Looking For Anything Specific?

Isang bata ang natagpuang gumagapang sa ‘gitna nang kalsada’, mga nakakita na-alarma kung saan ito galing

Naging viral sa social media ang isang post ng teacher sa thailand kung saan isang bata ang natagpuang gumagapang sa gitna mismo ng isang kalsda. Kinilala ang nagpost na si Kittithorn Jadaeng, na papunta sana siya sa isang examination sa Banmai Klong-angwa School sa Bain Rai district nang may nakita siyang isang batang gumagapang sa gitna ng kalsada sa Uthai Thani.

“The baby was almost in the middle of the road and if a car had been speeding past that spot while the baby was there, I don’t want to imagine what would have happened,” sabi pa niya.

Kaya naman agad niya itong kinuhanan ng litrato, matapos maiuwi ang bata sa bahay. Napag-alaman na wala pala ang kanyang ina dahil lumabas kasi may bibilhin at ang kanyang ama naman ay nakatulog kaya si baby nakalabas ng bahay. At salamat sa Panginoon dahil wala namang nangyari sa bata.

Pero, idiniin ni Kittithorn na ang kanyang pagkuha ng litrato ay wala siyang intensyon para magpasikat ginawa lang niyang kuhanan para hindi na maulit ang ganitong pangyayari.

Alam naman nating lahat na ang mga baby ay dapat talagang binabantayan kasi nga hindi natin alam kung ano ang mangyayari nila kapag sila ay nakalabas sa bahay. Kaya laging ingatan.

Narito ang mga naging komento ng iba’t-ibang netizen:

“Naboring sa bahay gusto mamasyal,” sabi pa ni Casa A.

“DAPAT NILAGAY SA CRIB PARA DI MAKA GAPANG SA KALSADA,” sabi pa ni Mark D.

“MAY GOD buti ksmo di napaano si baby,” sabi pa ni Glydel B.

“Kawawa naman ang layo ginapang niya,” sabi pa ni Mary D.

“Bantayan po palagi ang mga bata,” sabi pa ni Serena H.

Ano po ang masasabi niyo dito? Ibahagi ang iyong reaksyon sa pamamagitan nang pagkomento sa ibaba at huwag kalimutan na ibahagi ang post na ito sa social media!

Mag-Asawang Busy sa Kaka-Cellphone, Hindi Namalayang Ito na Pala ang Nangyari sa Anak Nila!

Sa panahon ngayon, hindi maitatangging marami na ang nahuhumaling sa cellphone. Mapa-bata man o matanda, karamihan sa atin ay ilang oras ang ginugugol sa social media o di kaya naman ay sa online gaming. Kadalasan, may mga magulang rin na hindi na napagtutuunan ng pansin ang kanilang mga anak dahil babad na babad sila sa cellphone.

Ngunit alam niyo ba na maaaring magdulot ito ng masamang epekto sa inyong anak? Kapag laging distracted ang nanay o tatay sa cellphone, mawawala ang atensyon nila sa kanilang anak.

Dahil dito, maaaring malagay sa mapanganib na sitwasyon ang bata, lalo na kung nasa murang edad pa lamang ito at kailangan ng patnubay.

Ganito ang nais iparating na mensahe ng magkapatid na ito. Viral ngayon sa social media ang video na ito, kung saan makikitang distracted sa kani-kanilang cellphone ang nanay at tatay. Nakaisip naman ng paraan ang dalawang magkapatid na lalaki na ito para kunin ang atensyon ng kanilang mama at papa.

Humiga sa gitna ng kwarto ang nakababatang kapatid, ngunit tila hindi pa rin siya napapansin ng kanyang mga magulang na busy sa kaka-cellphone.

Maya’t-maya pa, tinabunan siya ng kumot ng kanyang kuya. Marahil inakala ng nanay at tatay na naglalaro lamang ang dalawa, kaya’t hindi muna nila ito pinagtuunan ng pansin.

Ngunit ilang sandali ang nakalipas at tila ba lumulutang ang nakababatang kapatid sa ilalim ng kumot! Agad itong napansin ng tatay at tumayo ito upang silipin ang bata. Ngunit laking gulat nito nang makita na nagpu-push up lamang pala ang kanyang anak, kaya mukhang lumulutang ito.

Kahit walang seryosong panganib ang nangyari sa magkapatid, nawa’y magsilbing aral ito sa mga magulang. Wag na nating hintayin pa na malagay sa peligro ang ating mga anak bago natin sila pagtuunan ng atensyon.

Panoorin ang buong video dito:


Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita o viral na kwento, wag mag atubiling mag like o mag follow sa aming Facebook page.

Mga Policewoman, nagpapasuso na 5-buwan na sanggol na iniwan ng mga magulang para magtrabaho

Sa init at pag-aalaga, isang babaeng pulis ang kusang nagpapasuso sa isang limang buwan na sanggol na babae mula sa Likod Pader, Barangay Old Capitol Site, Quezon City noong Miyerkules (Mayo 26).

Sa isang post sa Facebook ng QCPD Anonas, kinilala ang babaeng pulis na si PLT Jean C Aguada, Chief, SCADS sa pamumuno ni PLTCOL Imelda M. Reyes.

Naiwang mag-isa ang sanggol dahil kapwa ang kanyang magulang ay kailangang magtrabaho upang mabigyan ang kanilang pang-araw-araw na gastos.

Maliban sa pagpapasuso, binigyan din ni Aguada at ng kanyang koponan ang sanggol ng damit na malinis, maliligo, at damit na maisusuot.

Dahil sa likas na ugali ng ina ni Aguada, nakakakuha siya ngayon ng mga papuri hindi lamang sa kanyang mga kasamahan kundi pati na rin sa libu-libong netizens.

“I salute you madam, naramdaman mo ang feeling ng isang nanay na iniwan basta yung baby niya,” one netizen said.

“Salute you ma’am! You’ll have my full respeto hanggang sa pagretiro ko. Maging good example ka po sa ating pag-ayos and God bless you ma’am,” said another netizen na tila isang pulis.

The post Isang bata ang natagpuang gumagapang sa ‘gitna nang kalsada’, mga nakakita na-alarma kung saan ito galing appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments