Looking For Anything Specific?

Ellen Adarna, nagbigay ng reaksyon matapos i-post ni Derek Ramsay ang kanyang larawan na natutulog na nakanganga

Simula ng aminin nina Derek at Ellen sa publiko ang kanilang relasyon ay marami na ang sumubaybay sa kanila.

Lagi din nagbibigay ng update ang magkasintahan sa mga activities nila sa araw araw na magkasama sila.

Nakaraan nga lamang ay magkasama sa isang beach getaway ang engaged couple kasama ang anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz na si Elias Modesto.

Sa mga ibinahaging larawan ni Derek, kitang-kita ang pagmamahalan nila habang naglambingan sa tabing-dagat.

Makatapos naman nito ay nagviral din kamakailan ang kanilang kissing photo.

Unang ibinahagi ng celebrity couple ang kanilang “flexibility” pagdating sa pagwo-workout sa pamamagitan ng tinatawag na “elaborate kissing-while-doing-yoga” pose.

Dito makikita ang pagyo-yoga ng dalawa sabay halikan gamit ang iba’t ibang posisyon.

At mukhang kinakarir na nga nina Ellen at Derek ang ganitong klase ng workout kung saan napagsasama nila ang romance at fitness goals.

Bagamat may mga humanga sa acrobatic post ng dalawa, ilan naman ang nagsabi na tila “offensive” ito.

Ngunit hindi ito alintana ng magkasintahan, ine-enjoy lang nila ang kanilang relasyon. At patuloy lang sila sa pagpapakilig sa isa’t-isa.

At kamakailan nga lang, viral na naman ang naging reaksyon ni Ellen sa litratong ipinost ni Derek tungkol sa kanya.

Nagpost kasi si Derek ng litrato ni Ellen na nakanganga habang napakahimbing ng tulog.

Saad ng aktor sa kanyang caption, “You  know you really love someone when you don’t freak out when you wake up to this in the morning!”

Agad namang nagkomento si Ellen sa post ng kasintahan, “Kaya pa’tay na pa’tay ka sakin eh,” say ni Ellen.

Kinagiliwan naman ito ng kanilang mga fans, marami din ang nagsabi na napakaganda pa din ni Ellen kahit tulog lang ito.

Magkasintahang Ellen Adarna at Derek Ramsay, muling kinakiligan ng marami dahil sa kanilang couple yoga pose

Nagbigay kilig nanamang muli ang pinakabagong larawan nina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Nitong mga nagdaang buwan ay naging laman ng iba’t-ibang balita at artikulo sina Derek Ramsay at Ellen Adarna.

Kamakailan nga lamang ay ginulat nila ang lahat sa biglaang marriage proposal ni Derek kay Ellen.

Dahil halos dalawang buwan pa lamang ang kanilang relasyon ng mangyari ang pagpo-propose ni Derek kay Ellen.

Si Ellen ang unang nag-post sa kanyang Instagram page ng mga larawan na kuha mula sa proposal na naganap na sinundan naman ni Derek.

Makikita sa larawan ang diamond engagement ring ni Ellen, ang nakasulat sa wall na “will you marry me?” proposal ni Derek, ang emosyonal na pagtanggap ng aktres ng proposal at ang masayang pagya­yakapan ng dalawa after.

At magmula nga noon ay laging nagbibigay ng kilig ang dalawa sa mga fans and followers nila.

Hindi alintana ng magkasintahan ang mga bashers sa kanilang paligid na hindi matanggap ang kanilang relasyon.

Nakaraan nga ay pinabulaanan ni Derek ang isyu na recycled daw diumano ang engagement ring na ibinigay niya kay Ellen.

At makatapos nga nito ay dedma nang muli ang dalawa sa mga batikos.

At kamakailan lang ay nagbahagi si Derek ng litrato nila ni Ellen kung saan makikita ang kakaiba nilang posisyon.

Ito ay habang sila ay nag-yoyoga, at makikitang sobrang flexible ng katawan ni Ellen upang maabot ang mga labi ni Derek.

Sa caption naman ng post ni Derek ay pinasalamatan niya ang nobya.

“Thank you for making me laugh and smile during tough times!” saad ni Derek.

Ito ay kasunod lamang ng pagdadalamhati ng aktor dahil sa pagkawala ng kanyang pinakamamahal na alagang aso.

Nirepost naman ito ni Ellen at sinabing, “You’re lucky I’m naturally flexible.” 

The post Ellen Adarna, nagbigay ng reaksyon matapos i-post ni Derek Ramsay ang kanyang larawan na natutulog na nakanganga appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments