Upang mas makilala pa siya ng mga fans, nagdesisyon rin si AJ na pasukin ang mundo ng vlogging. Sa kanyang official Youtube channel, nagbabahagi si AJ ng kanyang pang-araw araw na gawain na madalas ay hindi nakikita ng kanyang mga fans. Kamakailan lang, nag-share rin siya ng kanyang bedroom cleaning video.

Sa vlog na ito, ipinakita ni AJ kung paano niya linisin ang kanyang kwarto. Isang linggo pa lamang simula nang i-upload ito ni AJ, ngunit sino nga ba namang mag-aakala na aabot ito ng milyon-milyong views? Sa katunayan, sa ngayon ay mahigit 4.1 million views na ang kanyang vlog.
Sa kabilang banda, hindi naman mapigilan ng mga netizens na ikumpara ang cleaning video ni AJ Raval sa “A day in my life” ni Ivana Alawi.
Katulad ni AJ, agad ring nag-trending ang video ni Ivana, kung saan ipinakita niya ang kanyang daily routine. Sa ngayon ay mahigit 27 million views na ito sa Youtube, at patuloy pa itong nadaragdagan!


Silipin ang mga komento ng fans sa sizzling video na ito ni AJ Raval:
“Buti pa ‘to naglinis lang ng bahay 3million views na in 5days lang. ako hanggang 3rd floor nilinis ko, kunti lang nanood unfair talaga.”
“This vlog inspires me to clean my room and to focus on one angle for 22 minutes lol.”
“Ang sipag mo naman ganda sa lahat ng nandito tara magtulungan tayo para umangat tayo lahat nothing is impossible with god.”


Ano ang masasabi niyo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.
Anak ni Jeric Raval na si AJ Raval, agaw atensyon ngayon matapos ibahagi ang kanyang paglilinis ng kwarto

Cleaning My Room vlog ni AJ Raval humakot ng napakaraming views.
Ang 26 na taong gulang na si AJ Raval o si Elizabeth Buensuceso sa tunay na bu’hay ay ang anak ng action star noong ‘90s na si Jeric Raval.
Si AJ ay ang bagong pantasya ng bayan ngayon.
Ito ay dahil sa angkin niyang kagandahan at ganda ng hubog ng kanyang katawan.
Dagdag pa rito ang napakaamo niyang mukha, tila anghel na bumaba sa langit kung ilarawan ng nakararami.
Ang pagpapaseksi nga sa harap ng kamera ang napiling forte ni AJ nang pumasok siya sa industriya ng showbiz.

Aminado naman ang kanyang ama na si Jeric na hindi talaga siya sang-ayon sa imahe na pinili ng anak.
Ngunit dahil ito ang makakapagpasaya sa kanyang anak ay sinuportahan na lamang niya ito.

At kasunod naman ang pag-gabay niya sa kanyang dalaga.
Sikat na nga ngayon si AJ at marami na siyang taga-hanga na sumusubaybay sa kanya.

At kamakailan ng lamang umabot agad ng halos apat na milyong views ang kanyang latest vlog.
Ito ay ang paglilinis niya ng kwarto niya sa bahay nila sa Pampanga.

Kung tutuusin ay isang simpleng paglilinis lang ang ginawa ni AJ sa kanyang video pero marami pa rin talagang sumubaybay dito.
Habang naglilinis kasi ay kitang kita pa rin ang kaseksihan ni AJ.

Nakasuot lamang siya ng manipis na sando at maigsing short na kitang kita ang hubog ng kanyang katawan.

Napag-alaman din na wala pala siyang suot na panloob sa kanyang video, at ito ang tila pinagtuunan ng pansin ng mga manonood.

Umani naman agad ito ng napakaraming reaksyon mula sa mga netizens.
May ilang nagsabi na na-inspire daw silang maglinis ng kani-kanilang kwarto ng dahil sa videong ito ni AJ.
Panoorin ang kanyang paglilinis dito:
The post Vlog ni AJ Raval na Naglilinis ng Kwarto, Umabot ng 4 Million Views sa Youtube! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments