Looking For Anything Specific?

21-Anyos na Lalaki, Hinangaan ng Marami Dahil sa Pagiging Masipag sa Kabila ng Kanyang Kapansånan!

Lubhang mahiråp ang buhay ngayon at mas lalo pa tayong pinahihiråpan ng pand3mya. Marami sa atin ang talagang naapektuhan at patuloy na naaapektuhan katulad ng mga kababayan natin na nawalan ng trabaho dahil sa pagkalugi ng ilang mga kompanya. Ngunit hindi ito dahilan para tayo ay sumuko bagkus ay lumaban at magpatuloy lamang sa mga hamon na dumadating sa ating buhay.

Ito naman ang pinatunayan ng isang 21-anyos na binata na tubong Sibsib, Tulunan, Cotabato. Nagsusumikap at patuloy na kumakayod upang makaraos sa buhay kahit na siya ay may kapansanan.

Makikita sa larawan na walang siyang mga paa ngunit hindi man nakakalakad ay kinakaya pa din niyang maghanap-buhay. Siya ay kinilalang si Ryan Moralidad na sa kabila ng kanyang kapansanån ay nagagawa pa din niyang magsaka at mag-uling para lamang makatulong sa kanyang pamilya.

 

Marami naman sa mga netizens ang napabilib at talagang humanga kay Ryan. Naging isang inspirasyon siya para sa marami na kahit ano mang pagsubook ang dumating sa ating buhay ay huwag panghihinaan ng loob bagkus ay maging matatag at patuloy lamang sa pagkayod dahil sa bandang huli ay magbubunga din lahat ng ating pinaghirapan.
Para naman sa mga taong puro reklamo ang ginagawa at hindi na lang kumilos ay gawin sana niyong inspirasyon si Ryan na kahit na walang kakayanang makalakad at walang mga paa ay kayang-kaya naman niyang maghanap-buhay.

Panoorin | Isang Matandang Basurero, Dating Licensed Teacher Ngunit Hindi Pinalad na Matanggap sa Trabaho!

Marami ang namangha sa husay ng isang lolo sa pag-iingles ng malalalim at marami din siyang alam na scientific names. Ngunit arami din ang nagulat nang mapag-alaman na si Lolo pala ay dating isang lisensyadong guro at hindi pinalad na makapagtrabaho dahil wala umanong tumanggap sa kanya dahil sa kanyang nakaraan.

Ayon sa ulat, si Lolo ay kinilalang si Alfredo Manuel na nangangalakal ng basura sa Maynila. Mag-isa lamang na namumuhay si Lolo Alfredo.

Sa kabila ng kanyang edad ay matalas pa din ang kanyang memorya sa Science at sa malalalim na salitang ingles. Pagjajanitor umano ang dating ikinabubuhay ni Lolo Alfredo at sinikap niyang makatapos ng kolehiyo at pagiging guro ang kanyang kinuhang kurso.

Matagumpay siyang nakatapos dahil sa sariling sikap ngunit sa kasamaang plaad ay hindi siya natatanggap sa kanyang mga inaapplyan dahil sa kanyang nakaraan. Diumano’y may naka-pending umano siyang kas0ng thëft sa paaralan na dati niyang pinapasukan noong siya ay janitor.

Limang taon umano siyang naghanap ng mapapasukan ngunit lahat ng kanyang inapplyan ay tinatanggihan siya kaya naman kinalaunan ay sumuko na din siya.

Si Lolo Alfredo ay naipasa ang Civil Service Exam at Licensure Exam For Teachers o LET noong 1992. Laking tuwa naman ni Lolo Alfredo ng makatanggap siya ng libro na may mga scientific names. Matagal na umano gustong magkaroon ng ganitong libro si Lolo Alfredo ngunit wala siyang pera pangbili.

Marami sa mga netizens ang lubos na naawå kay Lolo Alfredo dahil hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na mapabunga ang kanyang mga natutunan sa pag-aaral.

Lola, Sinasaktan ng mga apo pag hindi naghahanapbuhay

Nakaramdam ng awa ang isang netizen na si Mailin Buenconsejo Tiong, ng makita nito ang isang matandang babae na nag lalako ng basahan, habang tirik na tirik ang araw nilapitan nito ang matandang babae at tinanong “Nay! bakit ho tanghaling tapat ay nag titinda paho kayo??

Sumagot naman ang matanda saad nito “siya lamang ang inaasahan ng kaniyang mga apo na kumayod sa araw-araw, dahil kung hindi ay sasaktan siya ng mga ito.” pansin rin ni Mailin na may mga sugat ito sa binti at pansin rin nito ang baling kamay nito. inusisa pa niya ang matanda kung ang kaniyang mga galos at pasa ay galing sa kamay ng kaniyang mga apo.

Saad naman ng matanda “Oo kasi minsan mahina na ako kaya nila ako napagbubuhatan ng kamay”, naawa naman ang netizen sa katayuan ng matanda kaya kahit sa maliit na paraan ay binili nito ang kaniyang tindang mga basahan, kinunan niya ito ng larawan upang humingi ng tulong mula sa kinauukulan upang matulungan ang matandang babae, Habang papalayo ang matanda upang magtinda pa ng natirang basahan ay batid sa mukha nito ang pagod at hirap sa paglalakad dahil sa kaniyang edad ay pinipilit nalamang nito ang kumayod sa araw-araw.

The post 21-Anyos na Lalaki, Hinangaan ng Marami Dahil sa Pagiging Masipag sa Kabila ng Kanyang Kapansånan! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments