Looking For Anything Specific?

Dalawang batang lalaki itinuturing na “Young Heroes” matapos lumangoy ng mahigit 2-oras para makahingi ng saklolo

Itinuturing na bayani ngayon ang dalaaang batang lalaki matapos itong lumangoy ng mahigit dalawang oras para lamang masagip ang kanilang kapamilya na nasiraan ng bangka sa gitna ng dagat.

Ayon sa ulat, ika-7 ng Mayo mga ala una ng hapon, Pauwi na daw sana ng Balut Island sa Munisipyo ng Sarangabi, Davao Occidental ang mga pasahero ng isang bangka ng biglang masira ang makina nito.

Ang lokasyon ng bangka ay nasa Sarangani Strait at malayong malayo pa ito sa dalampasigan nang mga panahong ito ay masiraan.

At para makahingi ng tulong, Matapang na lumangoy ang mga batang sina Pelindo Engking at Jerick Mabuka, may edad na 14 at 15.

Nilangoy nila mula sa gitna ng dagat hanggang makarating sa dalampasigan ng Barangay Konel. Wala daw lifejacket ang bangka at tanging mga sirang piraso ng ice box lang ang naging alalay nila sa paglangoy.

Nang makarating ang dalawang binata sa dalampasigan ay may agad na tumulong sa kanila ng isang pamilya, sila ay pinatuloy muna pinakain at pinainom ng gatas.

Sa tulong ng naturang pamilya ay Unti-unting nadala ng ligtas sa dalampasigan ang mga naiwang pasaherona nagpalutang-lutang sa gitna ng dagat ng ilang oras.

Tinatayang siyam ang lahat ng sakay ng bangka at ang iba rito ay mga senior citizens.

Dahil sa ginawa ng dalawang batang ito, labis ang pasasalamat at papuri sa kanila binansagan nga sila ngayon na “Young Heroes”.

Isa na sa mga humahanga at nagpapasalamat sa dalawang bata ay ang kanilang kamag-anak na si Aphro Dite na nagpost kung gaano siya ka proud sa dalawa.

” Maka-proud kayo, boys. Sila ang nagligtas sa kanilang mga kasamahan at kung hindi dahil sa kanilang dalawa hindi na sila makikita pa.

Nilangoy nila mula sa kalagitnaan ng Balangonan at Balut papunta sa Barangay Konel para makahingi ng tulong. Dalawang oras silang naglangoy gamit ang ice case na kanilang hawak.” -Aphro Dite.

Samantala, tunay na kahanga-hanga ang ginawa ng dalawang bata dahil hindi biro ang lumangoy ng walang humpay sa loob ng dalaaang oras.

Bukod sa lamig na lamig kana ay kailangan mo pang labanan ang malalakas na alon kumpara sa paglangoy sa swimming pool.

Kaya naman masasabing kakaibang lakas din ang angkin ng dalawa para makayanan nila ito.

At dahil sa pangyayari, para daw maiwasan muli ang insidente ay hiningi ng mga tagaroon na sana daw ay maglagay na ng mga nakahandang life jacket sa mga maliliit na pump boat operators sa kanilang mga bangka. Para masiguro ang kaligtasan ng mga pasahero.

Post a Comment

0 Comments