Ang mga hayop ay kagaya din ng mga tao pagkat sila ay may pag- iisip at pakiramdam na kung saan maaari ding masaktan. Kung ikaw na mismong tao ang iniwan at itinanggi, ano kaya ang iyong mararamdaman
Ganoon na lamang ang awang naramdaman ng netizen na si Jastine Santos noong gabi ng Pebrero nang nasaksihan niya kung paano tumakbo ang isang AsPin o Asong Pinoy na tila hinahabol ang kaniyang amo.
Napansin ni Jastine na hinahabol ng nasabing aso ang kotse sa kaniyang harapan sa may bandang ICCT at Q Plaza, Cainta, Rizal
Malakas ang kaniyang pakiramdam na kaya ganoon na lang humabol ang aso dahil iniwan o inabandona ito. Sinubukang kuhanin ni Jastine ang atensyon ng drayber ng kotse ngunit itinanggi nito na sa kaniya ang aso.
Ayon sa kaniya, “Nakakapanglambot. Thinking na kung hindi man talaga ýun ýung nang- iwan sa kaniya, maybe naka- kotse din yun kaya hinahanap niya”
Pahayag pa niya, nakita niya din kung paano ibinuhos ng asong ito ang lakas sa pagtakbo, makasama lamang muli ang kaniyang amo.
Samantala, ayon naman sa mga nakabasang netizens, hinala daw nila ay iniligaw ang asong ito. Ang iba naman, sinasabing ang drayber sa kotse ang tunay na amo ngunit nais na nitong abandonahin ang aso kaya niya ito itinanggi.
Saw this dog running towards a car infront of us kanina.
Made me realize na iniwanan sya ng amo n’ya. Then we tried to…Posted by Jastine Santos on Thursday, February 11, 2021
0 Comments