Looking For Anything Specific?

Presyo Ng Skin Care Products Na Ginagamit Ni Jinkee Pacquiao, Ikinagulat Ng Netizens

Isang post ng netizen na nag-ngangalang Camille Aspera Ecleo-Amante ang naging usap-usapan ngayon sa socmed matapos ibahagi nito ang halaga ng ginagamit na produkto ni Jinkee Pacquiao para sa kanyang magandang balat.

Ayon sa post ni Camille Aspera ay handa na daw niyang sundan ang morning skin care routine ni Jinkee Pacquiao, mtapos mapanood nito ang kanyang vlog.

Pero nung subakan niyang igoogle o hanapin ang mga produkto ay laking gulat nito sa hindi birong halaga ng bawat isa nito.

 

Makikita sa larawan na ibinahagi ang mga sumusunod na produkto kung saan talaga namang mapapaWOW ka at mamamangha.

Isa sa mga produkto ay nagkakahalaga lang naman ng mahigit sa 10,000 Pesos at ang iba naman ay naglalaro sa 5,000 pesos – 3,000 pesos.

 

Sa kabila ng mataas na halaga ng mga produkto, hindi katakataka na maganda talaga ang epekto nito sa balat na makikita sa mala porselanang kutis ni Jinkee Pacquiao.

Sa ngayon, aabot na sa mahigit 69,000 ang nagbahagi ng post ni Camille at marami sa mga netizen na nag komento ay talagang hindi makapaniwala sa mga halaga nito.

Ang ilan din sa mga nagkomento ay hindi mapigilang ipagkumpara ang kanilang gamit na skin care products na talagang namang napakalayo ng presyo sa gamit ni Jinkee Pacquiao.

Kung kayo ay nag nanais na sundan ang morning skin care ni Jinkee Pacquiao ay maaari niyong bisitahin ang kanyang YouTube Channel @Jinkee Pacquiao.

Ang video na ibinahagi patungkol sa kanyang morning skin care ay mayroon ng mahigit sa 200k views online.

 

Noon October 21, 2019 lamang sinimulan ni Jinkee ang kanyang YouTube Channel pero ngayon ay mayroon na din mahigit sa 400,000 YouTube subscribers ito. Ang dami ng subscriber nito ay isang patunay lamang na marami ang nageenjoy manood sa kanyang vlog.

Kaya sa mga nagnanais maging updated sakanya at sakanyang pamilya ay maaari kayong magsubscribe sa kanyang channel.

Read also:

Ganito Pala Kayaman Si Andi Eigenmann! Kaya Hindi Na Pala Siya Bumalik Sa Showbiz

Si Andrea Nicole Guck Eigenmann o mas kilala bilang Andi Eigenmann ay ipinanganak noong June 25, 1995. Siya ay anak ng yumaong aktor na si Mark Gil at aktres na si Jaclyn Jose. Siya ay mayroong kapatid sa ama na sina Sid Lucero, Gabby Eigenmann, at Max Eigenmann na kapwa aktor at aktres din.

Si Andi ay nag-aral ng elementary at sekondarya sa Miriam College at nagtapos sa kursong Bachelor of Arts in Fasion Design and Merchandising sa De La Salle College of Saint Benilde.

Taong 2007 nang una siyang mapanood sa telebisyon sa soap opera na ‘Princesa ng Banyera’ ng ABS-CBN. Siya ay sumali din sa Pinoy Big Brother: Teen Edition Plus. Kahit pa man siya ay na-eliminate kaagad sa naturang reality television show, nagsunod-sunod pa din ang swerte sa kaniyang showbiz career. Sa katunayan ay napanood na ito sa humigit kumulang na 18 TV shows, at ilan dito ay talaga nga namang top rating kung saan siya ay bumida. Kabilang na dito ang Agua Bendita, Kahit Puso’y Masugatan, Galema: Anak ni Zuma, Maalaala Mo Kaya.

 

Umaabot ng halos 5-digit ang bayad kada taping day sa mga sikat na artista kagaya ni Andi Eigenmann. Hindi lamang sa TV pinamalas ni Andi ang kaniyang pag-arte, maging sa pelikula ay pinatunayan din niya ang husay niya bilang aktres. Matapos siyang mapanood sa mga box-office hit movie katulad ng A Secret Affair, Camp Sawi, at Shake Rattle and Roll 12.

Kung sa palagay niyo ay malaki na ang bayad sa mga artista kada taping day, mas malaki pa ang bayad sa kanila kada shooting day. Madalas ay nakakatanggap pa sila ng malaking bonus kung sakaling mag box office hit ang kanilang pelikula.

 

 

Dahil sa natural na ganda, kinukuha din si Andi na mag-cover sa mga sikat na magazine. Bukod pa diyan, marami ding kumpanya ang kumukuha kay Andi para maging celebrity endorser ng kanilang produkto. Malaking bahagi ng income ng mga artista ay nagmumula sa kanilang mga endorsements dahil ang isang sikat na celebrity ay binabayaran ng milyon milyon ng mga kumpanya na kumukuha sa kanila bilang celebrity endorsemers.

Sa laki ng kinikita ni Andi sa showbiz industry, siya ay nakapagpundar na din ng mga property katulad ng Nissan Terra, at may pinapagawa na din siyang dream house sa Siargao kasama ang partner na si Philmar Alipayo at dalawang anak na sina Eli at Lilo. Maging ang kaniyang business na paupahan ay malapit na ding matapos.

 

Malayo na din ang narating ni Andi na kahit pa man hindi na siya mag-showbiz ay mabubuhay siya dahil sa yaman na din niya ngayon.

Sa ngayon ay masaya na si Andi kapiling ang kaniyang surfer boyfriend na si Philmar Alipayo at ang kanilang mga anak.

 

The post Presyo Ng Skin Care Products Na Ginagamit Ni Jinkee Pacquiao, Ikinagulat Ng Netizens appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments