Looking For Anything Specific?

Isang Lola na Naninirahan sa Kanyang Munting Tahanan Kahit Walang Kuryente, Nakitang Nagbabasa ng Bibliya.

Isang larawan ang lubos na nagpaantig sa pus0 ng mga netizens. Sa larawan ay makikita ang isang lola na nakatayo habang nagbabasa ng bibiliya. Sa panahon natin ngayon na marami na ang nangyayaring hindi maganda sa mundo katulad ng kinahaharap na pr0blema ng ating bansa ng C0VID-19 Pand3mic, ay kinakailangan natin na tumawag sa Diyos.

Sa pang araw-araw na nilikha ng Diyos ay nararapat lamang na atin Siyang pasalamatan. Katulad ni Lola na nakatira sa kanyang munting bahay na walang kuryente, ay hindi siya nakakalimot na tumawag sa Diyos.

Sa post na ibinahagi ng KDrama International sa kanilang facebook page, ay marami ang naatig sa larawan ng isang lola na nagbabasa ng bibliya. Sa panahon ngayon, aminin man natin o hindi ay kakaunti na lamang ang nagbabasa ng banal na aklat. Kung minsan pa ang ilan sa ating ay nakakalimot ng magdasal.

Ayon sa ilang netizens na nagkomento sa naturang post, maituturin na mayaman si Lola na kahit salat sa buhay ay hindi siya nakakalimot na magdasal at magbasa ng bibliya.

Narito ang naturang post:

“Nadaanan lang namin si nanay nagbasa nang bible sa labas nang kanilang munting bahay.Wala daw po silang kuryente. GOD BLESS po, “
Narito naman ang ilang komento:

“Napakapalad ng nanay na ito natagpuan niya ang isang kayamanan sa kabila ng kanyang kahirÃ¥pan”

“God is good all the time Kung titingnan natin mahirÃ¥p ang kalagayan pero mas mayaman Yan sa atin sa paglilinkod sa Dios”

“More blessings Lola khit sandali na Lang kayo ilalagi ninyo dito sa Mundo na pinahahalagahan mo Ang bibliya.. liligaya ka rin sa piling NG Diyos pagdating NG tmang pnhon.. Sana maraming tumulong sau. In Jesus name. Amen”

90-Anyos na Lola, Umaasa Lamang sa mga Pagkain na Napupulot sa Daan Para Maitawid ang Pang Araw-araw na Buhay!

Mabilis na kumakalat sa social media ang mga balita at mga kaganapan sa loob at labas ng ating bansa. Nababalitaan din natin ang ilan sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong. Kaya naman, sa tulong ng social media o internet ay mas napapagaan ang paghahanap at pagbibigay sa mga taong nangangailangan ng tulong at iba pa.

Marami na tayong nakikita sa social media na nakakalungkot na pangyayari gaya ng matatanda na lubhang nakakaawa. Isa na rito ang 90-anyos na lola na kinilalang si Lola Lucin. Ayon sa concerned netizen na si Jun Butac, nakatira umano si Lola Lucin sa Maanteng Solsona, Ilocos Norte.
Ibinahagi ni Jun ang nasaksihan na sitwasyon ni Lola Lucin. Naantig at nag-alala si Jun kay Lola Lucin kaya inupload nito ang ilang larawan ni Lola Lucin sa social media at nagbakasali na may mag-abot  ng tulong kay Lola.

Sinabi niya sa kanyang post na sa likod ng larawan ni Lola Lucin ay talagang hirap ito sa buhay na dahilan kung bakit namumulot na lamang siya ng kanyang makakain o ‘sinaklob’ ang kanyang ulam at pinagkakasya na lamang niya sa buong araw at tinitipid na lang niya ito.
Mag-isa na lang din sa buhay si Lola Lucin kaya naman sa kabila ng kanyang edad ay wala siyang ibang pagpipilian kundi magtiis na humanap ng paraan upang makakain at makaraos sa pang araw-araw.

Dahil sa social media ay mabilis naman na nabalitaan to ng ilang mga tao na handang tumulong kay Lola Lucin. Isang Ma’am Rona umano ang nagpatulong na matunton si Lola Lucin upang magbigay ng tulong dito.
Lubhang nakakalungkot ang sitwasyon ni Lola Lucin. Kaya naman, nang may mag-abot sa kanya ng tulong ay napangiti naman si Lola Lucin. Isang biyaya na sa kanya ang may magbigay ng tulong.

Mag-isang 90-year-old lola na tinitipid ang kakarampot na ulam ng ilang araw para makaraos sa kagutuman, inulan ng biyaya

Viral ngayon sa social media ang isang 90 years old na lola pilit lumalaban sa hamon ng buhay.

Pinukaw ang puso ng online community sa ginawang post ni Jun Butac tungkol kay Lola Lucena “Lola Lusing” Barangay Damiano na taga Brgy. Maananteng, Solsona, Ilocos Norte.

Photo: Facebook/Jun Butac

Sa pag-aalala ni Jun sa kalagayan ni Lola Lusing ay ibinahagi niya ang mga litrato nito upang makahinga ng kahit kakaunting tulong.

Dahil sa kahirapan sa buhay, pinagkakasya umano ni Lola Lusing ang kanyang kakarampot na ulam ng ilang araw. Naghihintay lang din umano siya ng kung ano ang maiabot na pagkain sa kanya ng mga kalapit na bahay.

Walang nabanggit si Jun sa kanyang post kung may kamag-anak ba si Lola o kung nasaan na ang mga ito. Pero mapapansin sa larawan na siya mag-isa lang na namumuhay sa kanyang tahanan.

Mabilis namang kumalat sa social media ang mga larawang ito ni Lola Lusing, kaya naman agad na nag-abot ng kanyang tulong ai Ma’am Rona mula sa Pasuquin, Ilocos Norte

Photo: Facebook/Solsona Mps

Sa tulong ng Solsona MPS ay natunton nila ang kinaroroonan ni Lola Lusing. Personal niyang iniabot ang kanyang tulong sa matanda na siyang nagbigay ng napakalaking ngiti kay Lola Lusing.

Maraming may mabubuting puso ang nagpaabot din ng kanilang tulong kay Lola. Makikita sa mga larawan ang napakaraming groceries at mga kagamitin para kay Lola Lusing.

Photo: Facebook/Jun Butac

The post Isang Lola na Naninirahan sa Kanyang Munting Tahanan Kahit Walang Kuryente, Nakitang Nagbabasa ng Bibliya. appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments