Marami sa ating mga kababayan ang nakaranas ng kahirapan dahil sa krisis na dulot ng C0VID-19 pand3mic dahilan para mawalan ng trabaho, negosyo, at hanabpuhay ang ating mga kababayan, lalo na noong magsimulang ideklara ang l0ckdown sa bansa.
Naging mas mahirap ang pamumuhay ng karamihan sa ating mga kababayan at hindi sapat ang mga ayuda na kanilang nakukuha mula sa pamahalaan para sa kanilang gastusin sa araw-araw.
Kaya naman ang ilan ay umiisip ng kaniya-kaniyang paraan at diskarte para matugunan pa din ang pangangailangan ng pamilya sa gitna ng pand3miya. May ilan na pinasok ang online selling, iba naman ay ang delivery service, at iba pang mga trabaho o hanapbuhay para lamang mairaos ang pangangailangan sa araw-araw.
Katulad na lamang ng isang lola mula sa Malingas, Dagupan. Sa kabila ng kaniyang edad, patuloy pa din na naghahanapbuhay si Lola sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga hipon sa palengke para matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.
Sa kasamaang palad, isang araw habang siya ay naglalako ng mga panindang hipon ay natyempuhan naman siya ng mga barangay tanod sa kanilang lugar. Ngunit, imbis na pagsabihan ito ay tinapon na lamang ng mga walang pusong barangay tanod ang mga hipon na kaniyang tinitinda at ito ay nagkalat sa kalsada.
Ayon sa mga nakakita ng pangyayari, si Lola umano ay nagtitinda ng hipon sa gilid ng sidewalk dala ang kaniyang mga balde at tray na lagayan ng mga hipon. Kahit pa man sinabihan na ang matanda na siya ay hindi maaaring makapagtinda ng hipon sa naturang lugar dahil siya ay walang maayos na stall.
Nagmamakawa naman itong nakiusap sa mga barangay tanod na kung maaari ay payagan na siya ng mga ito na magtinda sa lugar dahil ito lamang ang kaya niyang gawin at mapagkakakitaan ngayong pand3miya lalo na siya ay matanda na.
Ngunit tila pinalabas lamang ang pakiusap na ito ni Lola ng mga barangay tanod sa kanilang kanang tenga at hindi pa din nila pinagbigyan ang kahilingan ng pobreng matanda o di kaya ay bigyan na lamang ito ng maayos na lugar kung saan ito maaaring makapagtinda kahit sana sa isang maliit na sulok lamang.
Nag4lit pa ang mga barangay tanod at pwersahang pinaalis si Lola. Bukod pa dito, tinapon pa nila ang mga panindang hipon ni Lola na dahilan para ito ay sumaboy sa gilid ng kalsada. Naiyak na lamang ang pobreng matanda habang kinukuha niya ang mga paninda na natapon.
Read also:
Ina, Pinabayaan lang umano ng mga Anak na Gumapang ito sa Lupa
The post Mga tanod, Tinapon Ang Mga Panindang Hipon Ng Isang Lola Matapos Itong Bawalin Sa Pagtitinda Sa Lugar appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments