Talaga nga namang kinarir na ni Mariel Rodriguez ang pagiging negosyante.
Sa kanyang latest vlog na may title na “MAY pera sa baka, negosyo ni Cooking Ina”
Ipinakita ni Mariel ang kauna-unahan niyang negosyo.
Ito ay ang pagbebenta ng imported na baka mula sa mga bansang Australia at Brazil.
Sa ilang taong hinihikayat ng lolo at lola niya si Mariel Rodriguez na ipagpatuloy ang negosyong pagbebenta ng imported beef ay ngayon lang nito napag-isipan na tanggapin.
Habang parami nang parami ang nagiging vegan lately, karneng baka naman ang business ni Mariel Rodriguez-Padilla ngayon.
At hindi ordinary na karneng baka, rib eye and Picanha steak, sa kanyang cooking ina food market.
Dahilan ni Mariel kaya niya pinasok rin ang pagnenegosyo dahil pangarap daw talaga niya ito.
At pangarap din ng kanyang lolo at lola na siya ang magpatuloy ng kanilang negosyo.
Isa rin sa mga dahilan kay nagpupursige siya ay dahil gusto niyang ipasok sa magandang eskwelahan ang kanyang mga anak.
Nahihiya na din daw siya sa asawa niyang si Robin at gusto niya ay may ambag din daw siya sa pamilya nila.
Pero siyempre, bago naman ito sinimulan ni Mariel ay may inspirasyon siya.
Ang pagiging masipag ng grandpa at grandma niya ang isa sa mga inspirasyon din niya, “I grew up with my lolo and lola, every single day ‘yun and up to this day, nagtatrabaho sila.”
Aminado pa ang TV host na hindi madaling magsimula ng negosyo.
Dahil nga malaking puhunan ang ilalabas mo at hindi naman sigurado kung mababalik kaagad ito.
Marami namang netizens ang humanga sa kasipagan ni Mariel.
Kahit busy siya sa kanyang negosyo ay hands-on mommy pa din siya sa kaniyang pamilya.
Panoorin dito ang kanyang video:
Salute sa mga working mommies!
Read also:
Mariel Padilla sυmυko ng mαrαnasan ang ραgσd ng kaniℓang mga kαsαmbahay!
The post Mariel Padilla, hinangaan ng marami dahil sa pagiging hands-on nito sa kanyang kauna-unahang negosyo na imported na baka appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments