Hindi maikakaila ang disgusto ni Kim Atienza o kilala rin sa tawag na Kuya Kim kay Mario Maurer at sa PR team nito matapos itong mag-iwan ng komento sa isang post na nalathala sa official FB page ng GMA News.
Ang post ay tungkol sa pahayag ng pagsuporta ng Thai actor na si Mario Maurer kay Rabiya Mateo na kandidata ng Pilipinas sa Miss Universe pageant.
Kahapon ay nagdaos ang isang telecom company kung saan si Mario Maurer ang brand ambassador ng isang virtual conference.

Sa panayam ay nagpahayag si Maurer ng suporta kay Rabiya. Aniya, “I heard that Rabiya is kind of a fan of mine, and I’m very happy to hear that. “And, you know, I wish her good luck because I know she’s in the competition, so I wish [her] good luck.”

Sa kabilang banda, hindi pinalampas ni Kuya Kim ang pagkakataon upang iparating ang nararamdamang pagkadismaya sa Thai aktor at kampo nito.
Nag-iwan si Kuya Kim ng mainit na komento sa post tungkol sa ulat ng pahayag ng pagsuporta ni Mario kay Rabiya upang ipakita ang kanyang simpatya sa komediyanang si Kakai Bautista.
Hindi naiwasan na magbigay ng maaanghang na salita laban sa Thai actor at sa PR team nito. Aniya, “No, Rabiya is not a fan of yours, Kakai was and how badly you and your PR team treated her. Just had to say that.”


Maraming netizen ang sumang-ayon sa komento na ito ni Kuya Kim.
Matatandaang naging laman ng balita si Kakai Bautista dahil sa demand letter na pinadala sa kanya ng kampo ni Maurer na tigilan ang paggamit sa pangalan ng aktor.
Samantala, nabanggit ni Rabiya Mateo na paborito niyang aktor si Mario Maurer sa isang ambush interview nang mag check-in siya sa official residence ng mga Miss Universe.
Miss Universe Russia, Hinangaan Dahil Sa Taglay Na Ganda Na Tila Isang Real-Life Barbie Doll
Sa nalalapit na tagisan ng ganda, talent at talino: ang inaabangang Miss Universe 2020 pageant, kaniya-kaniya na nang pagpili ang mga tao nang kanilang susuportahan. Marami ring kandidata ang inaabangan ng mga pageant enthusiasts na magpakitang gilas sa nalalapit na paligsahan.
Malapit nang isalang sa kompetsiyon ang mga kandidata ng iba’t-ibang bansa na kasalukuyan ay nasa United States of America na upang maghanda sa pagpapakita ng kanilang husay, kasama na nga rito ang ipinagmamalaking kandidata ng Pilipinas na si Rabiya Mateo. Ngunit hindi rin maiiwasan ng mga tao na abangan ang iba pang mga kalahok.
Isa nga sa mga ito ang kandidata ng bansang Russia na si Alina Sanko. Marami ang humahanga sa huli dahil sa nakakabighani umano nitong kagandahan at tila ba isa itong real-life Barbie doll.

Sa mga larawan ni Miss Universe Russia na ibinahagi ng socmed page na The Pageantry, makikita ang itsura nitong maihahalintulad sa isang maynika katulad nga ng nakasaad sa caption ng naturang page na isa itong real-life Barbie doll.


“Look: She is the definition of a living Barbie doll, Alina Sanko, Miss Universe Russia 2020. She has arrived safe and sound in Miami, Florida USA for Miss Universe 2020,” turan sa nasabing post.
Umani ng komento nang paghanga mula sa mga netizens ang post na ito.
Inaabangan din ng mga ito ang ipapakita ng kandidata ng Russia, ang damit na isusuot nito at ang magiging kasagutan sa Question and Answer portion.


Samantala, kahit pa mga Pilipino, sinabi ng iba na malaki raw umano ang tiyansa ni Miss Russia na magwagi sa Miss Universe pageant. Ito ay dahil isa na raw beterana si Miss Russia sa pageantry
Lumahok na raw ito sa Miss World pageant, tulad ni Miss Universe 2018 Catriona Gray na pambato noon ng Pilipinas, ay malaki raw ang tiyansang maiuwi ang korona dahil sa mga karanasan nito. Bagama’t hindi nanalo sa Miss World 2019, ay napabilang naman ito sa top 12.

Sa nalalapit na May 17 sa Florida, USA, magaganap ang labanan ng 70 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo upang masungkit ang korona.
Rabiya Mateo, Nagkaroon ng Wardrobe Malfunction sa National Costume ng Miss Universe Pageant
The post Kim Atienza, Sinupalpal Ang Pahayag Ni Mario Maurer Na ‘Fan’ Daw Niya Si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

















0 Comments