Looking For Anything Specific?

TESDA, Nag-Aalok Ngayon Ng Mga Libreng Kurso, May Mga Benefits At Allowance Pa

Sa panahon ng pandemya na nararanasan ng iba’t-ibang bansa, masasabing marami ang nawalan ng kabuhayan kung saan marami din ang mga negosyo ang nalugi at nagsara. Kaya naman masasabing sa panahon ngayon ay napakahirap na maghanap ng trabaho lalo na kung ikaw ay wala pang experience o kaya naman ay kulang pa sa kaalaman.

Pero mabuti na lamang at kahit na may kinakaharap na mabigat na suliranin ang bansa ay meron pa ring mga technical instutions na handang magturo upang mabilis na makahanap ng trabaho.

Katulad na lamang ng Technical Education and Skills Development Authority  o TESDA  na kung saan ay nagbibigay ng opportunidad sa mga gustong matuto ng iba’t-ibang technical skills.

Isang post ngayon sa socmed patungkol sa programm ng TESDA ang mabilis na nagviral matapos na ibahagi ito ni Elmalyn Almario Claveria.

Sa kanyang post ay iniimbitahan nito ang may mga edad na 18 to 65 taong gulang na sumubok o lumahok sa programa ng TESDA. Kung saan ito ay nag bibigay ng free course at may free allowance benefits pang kasama.

Narito ang kanyang post na ibinahagi, ito ay umabot na sa mahigit 27,000 shares at 13,000+ na ang nagbahagi ng comment sa nasabing post.

Ilan sa mga course na nakasama sa kanyang ibinahagi na post ay ang “Organic Agriculture Production”, kung saan kinakailangan na pumasok sa oras na 8:00 hanggang 3:00, mula Lunes hanggang Biyernes.

Ang benepisyo na matatanggap naman sa pag pasok sa kurso na ito ay 160 per day, 500 para sa PPE, 5000/ Instructional materials.

Ang kinakailangan na requirements naman para dito ay High school Diploma, Medical/Drug test, NBI, Police Clearance, Certificate of Indigency, 1×1 Picture, at passport size with name tag.

Ang ibinahagi na ito ni Elmalyn ay napakalaking tulong para sa mga naghahanap ng trabaho kung saan ay matututo na sila, nagkaroon pa sila ng pagkakataon na makatanggap ng  mga allowance at benefits.

Isang Nurse Ang May Ginintuang Puso Dahil Mas Pinili Niyang Maglakad Pauwi Upang Ang Kanyang Madaanan Na Mga Pulubi Ay Mabigyan Niya Ng Pagkain At Inumin

Si Hafiz Marohombsar ay proud na proud sa kanyang natuklasan tungkol sa kabutihang ginagawa ng kanyang kapwa nurse sa mga kaawa-awang pulubi na nakatira sa kalsada, ayon kay Hafiz pauwi na sila ng katrabaho niyang nurse ng bigla siyang yayain na maglakad na lang pauwi total ay naiwanan naman na sila ng free shuttle na kanilang madalas sakyan pauwi, at imbes na mag-antay sa pagdating ng susunod na batch ng sasakyan ay pumayag na rin itong maglakad.

Source: Hafiz Marohombsar Facebook

Dumaan sila sa 7/11 upang bumili daw ang babaeng Nurse ng mga pagkain at tubig na ipamimigay niya sa mga kaawa-awang homeless na kanilang madadaan pauwi. Gusto rin daw sanang tumulong ni Hafiz, gusto niyang bayaran ang kalahati ng mga napamili ng kasama niyang nurse ngunit hindi ito pumayag sa gusto niya. Sapat na raw ang tulong nito sa pagbitbit ng mga pinamili at ang pagsama niya rito. Nagkulang pa daw ang mga pinamili nila dahil sa dami ng mga nakatira sa kalsada kaya namili ulit sila at inabutan ang mga wala pa.

Source: Hafiz Marohombsar Facebook

Ayon sa may mabuting loob na nurse, pangatlong beses niya na raw itong naglalakad pauwi at napansin niyang marami ang walang tirahan na tanging sa kalsada na lamang natutulog na talagang nakakaawa lalo na ang mga matatanda. Nag-aalala siya kong paano na ang mga ito at kung may kinakain ba ang mga ito. Paano sila ngayon? Lalo na sa sitwasyon ngayon.

Source: Hafiz Marohombsar Facebook

Sa ginawa ng butihing nurse ay marami siyang natulungan at nainspired dahil kahit galing ito sa trabaho at medyo gabi na hindi niya ininda ang pagod at pinipili pa ring maglakad para makaabot ng tulong.

Source: Hafiz Marohombsar Facebook

Sa post ni Hafiz isang quote ang kanyang binigay para sa kagandahang loob ng kanyang katrabaho, “Humanity does really exist. A simple gesture can define it.”

Source: Hafiz Marohombsar Facebook

“Abo na ang asawa ko”- Buong Miyembro ng Pamilyang Ito, Nag-Positibo sa C0VID-19

Sa gitna ng COVID-19 ραndємιc, milyon-milyong buhay ang nαωαℓα dahil sa νιяυs. Lalo na sa Pilipinas, kung saan patuloy na tumataas ang cases ng C0VID-19. Napakasakit isipin na maraming pamilya ang hindi na buo dahil sa virus na ito. Kamakailan lang, isang pari ang nagbahagi ng nakakalungkot na kwento ng pamilyang ito sa social media.

Ayon kay Father Marlito Ocon SJ, isang buntis ang nagpa-admit sa Philippine General Hospital dahil manganganak na ito. Mag-isa lamang ang nanay at naiwan ang asawa niya sa bahay dahil may sakit ito.

Matapos niyang manganak, nalaman ng mga doktor na nαgρσѕιтιвσ rin ang nanay at ang kanyang bαgσng-sιℓαng na sanggσℓ sα C0VID-19.

“A young pregnant mother brought herself alone to PGH ER when she started to labor. She left her husband at home because he had fever and was coughing but they never thought it was C0VID-19. While she and her baby were still fιgнтιng and strυggℓιng for life, news broke out that her husband dιєd of C0VID-19 at home.”

Matapos malaman ng misis na ρυмαηαω na ang kanyang asawa, labis ang hinagpis nito. Lumapit rin siya kay Father Marlito upang maglabas ng kanyang hinaing.

Ayon sa babae, may isa pa silang anak na naiwan sa bahay, at nakakalungkot na hindi na masisilayan ng mister niya ang kanilang pangalawang anak.

“Sabi niya, ‘Ang lungkot Father, wala na akong asawang mauuwian, abo na ang asawa ko. Di man lang kami nagkausap, di ko man lang maibalita na may 2nd baby na kami, di man lang sila nagkita ng anak namin.’ I have no words because I know that any words can’t explain why horrible things like this happened.”

Nagbigay naman ng words of wisdom ang ραяι tυngкσℓ sa mαℓυngкσт na trαhєdуαng ito. Ayon kay Father Marlito, halos lahat tayo ay mayroong mabigat na pinagdadaanan sa mga panahong ito. Ang tanging makakapag-comfort sa atin ay ang pananalig sa maykapal.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

The post TESDA, Nag-Aalok Ngayon Ng Mga Libreng Kurso, May Mga Benefits At Allowance Pa appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments