Kay sarap nga namang humarap sa altar, mangangako ng pang habang buhay na pag ibig sa harap ng Diyos, pamilya at mga kaibigan kasama ang iyong kasintahan.
Kasal ang isa sa pinagpaplanuhan, pinaglalaanan ng oras at pinaka hihintay ng dalawang may tunay na pag ibig sa isa’t isa.
Isang araw na kaganapan na siyang magbibigay basbas sa pang habang buhay na hirap at ginhawa.
Handa ka nga bas a mga susunod na pangyayari o wala nang susunod pa?
Kagaya na lamang ng nakakapanlumong panyayari sa isang kasal sa may Tiaong, Quezon. Ang dalawang magkasintahan na sina Victor Banayo at Marjorie Calizar na sanaý ikakasal na ng araw na iyon ay bigla na lang napalitan ng luha ang bawat ngiti. Lahat ng kaligayahan ay tila ba naglaho at napalitan ng såkit.
Ang walong taon na magkasintahan na sina Victor at Marjorie ay matagal nang pinagplanuhan ang kanilang kasal Huwebes, ika- 26 ng Disyembre 2019, itinuloy nila ang naka-planong kasal.
Nasabi na si Marjorie ay dinapuan ng isang malubhang sakit bago pa maganap ang nakatakdang kasalan nito.
Sumailalim siya sa isang øperasyon sa pag-aakalang gagaling ito kaagad. Ngunit sa kasamaang palad, matapos ang nasabing operasyon ay kinailangan niya ulit bumalik sa pagamutan pagkat kumalat na pala ang iniinda itong sakit na cåncer at lalo pang lumübha.
Ambulansya ang naghatid kay Marjorie sa simbahan at hindi bridal car. Sa isang larawan ay makikitang naka stretcher na si Marjorie nang dumating sa simbahan.
Hindi na maikakailang malübha na nga ang pinagdaraanan nito sa sakit. Ngunit sa kagustuhan ng dalawang ikasal sa kabila ng kaniyang karamdaman, itinuloy nila ito.
Nguni tang pinakamasklap na pangyayari ay ang idineklara ng pari na si Marjorie ay pumånaw na sa kalagitnaan ng kanilang kasal.
Gayun pa man, ipinagpatuloy pa din ng pari ang seremonya at idineklara ang matagumpay nap ag iisang dibdib nina Victor at Marjorie.
Tunay nga namang sa hirap at ginhawa, basta maghal niyo ang isa’t isa nasusubok ang tibay ng pundasyon ng inyong pagmamahalan.
Hanggang sa kåmåtayån ay tinanggap pa din ang basbas ng pang habang buhay na magkasama.
Marjorie&Victor wedding
Ang pinakamasakit na kasal na nakita ko sa oras ng kanyang kasal tsaka nalagutan ng hininga…
Posted by May Ann Magnaye Mercado on Thursday, December 26, 2019
0 Comments