Looking For Anything Specific?

Isang Hindi Kilalang Babae, Pinakain Ang Mag-amang Gutom Na Gutom Na Sa Jollibee

Talaga nga namang nagbibigay ng inspirasyon at pag-asa sa atin ang ating mga kababayan na pinipili pa din na maging mabuti at magbigay ng tulong para sa mga kapwang nangangailangan sa kabila ng mga pagsubok at problema na kinakaharap natin ngayon.

Katulad na lamang ng kabutihang ginawa ng babae na ito matapos ilibre ng makakain ang mag-amang pulubi na gutom na gutom.

Ayon sa post ng netizen na si Alexiefe Sulit Cataquiz, nakita umano ng babae ang mag-ama na namamalimos sa labas ng Jollibee kaya naman walang pag aalinlangan niyang pinapasok ang dalawa sa naturang fast food restaurant at ilibre sila ng makakain.

 

Dagdag pa ni Alexiefe, marami umano ang umiwas sa mag-ama dahil sa kanilang hitsura ngunit ang babae ay hindi nagdalawang isip na tulungan sila.

Ang mag-ama ay gutom na gutom na din daw dahil malayo pa ang kanilang pinanggalingan. Naglalakad lamang sila dahil wala silang sapat na pera para mamasahe pa.

 

Bukod sa pagkain na ibinigay ng babae sa mag-ama, binigyan niya din ang mga ito ng kaunting pera upang sila ay mabilis ng makarating sa kung saan man sila pupunta.

Lubos naman ang pasasalamat ng matandang lalaki para sa babae dahil sa kabutihan at pagmamalasakit na ipinakita nito sa kanila kahit pa man ganoon ang kanilang hitsura.

Narito ang kabuuang post:

“Guys.. pasikatin natin itong babae..

“Sya po yung tumulong sa mag-ama na nagugutom, may nakita syang namamalimos sa labas ng Jollibee, yung iba umiiwas, yung iba naman pinagtatabuyan sila dahil sa itsura nila, gutom na gutom daw po itong mag-ama dahil malayo pa ang pinanggalingan nila naglakad lang sila dahil walang pamasahe, pero itong si ate naawa kaya pinapasok nya sa Jollibee, inorderan ng pagkain, inasikaso at binigyan pa ng konting pera pamasahe, labis ang pasasalamat ni tatay kay ate dahil sa pagmamalasakit at kabutihang ginawa sa kanila.. Kung sino man po itong ginang na ito, saludo kami sa’yo! nawa’y pagpalain ka ng Poong may Kapal.. thumbs up”

 

Samantala, marami naman sa mga netizens ang humanga sa ginawa ng hindi pa nakikilalang babae na hindi man lang nagdalawang isip na tulungan ang mag-ama.

Jollibee Service Crew, Kinamanghaan ng mga Netizens Matapos na Gawin Ito sa Isang Matandang May Kαραnѕαnαn!

Marami sa atin ang may pinagdadaanan sa buhay ngunit mahiråp man ay nananatili pa rin ang mga Pinoy na magpatuloy at maging positibo sa buhay. Sa araw-araw na ipinagkaloob ng Diyos sa atin ay marami pa rin ang may mabubuti ang kalooban. Isa na rito ang Jollibee Service Crew na naaktuhang tumutul0ng sa isang matandang ℓαℓαкι nα мαy kαραnѕαnαn.

Pauwi na ng mga oras na iyon ang service crew nang makita niya ang lalaking may кαραnѕαnån na tila gut0m na gut0m na at mukhang kulang din ang kanyang pera para makabili ng pagkain.

Dahil dito, inabonohan na lamang ng service crew ang pagkain ng lalaki. hiråp na rin itong sumubo kaya naman tinulungan pa siya ng service crew na makakain.

Marami ang lubhang namangha sa ginawa ng service crew. tunay nangng lamang ang kabutihan ng mga Pinoy. Saludo kami sa’yo kuya!

Narito naman ang ilang komento sa naturang post:

“Sana lahat tayo maging mabait at matulungin sa ating kapwa upang tayo ay kalugdan ng DIYOS higit pa sa ating naiitulong ang ipagkakaloob niya sa atin”

“Sana lahat ng jolibee crew ganyan…god bless always guapo”

Isang amang sumama ang pakiramdam dahil sa pagod sa paglalako ng paninda habang karga-karga ang kanyang anak, tinulungan ng mga taong nakakita sa kanila

Sa panahon ngayon mas marami na ang naghihirap dahil sa kakulangan ng mga trabaho sa ating bansa, ang mga nasa laylayan ay mas dumoble ang hirap at kailangan pang doblehin ang pagsisikap at pagtitiyaga upang makapagkayod at mapakain ang kanilang pamilya.

Tulad ng isang amang halos pinagsabay ang paglalako ng kanyang paninda at ang pag-alaga sa kanyang anak na buhat buhat niya habang naglalako. Sa pagod at hirap ng amang ito at sinabayan na rin siguro ng gutom ay bigla itong napaupo at nahimatay habang kalung-kalong pa rin ang kanyang anak, mabuti at sa nangyaring iyon ay maraming nakapansin at nakakita kaya agad na natulungan ang ama ng mga may mabubuting pusong nagmalasakit na alalayan at bigyan ng gamot ang amang hirap na hirap na, may mga nag-abot rin ng pagkain para sa mag-ama.

Nagviral ang kwento at umani ng ibat-ibang reaksyon, ngunit ang naging sentro ng lahat ay ang kaawa-awang ama na nagpapakahirap magtrabaho para mabuhay lang ang kanyang asawang may sakit at ang kaawa-awa nilang anak na sinisikap niyang alagaan habang nagtatrabaho.

Ang ilan sa mga detalye tungkol sa mag-amang ito ay dahil sa post ng Hanep TV, marami rin ang humihiling na sana’y maraming magpaabot ng tulong sa pamilya nila upang mapagaan ang kanilang buhay at maipagamot ang asawa nito.

Saludo ang marami sa pinakitang katatagan ng amang patuloy na ginagapang sa hirap ang pamilya kahit na siya na lang ang gumagalaw para sa kanilang pang araw-araw. Hindi niya naisipang iwan ang anak at asawa nito bagkus patuloy niya pa itong inaalagaan at iyan ang pagiging isang ama at asawa, sa hirap at ginhawa ay patuloy na nagsasama.

The post Isang Hindi Kilalang Babae, Pinakain Ang Mag-amang Gutom Na Gutom Na Sa Jollibee appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments