Looking For Anything Specific?

Isang ama, tulak-tulak ang kaniyang anak na naka wheel-chair sa Pag-aapply ng Trabaho

Isa nanamang nakaka-antig ng puso na kwento ang ibinahagi ng isang Netizen na si Zaldy Ordiales Bueno, na isang head teacher sa isang pampublikong paaralan. Napuno ng inspirasyon at paghanga ang naturang post dahil sa mag-amang nakita niya sa paaralan na kanyang pinapasukan.

Ang tunay na pagmamahal ng isang mag-ama na kahit ano pa mang sitwasyon ay kakayanin para matupad ang mga pinapangarap. Idinetalye ng netizen na si Zaldy sa kanyang post ang nakakaluha at nakakamanghang dedikasyon ng mag-ama upang makapagtrabaho.

Sa naturang mga larawan ay makikita ang isang ama habang itinutulak ang kaniyang anak na naka wheel chair papunta sa kaniyang job interview. Nag-aasam nga ang kaniyang anak na makapagtrabaho kahit na may kapansanan. Suportado naman ito ng kaniyang ama na handang gawin ang lahat para sa kaniyang anak.

Photo: Facebook/Zaldy Ordiales Bueno

Sa mismong interview, hindi maiwasan ni Zaldy na maluha habang kausap ang aplikante nito na naka wheel chair dahil sa naging kwento ng kaniyang buhay.

Kwento ng aplikante, Naaksidente umano siya noon na nagresulta sa pagka delay ng kaniyang pag-aaral. Kaya naman noong 2014, ay kumuha ito ng ALS at nakapasa. Kumuha rin ito ng LET at nakapasa din ito noong taong 2019, Nagtapos ito sa kursong Education.

Nang tinanong pa ni Zaldy ang aplikante kung nasaan ang mga magulang nito ay agad naman nitong itinuro sa sulok ang matandang lalaki na nakatingin sa kanila. Habang nag-uusap ang dalawa ay hindi nila mapigilan ang emosyon na kanilang nararamdaman.

Photo: Facebook/Zaldy Ordiales Bueno

“Siya po ang tatay ko. Anim na taon na po niya akong itinutulak sa wheelchair mula ng mag college ako hanggang umexam ng LET hanggang ngayong nag aaplay na ako.” Ayon sa aplikante, na lalong nagpaluha kay Zaldy.

Matapos ang kanilang pag-uusap ay umalis na si Zaldy at ang mag-ama. Umuwi si Zaldy na puno ng inspirasyon sa buhay, mas lalo pa itong naging determinado. Mas madami pa umano ang kanilang pag-uusap tungkol sa buhay kaysa sa laman ng papel na dala ng aplikante. Naging matinding aral ang kwento na ito sa ilan.

Layunin ng lalaki na matanggap siya sa kaniyang pinag-aapplyan upang magbunga ang kaniyang pagsisikap pati narin ang matiyagang pagtutulak sa kaniya ng kaniyang ama, na ngayon ay nasa edad sitenta y singko (75) na.

Hindi nga hadlang ang anumang kapansanan o kaya estado sa buhay upang abutin ang mga pinapangarap, basta’t nariyan ang pamilya na nakasuporta sa lahat ng oras. Napaka sarap isipin ang walang kondisyon na pagmamahal ng mag-ama. Kinilala ang aplikanteng ito na si Edwin Garin na residente ng Atimonan.

Marami ang naantig ang puso sa isang amang dala-dala ang kaniyang anak na sanggol pa lamang habang naglalako ng kanyang paninda

Mahirap para sa isang magulang ang hindi mo mabigyan ng magandang kinabukasan ang iyong anak. Kaya nga lahat ng pagsasakripisyo ay ginagawa nila dahil sa hirap na buhay ngayon, wala silang ibang paraan kundi ang kumayod kalabaw. Kahit ito ay simpleng pinagkakakitaan ay ginagawa ng isang magulang para sa mga pangangailangan ng kaniyang mga anak. Katulad na lamang ng kwento ng isang amang bitbit ang kaniyang bagong silang na sanggol sa kaniyang paghahanapbuhay.

Sa post na ibinahagi ni Cristina Magpuyo Birao sa kaniyang facebook account, makikita ang nakakaawang kalagayan ng mag-ama. Ayon kay Cristina, nadaanan niya umano ang lalaking naglalako ng hilaw na mais habang karga-karga nito ang kaniyang isang buwang gulang pa lamang na sanggol. Sa pakikipagpanayam sa kaniya ni Cristina, napag-alaman niyang iniwan ito ng kaniyang asawa kaya kinailangan niyang kumayod para sa kaniyang anak na bagong silang. Dagdag pa ng lalaki, wala umanong mag-aalaga at magbabantay sa kaniyang anak kaya napilitan siyang dalhin na lamang ito sa kaniyang paghahanapbuhay.

Naawa si Cristina sa kalagayan ng mag-ama lalo pa’t tirik na tirik ang araw at panahon pa ng pandemiya. Kahit na si Cristina ay miyembro ng TASK FORCE DISIPLINA hindi niya hinuli ang lalaki bagkus tinulungan niya pa ito. Binigyan niya ito ng tulong pinansiyal para may pambili ito ng gatas ng kaniyang anak.

Nang dahil nahabag siya sa mag-ama at nababahala rin siya sa magiging kalusugan ng bata na baka ma-exposed ito sa virus, nanawagan siya ng tulong sa social media upang matulungan ang mag-ama na magkaroon na lamang ng kaniyang magiging tindahan upang hindi siya maglako sa kalsada. Nang sa ganun maaalagaan niya ang kaniyang anak sa loob ng kanilang tahanan.

Maraming mga netizens ang nakaramdam ng awa sa mag-amang ito. Nawa’y mabigyan sila ng tulong para sa kaligtasan ng sanggol.

Netizen, Bumuhos ang Luha Matapos na Makita at Maâ„“aman ang Kaâ„“agayan ng Isang Lola

Lubhang nakakahabag ng damdamin ang sitwasyon ng isang matandang babae na nakahiga sa sahig at tila walang kaanak na nag-aalaga. Ibinahagi ito ng Heaven Elements facebook page ang pahayag ng isang netizen na kumuha ng litrato ni Lola. Ayon sa uploader, lubos siya napaluha nang mismong siya ang nakarinig ng nakakaawang kalagayan ni Lola. Narito ang kanyang pahayag,

“Habang naglalakad ako kahapon, biglang napatigil ang mundo ko. Nang makita ko ang sitwasyong kinalalagyan ng matandang nakahiga sa malamig na semento. Dahil sa awÃ¥ na nadarama ko, napaluha ako. Umupo ako sa tabi niya, nilagyan ko ng 100 pesos yung latang nasa harap niya. Mas lalo pang bumuhos yung luha ko ng sabihin nyang “Anak, salamat. Kaawaan ka ng diyos.” Wala akong masabi. Tulo nalang nang tulo yung luha ko.

“Tapos maya-maya, tinanong ko sya, ‘Lola, kung bibigyan kita ng isang pagkakataong tuparin yung hiling mo, anong hihilingin mo?’ Tumingin sa akin yung matanda, at bigla syang umiyak.. Sabay sabi, ‘Gusto ko ng PAMILYA.’ Napayuko ako sa sobrang lungkot. Umiyak… Niyakap ko yung matanda. Sabi niya, ‘Anak, baka madumihan ka.’ Hindi ako umimik at niyakap ko sya ng mahigpit.

“Ilang minuto ang lumipas, may kinuha syang litrato, litrato ng pamilya niya. Buo at masaya. Tinanong ko sya ulit.. ‘Nay, nasaan na ba yung pamilya mo?’ Hindi sya umimik at tinuro nalang niya sa itaas na ang ibig sabihin.. P@tay na. Sa pag alis ko, kinuhaan ko sya ng litrato. Binilhan ko sya ng tubig at tinapay. Nang ibinalik ko yung litrato ng pamilya nya, nilagyan ko ng 500 pesos para sa gastusin nya sa pagkain.
“Tulungan natin si Lola sa pamamagitan ng dasal. Panginoon, humihingi po kami ng paumanhin sa lahat ng kasalanan na nagawa namin sa isip man o sa gawa. Hinihiling po namin na tulungan nyo po ang mga taong nangangailangan. Lalo na po yung mas mabigat ang dinadala. Panginoon, kung wala ka, wala rin kami. Kaya lubos po kaming nagmamakaawa sa gabay at patnubay sa bawat bukas na aming haharapin.”

The post Isang ama, tulak-tulak ang kaniyang anak na naka wheel-chair sa Pag-aapply ng Trabaho appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments