Sa panahon ngayon, mahirap ang mawalan ng isang magulang na siyang nagsisilbing gabay sa bawat paglalakbay ng isang anak patungo sa kanyang mga mumunting mga pangarap sa buhay. Ngunit para sa isang anak, may mga pangyayari talaga sa buhay na kailanman ay hindi inaasahan, bagkus sa kabilang banda ito ang kanilang nagiging inspirasyon upang magpatuloy sa buhay. Narito ang isang kwento ng batang nagsumikap na buhayin ang kanyang mga kapatid sa kabila ng pag-iwan sa kanila ng kanilang ina.

Siya ay kinilalang si Xiao Ying, 10 taong gulang na naninirahan sa isang bayan ng Nantang Gaozhou, China kasama ang kanyang dalawang kapatid. Sa napaka-murang edad ni Xiao Ying ay maaga siyang naging ina at ama sa kanyang mga kapatid, dahil maaga silang naulila sa ama at iniwan naman sila ng kanilang ina pagkalipas ng ilang mga buwan. Naging malungkot ang buhay ng magkakapatid sapagkat hindi man lang sila binalikan ng kanilang ina. Kaya napilitan si Xiao na maghanap-buhay sa mura niyang edad upang kumita ng pera para sa kanyang mga kapatid.

Ayon kay Xiao, mayroon naman raw siyang tiyuhin na gusto siyang ampunin kaya lang ay hindi niya ito tinanggap dahil ayaw niyang magkahiwa-hiwalay silang magkakapatid. Kung kaya’t nagsumikap na lamang ito na alagaan ang kanyang dalawang nakakabatang kapatid. Araw-araw gumigising si Xiao, upang asikasuhin ang kanyang mga kapatid kagaya na lamang ng pagluluto ng agahan at inihahanda na rin niya ang pampaligo ng mga ito. Natuto daw siya sa kanyang ina kung paano magluto dahil bata pa lamang ito ay pinapanood na niya ang kanyang ina magluto ng pagkain para sa kanila. Pagkatapos asikasuhin ni Xiao ang kanyang mga kapatid ay sabay-sabay silang pumapasok sa paaralan.

Ginagawa lahat ng batang si Xiao ang lahat upang masuportahan ang kanilang mga pangangailangan sa bawat araw. Maaga siya natutong maghanap-buhay upang kumita ng pera at may ipambili sila ng pagkain. Samantala, sa kanilang naging kapalaran mayroon lamang munting pangarap si Xiao at ito ay ang makapagtapos siya ng pag-aaral upang magkaroon sila ng magandang kinabukasan.

Nakakalungkot mang isipin na sa kanyang murang kaisipan ay naging bukas na siya sa kahirapan ng buhay at nakakapag-isip na kung paano ang mabuhay. Nawa’y maging inspirasyon si Xiao sa batang maagang nawawalan ng mga magulang na huwag silang mawawalan ng pag-asa.
“Kapit lang sa poong Maykapal at kailanman ay hindi ka niya pababayaan”.
Batang Lalaki, Namumuhay Na Lamang Mag-isa Matapos Bαωιαη Ng Buhay Ang Kaniyang Mga Magulang At Lola
Alam naman natin na hindi lahat ng bata ay pinanganak na mayroong kaya sa buhay. Kaya marami na ding mga bata ang namulat kaagad sa realidad ng buhay kahit sa murang edad pa lamang.
Kinakailangan na nilang pasanin ang mabibigat na responsibilidad dala na din ng hirap ng buhay o pagkaulila. Ngunit, ilan lamang din sa kanila ang kinakaya ang ganitong uri ng pamumuhay.
Katulad na lamang ng batang ito na natuto ng bumangon at mamuhay ng mag-isa matapos mawala ang kaniyang mga inaasahang pamilya.
Ang bata ay nakilala bilang si Dang Van Khuyen, 10-anyos at nakatira sa bansang Vietnam. Nabuhay siya sa kahanga hangang pamamaraan.
Siya ay nakakakain sa pamamagitan ng pagnanatim ng gulay. Dahil dito, nagawa niyang makapag-aral at mabuhay. Si Dang ay maagang naulila s akaniyang ina habang ang kaniyang ama naman ay nagtatrabaho sa malayong lugar kaya madalang lamang ito kung umuwi sa kanila. Kaya naman siya ay naiwan sa pangangalaga ng kaniyang lola.
Simple at payak na pamumuhay ang nakagisnan ni Dang sa piling ng kaniyang lola. Minsan naman ay nagpapadala ng pera ang kaniyang ama para sa kanilang pangangailangan.
Ngunit, nakakalungkot lamang dahil pum4naw na ang kaniyang lola na siyang nag aruga at nag alaga sa kaniya. Ang mas nakakalungkot pa dito ay b1nawian na din ng buhay ang kaniyang ama dahil sa isang aksidente.
Dahil sa pangyayari, tanging sarili na lamang ang natira kay Dang ngunit hindi pa din ito naging hadlang para siya ay sumuko. Hindi niya pinabayaan ang kaniyang pag-aaral at mag-isang tinaguyod ang kaniyang sarili.
Nang malaman ng pinapasukang eskwelahan ni Dang ang kaniyang sitwasyon, kaagad silang sumaklolo dito mula sa paglikom ng pera upang matulungan si Dang na maiuwi ang labi ng kaniyang ama at ito ay mailibing malapit sa kanila.
Sinubukan na ding dalhin si Dang sa bahay ampunan dahail alam nilang mas magiging mabuti ang lagay nito doon, ngunit tinanggihan ito ni Dang at sinabi na mas gusto niya ang mamuhay ng mag-isa sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay at pagpapa-aral sa sarili.
Marami naman sa ating mga netizens ang pumuri kay Dang dahil sa kaniyang kahanga-hangang determinasyon.
Sangg0l, Bιnαωιαn ng Buhay Matapos na Hindi Asikasuhin ng Doktor sa Isang Ospital!
The post Hinangaan At Kinaantigan Ang 10 Taong Gulang Na Batang Babae Na Naging Nanay At Tatay Sa Kanyang Dalawang Kapatid appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed











0 Comments