Ang haba ng hair ng komedyante at vlogger na si Chad Kinis.
Pagdating sa pag-ibig hindi mapipili kung sino ang magpapatibok ng iyong puso.
Love has no gender ika nga, at iyan ang pinatunayan ni Chad Kinis at Nikko Alano Chua.
Usap usapan ngayon ang isang napakahabang post ni Nikko bilang pasasalamat kay Chad.
At pagpapaalala na lagi siyang nasa likod nito kahit ano pa man ang mangyari.
“I wanted to address this post to my one and only,” panimula ni Nikko na agad namang kinakiligan ng marami.
Sa pagpapatuloy ng kanyang post, inilahad ni Nikko na sana ay nasa tabi siya ni Chad ngayon.
Upang mapawi umano niya ang pagod ng komedyante dahil sa trabaho nito.
Inilahad din ni Nikko na sasamahan niya si Chad na labanan ang anumang pagsubok na darating sa kanila.
Kahit may oras umanong nagkakaroon sila ng hindi pagkakainitindihan ay pinangako niyang mas lalawakan pa niya ang kanyang isip.
Dagdag pa nito, alam niya umano na bilang isang kilalang tao si Chad ay makakaapekto ang pag-amin niya sa kanilang relasyon.
Dahil hindi umano maiiwasan na may mga bashers na sisira sa kung ano mang meron sila.
Mababato sila ng negativities pero pinangako ni Nikko na sasalubungin naman nila ito ng positivities.
At yun ay ang pagmamahalan nilang dalawa.
“No one could ever destroy us,” saad pa ni Nikko.
Lalo na’t nasa sentro daw ng kanilang pagmamahalan ang Panginoon.
Hulog daw ng langit si Chad para sa kanya at nais niya itong pasiyahin sa abot ng kanyang makakaya.
Kalakip ng kanyang mahabang mensahe ay ang litrato nila ni Chad sa masasayang bonding nila.
Kaya naman agad itong kinakiligan ng maraming netizens.
Pati na rin ni Ogie Diaz na nagsabing ang haba daw ng hair nitong si Chad.
Well, love wins, Congrats!
The post Bagong boyfriend ng komedyanteng si Chad Kinis proud na ibinahagi ang kanilang relasyon sa publiko appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments