
Nito lamang nga, isa si Camille sa mga naging bahagi ng “musings” ni BJ.
Matapos ang ilang araw nang ma-upload ang nag bobonggahang photos ng vlogger, nag labas naman ng behind the scene ang professional photographer.
Sa kanyang YouTube channel, proud niyang ibinahagi ang mga kaganapan nang mag photoshoot sila ni Camille.
Ayon kay BJ, noong 2020 pa naka plano ito pero ngayon lang natuloy. Agad naman nakaisip ng theme ang celebrity photographer para sa other half n JaMill.
Ang naging photoshoot at may tema ng 60s. Kinuha niya ang ideya mula sa Valley of the Dolly noong dekada 60.
Ipinakita din ni BJ ang mga tao na na sa likod ng magandang set up nila ni Camille. Mula sa prop designer hanggang sa hair and make up stylist.
Sinurpresa din nila si Camille with cake and simple celebration.
Ipinakita din ni BJ sa kanyang vlog kung paano naging smooth ang kanilang first time photoshoot.
Hindi maitatanggi na talented talaga si BJ kaya naman naging maganda talaga ang kinalabasan ng lahat.
Narito ang kanyang full vlog:
Jayzam Manabat, gumawa ng rap song para sa girlfriend na si Camille Trinidad kasama sa kanyang pagbabago ngayon.
The post Camille Trinidad, may bonggang pasabog sa kanyang kaarawan matapos makatrabaho ang isang sikat na photographer sa showbiz na si BJ Pascual appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments