Minsan Naging Isang Pulubi At Maninisid Ng Barya Sa Pier, Ngayon Ay Isa Ng Hinahangaang Guro
Sabi ng nila, hindi masama ang mangarap. Lahat ng tao ay may pangarap sa buhay na nagiging sandata natin upang magpursige na maabot natin ito. Kung determinado tayo na maabot ang ating tagumpay hindi impossibleng mangyari ito. At isa na rito ang kwento ng isang guro na minsan nang naghirap sa buhay, ngunit hindi ito naging hadlang upang makamit niya ang kaniyang pangarap na magkaroon ng magandang kinabukasan.
Ito ay pinatunayan ng kwentong tagumpay ng dalagang si Arlene E. Alex. Siya ngayon ay isa nang matagumpay na guro. Darati-rati naranasan ni Arlene ang maghirap sa buhay dahil naranasan niyang maging isang pulubi at mamalimos upang may maibigay na pera sa kaniyang mga magulang. Hindi lang sa kalye ang kaniyang naging buhay noon, pati ang dagat ay naging buhay niya na rin dahil naging isang maninisid siya ng barya sa pier upang kumita ng pera. Ang hirap ng buhay ang naging inspirasyon ni Arlene upang maabot niya ang kaniyang mga pangarap.
Kaya ngayon, ang tagumpay ay abot kamay na ni Arlene dahil natupad na ang kaniyang pangarap na maging isang guro sa edad na 28 taong gulang. Sa pamamagitan ng kaniyang pag-aaral at pagkakaroon niya ng Master’s Degree nagkaroon ng kulay ang kaniyang iginuhit ng mga pangarap. Ibinibigay ni Arlene ang kaniyang serbisyo sa mga batang mas nangangailangan ng pagkalinga upang sila maturuan ng mahusay, ito ang mga batang nag-aaral ng IPED at mga batang badjao.
Layunin rin ni Arlene tulungan ang kanyang sariling mga kababayan at turuan sila sa parehong paraan kung paano siya natuto. Sa isang graduation picture ni Arlene na kaniyang ibinahagi sa social media na may caption na, “Piliin mong magpatuloy kahit na pakiramdam mo ay hindi mo na kaya,makikita mo ang tamis ng paghihirap sa tamang kapanahunan”.
Ngayon ay masaya ng naglilingkod si Arlene sa kaniyang mga kababayan na mga Batangueño lalo na ang kaniyang mga estudyante na walang sawa niyang tinuturuan. Dahil sa kaniyang naging dedikasyon at narating sa buhay ay ginawaran siya ng pangaral ng “3rd Natatanging Batangueño 2021” ng Rotary Club Batangas. Ang kaniyang naging tagumpay ang tangi niyang maiaalay sa kaniyang pamilya na sobrang proud sa kaniya. Nawa’y marami pa ang kagaya ni Teacher Arlene!`
Read also:
Nakakamanghang Nakapagtapos Ng Kolehiyo Ang Isang Street Sweeper, Sa Kabila Ng Kanyang Pagiging Isang Ina Sa 7 Niyang Mga Anak
Sa pag-abot natin sa ating mga pangarap, hindi kailanman nagiging hadlang ang kahirapan lalo pa’t kung ang isang tao ay determinadong maabot ang kanyang mga mithiin sa buhay. Wala sa edad at estado sa buhay ang sukatan upang maging matagumpay ang isang tao sa hinaharap. Ito ay kagaya na lamang ng kwento ng isang street sweeper na nag-viral dahil sa nakamit niyang tagumpay sa buhay.
Tunghayan natin kung paano pinatunayan ni Ofelia Mondaya ang kanyang nakamit na tagumpay. Si Ofelia ay nagtatrabaho bilang isang street sweeper sa edad na 55 taong gulang. Siya ay naglilinis ng kalsada sa Barangay Poblacion sa Batangas City. Maituturing na isang masipag na manggagawang Pilipino si Ofelia dahil patuloy ang kanyang pagtatrabaho sa gitna ng pandemiya. Marami ang humanga sa kanya dahil hindi kailanman tumigil ang kanyang pangarap na magkaroon ng diplomang maipapagmalaki niya.
Dahil bukod sa pagiging isang street sweeper naipagsasabay ni Ofelia ang kanyang trabaho at ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo sa loob ng apat na taon. Kumuha siya ng kursong Business Administration at isa siyang scholar ng Colegio ng Lungsod ng Batangas, ipinakita ni Ofelia ang kanyang determinasyon na makapagtapos ng pag-aaral, kahit na mayroon na siyang 7 mga anak.
Bago niya napagtagumpayan ang kolehiyo, sinikap ni Ofelia na makapagtapos ng Alternative Learning System (ALS) na programa ng Kagawaran ng Edukasyon. Sa pag-abot ni Ofelia sa kanyang mga pangarap, may mga tao ring labis na sumuporta sa kanyang pag-aaral kagaya na lamang ng kanyang supervisor. Tinulungan siya ng kanyang supervisor na magkaroon ng flexible working schedule upang hindi maapektuhan ang kanyang pag-aaral.
Kaya naman ang kanyang pamilya ay sobrang proud kay Ofelia lalo na ang kanyang mga anak. Dahil ayon sa isang anak nito, na ang kanilang ina ang tumupad sa kanilang pangarap na hindi nila nakamit at iyon nga ang makapagtapos ng pag-aaral sa kabila ng kanilang kahirapan. Kwento pa ng ina ni Ofelia, hindi na dapat daw hintayin pang tumanda upang maisip ang tunay na kahalagahan ng edukasyon. Ayon naman kay Ofelia, ang makapagtapos ng pag-aaral ang kanyang pangarap sa buhay upang sila ay makaahon sa kanilang kahirapan.
Ang anak ni Ofelia na si Crizel ay naging inspirasyon siya nito upang maging matiyaga at maging determinado ring maabot ang kanyang mga pangarap. Bilib daw siya sa kanyang ina, dahil kahit busy sa pag-aalaga sa kanila pati na rin sa kanyang trabaho hindi ito napapagod na maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral. Kaya naman idolo niya ang kanyang ina.
“Sobrang pinagtiyagaan niya talaga. Halos sa madaling araw umaalis siya, magtatrabaho, magwawalis tapos uuwi siya ng u maga na, maliwanag na. Tapos mag-aaral siya kasi marami siyang assignment,” aniya.
“Proud na proud kami sa kaniya. Hindi man kami nakapagtapos, katulad ng kanyang pinapangarap sa amin, masaya kami kasi siya ‘yung halos tumupad na rin ng pangarap namin,” sabi pa ni Crizel. Kahit na walang naganap na face to face na graduation ceremony, labis naman ang naging kagalakan ng mga anak ni Ofelia dahil siya ay nakapagtapos na ng pag-aaral sa kolehiyo at isa nang ganap na degree holder. Wika pa ni Ofelia sa mga kapwa niya nangangarap din na huwag silang sumuko at laging maging positibo sa buhay.
“Huwag na po nating hintayin na tayo ay magkaedad pa o maging matanda bago mag-aral… Kailangan po talaga maging positibo tayo sa buhay at gawin po natin ‘yung tama at alam natin na makakatulong sa atin. Ganoon din po sa ating kapwa.”
Sa ngayon isa ng job order employee sa city hall ng Batangas City si Ofelia, aniya pa gagamitin niya ang kanyang diploma upang makapag-apply siya bilang isang regular na empleyado. Nais pa ring maipagpatuloy ang kanyang pagiging isang lingkod-bayan.
0 Comments