Looking For Anything Specific?

Alma Moreno, ipinaTulfo, umupa sa ng Condo ngunit di nagbayad, utang sa kuryente inabot ng 40k

 

Inireklamo sa programang ‘Wanted sa Radyo’ ni Raffy Tulfo ang aktres na si Alma Moreno.

Isang kababayan nating matagal nang nagtatrabaho-naninirahan sa Dubai ang nagsumbong kay Raffy Tulfo sa kanyang programa. Ang inirereklamo ng babae ay si Alma Moreno.

Ayon sa sumbong ng babae sa Wanted sa Radyo, inupahan daw ng aktres ang kanyang condo unit nang ilang buwan.

Kulang na nga raw sa bayad nang alisan ni Alma ay nag-iwan pa ito ng unpaid electric bills. Binalahura pa umano ni Alma ang unit na iniwang napakadumi.

Panay raw ang text at tawag ng complainant kay Alma pero hindi raw ito sumasagot. Okey lang daw na huwag nang bayaran ni Alma ang balanse sa upa, basta i-settle na lang daw nito ang mga bayarin sa kuryente.

Tinangka ng staff ni Raffy na hingan si Alma ng kanyang panig, pero tumanggi raw ito. Ang demand ni Alma: gusto niyang off-air makausap si Raffy. Pinaninindigan din ni Alma na wala siyang kasalanan.

Kwento ni Theresa, hindi niya talaga pinauupahan ang kanyang unit. Subalit bilang nagtatrabaho ang kanyang kapatid kay Moreno, pinagbigyan niya ito lalo na at isang buwan lamang ang naging usapan nila.

Nagbigay din umano ng paunang bayad si Moreno kaya naman walang naging problema sa umpisa. Hanggang sa napag-alaman ni Theresa na umabot pa ng limang buwan sina Moreno sa kanyang unit.

Ang masaklap, hindi rin nito nabayaran ang bill sa kuryente na pumalo na sa mahigit Php40,000. Putol na rin maging ang koneksyon sa tubig ng unit.

Makailang beses na rin daw sinubukan ni Theresa na makipag-usap at makipag-intindihan kay Moreno subalit hindi raw ito nakikipag-usap sa kanya.

 

Marami tuloy ang namba-bash kay Alma na naniniwalang tumatalikod lang daw ito sa kanyang pananagutan.

Francis Leo Martinez, sinasabing may utang daw sa kanya di umano na bilyong piso si Sen. Manny

A self-proclaimed close friend of Francis Leo Marcos (FLM) revealed what the internet celebrity was allegedly spreading to his supporters.

At a press conference, Mary Ann Faustino or better known by her nickname “Nanay Mary Ann” revealed what FLM was allegedly saying to impress his supporters.

According to Faustino, FLM has already mentioned the names of President Rodrigo Duterte, Davao City Mayor Inday Sara Duterte and Senator Manny Pacquiao to his supporters.

Faustino’s story is that FLM used to call Inday Sara a “trapo”.

Senator Pacquiao also allegedly owes FLM billion pesos.

“Senator Manny Pacquiao sir, Mr. Senator, sana po magsalita kayo at ma clear ang pangalan niyo dahil ipinagkakalat po sa socmed ni Norman Mangusin a.k.a FLM na may utang daw po kayong 1.7-B,” ani Faustino.

“Magsalita po kayo sir para malaman ng sambayanang Pilipino dahil malaki po itong kasiraan sa inyong pangalan,” dagdag niya pa.

Faustino is ready to present evidence to prove what he is saying.

Senator Pacquiao’s camp has not yet issued a statement on Faustino’s remarks.

Faustino added that FLM’s money is no longer being used in his “Mayaman challenge” but the remittances of OFWs for him.

It will be recalled that FLM is now in jail due to the multi-layered cases he faces, including his alleged name change and the fraud of those who want to become OFWs.

“Pautang Mare” Ninang, sinupalpal ang kumareng mahilig mangutang at hindi marunong magbayad

Tila toto nga talaga ang kasabihang, “sa pera mo makikilala ang tunay na ugali ng isang tao.”

Maraming relasyon na ang nasira ng dahil lamang sa usapang pera. Hindi na rin mabilang ang mga pagkakaibigan na tuluyang nawasak dahil sa hindi pagkakaintindihan tungkol dito.

At karamihan nga ng mga nasirang pagkakaibigan ay ang mga mag-kumare.

Tapos na ang Pasko, subalit patuloy pa rin ang paglalabasan ng mga hinanakit ng ilang mga ninong at ninang sa pagiging labis na demanding ng kanilang mga kumare o kumpare hinggil sa pagbibigay ng regalo sa kanilang mga anak.

May ilan na gusto ay branded ang ibigay na gamit, mamahaling cellphone o di kaya ay mahal na gadget.

Ang iba naman ay pinapasagot ng malaking halaga para sa kaarawan ng kanilang mga inaanak.

Naglipana na nga sa social media ang mga ganitong kwento na kung tawagin na nga ay “ninang serye”

At kamakailan nga ay isang kwento nanaman tungkol dito ang nagviral online.

Sa post sa Facebook ng netizen na si Franchezca Khyl, inilahad niya ang pagkadismaya sa kanyang kumare.

Sa mga screenshot ng kanilang paguusap, nangungutang ng limang libo ang kanyang kumare.

Upang pangpa-check up daw diumano ng kanyang inaanak at pangbili ng cellphone nito.

Sunod sunod naman ang mensaheng ipinadala ng kumare ni Franchezca.

At kahit wala pa siyang sagot dito ay nagdesisyon na itong puntahan agad siya.

Sa gulat niya ay naisagot na lang ni Franchezca na titignan muna niya kung may matitira pa siyang pera.

Ngunit bigla na lang nagalit si kumare at sinabing lagi na lang niyang inuuna ang kanyang anak.

Hanggang sa nagkasumabatan na ang dalawa tungkol sa pagkuha bilang ninang at sa mga dati pang utang.

Marming netizens naman ang natawa sa eksenang ito na tila mas matapang pa daw ang nagungutang.

The post Alma Moreno, ipinaTulfo, umupa sa ng Condo ngunit di nagbayad, utang sa kuryente inabot ng 40k appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments