Marami sa mga tao ang nakararanas ng matinding hirap sa buhay. Napakataas ng presyo ng bilihin ngunit ang sweldo ng manggagawa ay nananatiling mababa. Dahil dito, marami ang hindi na nakakain ng masustansiyang pagkain, o kaya naman, isang beses na lamang kumain sa buong maghapon.
Kung sa matatanda, magagawa nilang magtiis ng kanilang nararamdamang gutom. Pero hindi kaya ng mga bata na tiisin ang kanilang gutom. Lalo na kapag sanggol, nangangailangan sila ng tamang pagkain at nutrisyon para ma-develop sila ng tama.
Gayunpaman, dahil sa hirap ng buhay, hindi maibigay ng mga magulang na sina Safiruddin at Anita ang tamang pangangailangan ng kanilang anim na buwang sanggol.
Dahil wala silang kakayahan na bumili ng gatas, pina-iinom na lang nila ng kape ang kaawa-awang sanggol hanggang sa medyo lumaki na ang bata.
Kapwa naman may trabaho sina Safiruddin at Anita sa isang coconut plantation. Pero, ang kanilang arawang sweldo ay umaabot lamang ng 20,000 Indonesian Ruppees.
Katumbas ito ng sweldo na 50 pesos kada araw sa mag-asawa. Dahil sa maliit na sweldong ito, kulang na kulang ito para sa pambili ng pagkain, gatas at iba pang gastusin.
Dahil sa matinding kakapusan sa pera, bumibili na lamang sila mumurahing butil kape na pinakukuluan nila. Dinagdagan na lang nila ito ng kaunting asukal para hindi masyadong matapang ang lasa. Ito na ang iinumin ng kanilang anak kapalit ng gatas.
Pero gaya ng alam natin, hindi angkop na uminom ng kape ang isang sanggol.
Ang sitwasyong ito ng anak nina Safiruddin at Anita ay nakarating sa publiko at sa mga kinauukulan. Nakatanggap naman ng tulong tulad ng tinapay at gatas ang bata. Mino-monitor din ng Local Social Welfare Officers ang kalusugan ng bata sa posibleng epekto ng kape sa katawan nito at para mabigyan siya tamang nutrisyon.
Batang Lalaki, Namumuhay Na Lamang Mag-isa Matapos Bαωιαη Ng Buhay Ang Kaniyang Mga Magulang At Lola
Alam naman natin na hindi lahat ng bata ay pinanganak na mayroong kaya sa buhay. Kaya marami na ding mga bata ang namulat kaagad sa realidad ng buhay kahit sa murang edad pa lamang.
Katulad na lamang ng batang ito na natuto ng bumangon at mamuhay ng mag-isa matapos mawala ang kaniyang mga inaasahang pamilya.
Ang bata ay nakilala bilang si Dang Van Khuyen, 10-anyos at nakatira sa bansang Vietnam. Nabuhay siya sa kahanga hangang pamamaraan.
Siya ay nakakakain sa pamamagitan ng pagnanatim ng gulay. Dahil dito, nagawa niyang makapag-aral at mabuhay. Si Dang ay maagang naulila s akaniyang ina habang ang kaniyang ama naman ay nagtatrabaho sa malayong lugar kaya madalang lamang ito kung umuwi sa kanila. Kaya naman siya ay naiwan sa pangangalaga ng kaniyang lola.
Simple at payak na pamumuhay ang nakagisnan ni Dang sa piling ng kaniyang lola. Minsan naman ay nagpapadala ng pera ang kaniyang ama para sa kanilang pangangailangan.
Ngunit, nakakalungkot lamang dahil pum4naw na ang kaniyang lola na siyang nag aruga at nag alaga sa kaniya. Ang mas nakakalungkot pa dito ay b1nawian na din ng buhay ang kaniyang ama dahil sa isang aksidente.
Dahil sa pangyayari, tanging sarili na lamang ang natira kay Dang ngunit hindi pa din ito naging hadlang para siya ay sumuko. Hindi niya pinabayaan ang kaniyang pag-aaral at mag-isang tinaguyod ang kaniyang sarili.
Nang malaman ng pinapasukang eskwelahan ni Dang ang kaniyang sitwasyon, kaagad silang sumaklolo dito mula sa paglikom ng pera upang matulungan si Dang na maiuwi ang labi ng kaniyang ama at ito ay mailibing malapit sa kanila.
Sinubukan na ding dalhin si Dang sa bahay ampunan dahail alam nilang mas magiging mabuti ang lagay nito doon, ngunit tinanggihan ito ni Dang at sinabi na mas gusto niya ang mamuhay ng mag-isa sa pamamagitan ng pagtatanim ng gulay at pagpapa-aral sa sarili.
Marami naman sa ating mga netizens ang pumuri kay Dang dahil sa kaniyang kahanga-hangang determinasyon.
Netizen, naantig sa nakitang magkapatid na ito na natutulog sa gilid ng kalsada
The post Isang Sanggol, Kape Na Lamang Ang Dinedede Dahil Sa Kakapusan Ng Pera Ng Mga Magulang appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed










0 Comments