Looking For Anything Specific?

Jinkee Pacquaio, may inamin tungkol sa relasyon nila ng asawang si Manny na umani ng iba’t ibang reaction sa fans

Jinkee Pacquiao recalls the moment when husband and boxing champ, senator Manny Pacquiao was still starting on his boxing career.

In her interview with celebrity doctor Vicki Belo on her vlog, she was asked about how she supported the husband when they were still newly weds.

“So nung kinasal kayo ni Manny, paumpisa pa lang siya nun sa career niya?” asked Belo.

“Oo, umpisa pa lang,” Jinkee replied to which Vicki answered, “So wala talaga siyang pera nun.”

The question then eventually lead to Jinkee sharing about several moments where she had to find ways to earn or loan money for her husband’s training.

“Nako, madami kaming experience na mangutang kami, ganyan. Para lang makapag-ensayo siya sa Davao or Manila.

“Kailangan may pocket money. Alam yan ng mga ninang namin kasi ginigising ko sila ng maaga, ‘Ninang help me, help us’.”

Vicki then went on to ask if Jinkee, “Ah ikaw ang tumatawag, hindi si Manny?”

“Hindi, ako. Ako, oo. Mangungutang pa kaming pera para lang pang-budget niya sa ensayo,” she revealed.

When asked if she ever told Manny to give up on boxing back in the day, Jinkee said, “Ay no, never. Sumasama ako sa ensayo.”

Just last year, Jinkee pens Manny a sweet message for their wedding anniversary.

“21 years and counting! Grabe, how time flies.

“Nagpapasalamat ako sa Panginoon sa lahat, ang dami nating pinagdaanan, nalampasan ang mga pagsubok at ngayon mananatiling matatag at malakas sa gabay ng Panginoon!

“I love you, babe! God is good all the time!”

Added the renowned businesswoman, “The two are united into one. Then the Lord said, It is not good for man to be alone. I will make a helper just right for him,”

What can you say about this story? Share us your thoughts in the comment section below and let us have some discussions!

Reaksyon Ng Mga Anak Ng Mag-Asawang Pacquaio Nang Makatikim Ng Bagσσng Sa Unang Pagkakataσn

Muli na namang naghatid ng goodvibes para sa maraming netizens ang bagong vlog na in-upload ng asawa ni Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao sa kaniyang YouTube channel.

Ginawa ng pamilya Pacquiao ang tinatawag na ‘Ginamos Challenge’ sa Visayas samantalang ‘Bagoong Challenge’ naman sa Tagalog.

Saad ni Jinkee sa kaniyang vlog, naisipan niyang gawin ang challenge na ito dahil hindi pa nararanasan ng mga anak nila ni Manny na kumain ng nilagang saging na mayroong ginamos.

Sa naturang vlog, makikita na tinuturuan ni Manny kumain ng saging na may ginamos ang kaniyang mga anak.

Noong una, makikita na nagaalangan pa ang kanilang mga anak na sina Jimuel, Michael, Princess at Queenie dahil ito nga ang kauna-unahang pagkakataon na sila ay kakain nito. Ngunit, makalipas lamang din ang ilang minuto ay napapayag na rin sila nina Manny at Jinkee.

Makikita sa vlog na walang kaarte-arteng kinain ng magkakapatid ang naturang pagkain na ibinigay sa kanila ng ama kahit pa man sila ay nagdadalawang isip na kainin ito.

Samantala, ibinahagi rin naman ni Manny sa kaniyang mga anak na ang nasabing pagkain ang madalas nilang kainin noong walang wala pa sila.

Nakakatuwa lamang isipin na kahit pa man nakakaangat na sa buhay ngayon sila Manny, sila ay nanatili pa ring mapagkumbaba sa buhay kaya naman talagang lahat ng mga bagay na mayroon sila ngayon ay nararapat lamang sa kanila dahil sa kabutihan at busilak na puso ang mayroon ang pamilya Pacquiao.

Sa kabila ng pagiging may kaya sa buhay, hindi pa rin nakakalimutan ni Manny na tanawin ang kaniyang pinagmulan at kinagisnan noon at ibahagi ito sa kaniyang mga anak.

Marami naman sa mga netizens ang humanga sa pamilya Pacquiao dahil sa kabila ng pagiging angat sa buhay, sila pa rin ay mapagkumbaba at hindi kailanman pinagyayabang lahat ng mga bagay na kanilang natatanggap bagkus ito pa ay kanilang ibinabahagi para sa mga nangangailangan.

Ganito Pala Kalaki Ang Tuition Fee Ng Mga Anak Ni Jinkee At Manny Pacquiao

Para sa isang magulang, wala na sigurong mas sasaya pa sa pakiramdam na makita ang iyong mga anak na mamuhay ng komportable at masaya. Kaya naman lubos ang kanilang pagsusumikap at pagtatrabaho ng mabuti para mabigyan ng magandang buhay ang kanilang pamilya.

Katulad na lamang ni Manny Pacquiao at ng kaniyang asawa na si Jinkee. Sa maraming taon, ang Philippine Boxing Champ ay nagsumikap ng lubos para mabigyan ng komportableng buhay ang kaniyang mga anak.

Hindi maipagkakaila na isa sina Manny at Jinkee Pacquiao sa pinakamayaman na mag-asawa ngayon sa Pilipinas. Kaya naman hindi imporsible na kaya nitong pag-aralin ang kaniyang mga anak sa pinakamagandang paaralan sa bansa.

Nais lamang nina Manny at Jinkee na mabigyan ng magandang oportunidad ang kanilang mga anak, lalo na pagdating sa edukasyon kaya naman pinasok nila ang mga ito sa isang international school sa bansa. Sa katunayan nga nyan, ang tuition fee pa lamang ng mga anak ng dalawa ay nakakalula na!

Ang panganay na anak na si Jimuel ay nag-aaral sa Brent International School sa Manila. Ang kaniyang tuition fee ay umaabot sa $9,000 o mahigit na P400,000 kada taon. Siya ay mayroon ding mga miscellaneous fee na aabot sa P390,000. Samantala, parehas naman ng tuition fee ni Jimuel ang kapatid na si Michael Stephen na kasalukuyang Senior High School at nag-aaral sa Brent International School sa Laguna.

 

Ang pangatlong anak na si Mary Divine o kilala sa palayaw na Princess ay nasa middle school na kung saan umaabot ang tuition fee nito sa $8,74 o mahigit na P403,512. Hindi pa kasama dito ang ibang bayarin sa paaralan sa buong taon. Parehas naman sila ng tuition fee ni Queeni o mas kilala bilang si Queen Elizabeth. Sa kabilang banda, ang kanilang bunsong anak na si Israel ay hindi pa nag-aaral sa ngayon dahil siya ay 5-anyos pa lamang.

Gayunpaman, ang tuition fee naman nila ay masasabing worth it. Hindi naman maipagkakaila ang maraming magagandang benepisyo na maibibigay sayo ng pag-aaral sa mga international school. Ang paaran ng kanilang mga tinuturo ay mas advanced kumpara sa mga pampublikong paaralan.

Maliban sa kanilang mga subjects na mayroon ang ibang paaralan, ang mga estudyante din sa international schools ay tinuturuan ng mga kultura at tradisyon na mayroon ang iba’t ibang bansa sa buong mundo.

The post Jinkee Pacquaio, may inamin tungkol sa relasyon nila ng asawang si Manny na umani ng iba’t ibang reaction sa fans appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments