Looking For Anything Specific?

OFW, itinaya ang kaniyang Pinakahuling Pera sa Lotto at Nanalo ng P4.5 Million matapos abutan ng Lockdown sa UAE at Mawalan ng Trabaho

Ang buhay ay isang malaking sugal na kung saan hindi mo alam kung anong nakahain sa iyo kinabukasan. Gayun pa man, kailangan mong magpatuloy upang matuklasan ang iyong kapalaran.

Ayon sa iba, ang pag susugal ay isa sa mga pinakamadaling paraan upang magkaroon ng pera ngunit ito ay naka depende sa swerte ng iyong kapalaran.

Samantala, sinasabi ng iba mas masarap kumita ng pera kapag ikaw ay nagtatrabaho na ngunit sa kung titingnan ang ating kasalukuyang sitwasyon, madami ang nawalan ng trabaho at negosyo dala ng pandemya.

Ang OFW na kinilalang si Remedios Bombon ang nawalan ng trabaho sa kasagsagan ng lockdown sa bansang UAE.

Siya ay dating house keeper at bus attendant ngunit natigil ito dahil sa pandemya. Hindi naging madali para sa kaniya na buhayin ang kaniyang sarili lalo pa at wala na siyang pinagkukuhanan.

Dahil sa hirap ng kaniyang dinaranas at sa labis na pag- aalala kung sakali mang walang- wala na siya lalo na’t tatlong buwan na siyang walang trabaho.

Lakas loob niyang itinaya sa lotto ang natitirang pera sa kaniyang pitaka na nagkakahalaga lamang ng AED 60 o Php 820.

Pinalakas niya ang kaniyang loob at nanalangin n asana ang kaniyang apat na numerong pinili ay tumama

Hindi siya makapaniwala nang nalaman niyang bumalik sa kaniya ang kaniyang ipinuhunang taya ng nakalululang Php 4.5 milyon o AED 333,333

Sa laki ng halaga ng perang ito, maaai na siyang makauwi sa Pilipinas at magsimula g panibagong buhay at negosyo gamit ang perang napalalunan.

Post a Comment

0 Comments