Hindi na lingid sa ating kaalaman na unti-unti nang nasisira ang ating tinitirhang mundo. Dahil ito sa talamak na pagtatapon natin ng lahat ng uri ng kalat sa paligid. Napakalala na rin ang polusyon na nangyayari sa ating mundo maging ito man ay sa hangin, karagatan, o kalupaan.
Nito lamang ay nagkaroon ng pambihirang tagumpay ang National Aeronautics and Space Administration o mas kilala bilang NASA nang madiskubre nila ang isang planetang parehas ng katangian ng ating mundo.
Ayon sa impormasyong natanggap nila mula sa Satellite na kanilang ipinadala, isa raw sa tatlong planetang nadiskubre ng nito ay maaaring pagpugaran ng mga tao dahil malapit ang mga katangian nito katulad nang sa mundo.
Ang tatlong planeta na ito ay GJ 357 b, GJ 357 c at ang GJ 357 d.
Sa tatlong planetang ito, namukod tangi ang GJ 357 d dahil parehas ito nang katangian ng ating mundo. 6 na beses nga lamang itong mas mabigat kaysa sa ating mundo. Sapat ang temperatura nito upang mamuhay ang mga tao at may sapat rin itong tubig.
“GJ 357 d is located within the outer edge of its starís habitable zone, where it receives about the same amount of stellar energy from its star as Mars does from the sun,” ayon sa NASA.
Giant Hole Ortigas, may misteryo palang bumabalot na hindi alam ng marami
The post NASA, Nakadiskubre Ng Bagong Planeta Na Pwede Umanong Matirhan Ng Tao appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments