Looking For Anything Specific?

Ina ni Heart, sa kauna unahang pagkakataon, ibinahagi ang naging malaking hidwaan sa pagitan nila ni Chiz Escudero na asawa ngayon ng kanyang anak

Maayos na rin pala ang lahat sa pagitan ng ina ni Heart Evangelista at asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero.

Pinatunayan ni  Heart Evangelista na super okay na ang relasyon ng inang si Cecile Ongpauco sa kanyang mister.

 

Ito’y matapos ang ilang taon ding pagtutol ng mga magulang ni Heart sa pakikipagrelasyon at pagpapakasal niya sa politiko.

 

 

Sa latest vlog ng Kapuso star sa kanyang YouTube channel, nakasama niya ang inang si Cecille pati na rin si Chiz at kapatid na si Camille.

Kung matatandaan, noong 2013 ay gusto ng mga magulang ni Heart na layuan na ni Chiz ang kanilang anak.

Itinuturo noon ni Cecile si Chiz na siyang dahilan ng paglayo ni Heart sa mga magulang nito.

Pakiramdam din ni Cecile ay minamanipula lang ni Chiz ang mga pagtatanggol ni Heart noon sa nobyo.

 

Ngunit sa kanyang vlog nakaraan ay tinawanan na lamang ito ng ina ni Heart.

Sa nasabing vlog, inalala ng mag-ina ang naging tampuhan at samaan nila ng loob nang dahil kay Chiz.

Talagang plano na raw nilang sampahan ng kung anu-anong reklamo ang politiko noon ngunit hindi na nila ginawa dahil sa pagmamahal na rin nila sa anak.

Sabi ng nanay ni Heart, feeling nila ay talagang inilayo ni Chiz sa kanila ang aktres.

At minamanipula lang nito ang pagdepensa sa kanya ni Heart kapag nagpapa-interview sa media.

Hirit ni Heart sa unang paglabas ng ina sa kanyang vlog, “The last time that people saw you on YouTube it was pretty awkward because it was your horrible interview.”

Sagot sa kanya ni Cecile, “That was a nightmare.” Na sinang-ayunan naman ng aktres.

Hinigian naman ni Chiz ng marriage advice ang ina ni Heart. At sinabi nito na lagi lang niyang sunding ang kanyang asawa.

Panoorin dito ang kanilang video:

Heart Evangelista, taos pusong tinanggap ang kambal na anak ni Chiz Escudero

Proud stepmom ang Kapuso actress na si Heart Evangelista.

Akala lamang natin ay puro glitz at glamour ang aktres na si Heart Evangelista.

Subalit hindi alam ng karamihan ang kaniyang hirap na pinagdaanan.

Bukod sa napakahirap ng sitwasyo nila noon ng asawang si Chiz Escudero sapagkat naging tutol ang mga magulang ni Heart sa kanilang relasyon, naranasan din ng aktres ang hirap sa pagiging isang step mother sa kambal na anak ni Chiz Escudero sa kaniyang unang asawa.

Sa kaniyang Youtube vlog ay aminado ang aktres na noon ay nahihirapan siyang mag-adjust

Dahil marami siyang gustong gawin kasama ang asawa mula ng sila ay ikasal.

Subalit hindi niya ito pwedeng gawin sapagkat kasama nila sa kanilang bahay ang dalawang anak ni Chiz.

Sabi ni Heart, “In the beginning, I must admit that it was very, very hard for me to adjust because I’m the youngest of my siblings. And again, I never really had total freedom in my life. And then finally, when I was married, I had all the freedom.

“But then, you know, I couldn’t make out with my husband anywhere in the house because we have kids. And that was really, really hard for me. I mean, making out was not the hard part, I’m just sa­ying that the set-up was such an adjustment because I really had to mature and I wasn’t thinking my age. I was so much more immature during those times. So it was really hard for me, I would cry.”

Katagalan, minahal niya ang twins at itinuring na kanyang mga anak. Ngayon, masaya na si Heart na maging ina nina Quino at Chesi.

2012 noong nag-umpisa ang pagmamahalan ni Heart at Chiz at ikinasal sila noon 2015 sa Balesin Island, Polilo Quezon.

The post Ina ni Heart, sa kauna unahang pagkakataon, ibinahagi ang naging malaking hidwaan sa pagitan nila ni Chiz Escudero na asawa ngayon ng kanyang anak appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments