Looking For Anything Specific?

Isang Matandang Lalaki, Nakatira Lamang sa Maliit na Barung-Barong; Nangangailangan ng Tulong!

Marahil ay maituturing na isa sa pinaka mahiråp sa buhay ang maging mag-isa, na walang pamilya na kasama at walang kaanak o kaibigan na matatakbuhan sa oras ng pangangailangan. Ito ay nararanasan ngayon ng isang matandang lalaki na naninirahan sa maliit at masikip na barung-barong at halos hindi na siya makaglw o makahiga manlang.

Si Tatay ay nakatira sa Baryo Tabay, Barangay Tominobo, Iligan City. Nag-viral ang kanyang mga larawan sa social media matapos na ibahagi ng concerned netizen na si Xylene Siarot sa kanyang facebook account.

Umabot na sa 35k reactions, 29k comments at 282k shares ang naturang post. Nais ni Xylene na matulungan si Tatay dahil sa kaawå-awå nitong kalagyan.

Labis na nangangailangan ng tulong si Tatay. Sana ay may mabuting kalooban ang magbigay sa kanya ng tulong at komportableng matutuluyan.

Narito ang naturang post ni Xylene sa kanyang facebook account:

“Tay sana matolungan ka sa KMJS.napost nakita tay hintayin mo lang baka puntahan ka dyan.GOD BLESS TATAY.”

Marami naman ang nag-komento sa post at karamihan sa komento ay ang iba’t ibang programa na handang tumulong sa nangangailangan tulad ng Kapus0 Mo, Jessica Soho.

Isang Lola na Naninirahan sa Kanyang Munting Tahanan Kahit Walang Kuryente, Nakitang Nagbabasa ng Bibliya.

Isang larawan ang lubos na nagpaantig sa pus0 ng mga netizens. Sa larawan ay makikita ang isang lola na nakatayo habang nagbabasa ng bibiliya. Sa panahon natin ngayon na marami na ang nangyayaring hindi maganda sa mundo katulad ng kinahaharap na pr0blema ng ating bansa ng C0VID-19 Pand3mic, ay kinakailangan natin na tumawag sa Diyos.

Sa pang araw-araw na nilikha ng Diyos ay nararapat lamang na atin Siyang pasalamatan. Katulad ni Lola na nakatira sa kanyang munting bahay na walang kuryente, ay hindi siya nakakalimot na tumawag sa Diyos.

Sa post na ibinahagi ng KDrama International sa kanilang facebook page, ay marami ang naatig sa larawan ng isang lola na nagbabasa ng bibliya. Sa panahon ngayon, aminin man natin o hindi ay kakaunti na lamang ang nagbabasa ng banal na aklat. Kung minsan pa ang ilan sa ating ay nakakalimot ng magdasal.

Ayon sa ilang netizens na nagkomento sa naturang post, maituturin na mayaman si Lola na kahit salat sa buhay ay hindi siya nakakalimot na magdasal at magbasa ng bibliya.

Narito ang naturang post:

“Nadaanan lang namin si nanay nagbasa nang bible sa labas nang kanilang munting bahay.Wala daw po silang kuryente. GOD BLESS po, “
Narito naman ang ilang komento:

“Napakapalad ng nanay na ito natagpuan niya ang isang kayamanan sa kabila ng kanyang kahiråpan”

“God is good all the time Kung titingnan natin mahiråp ang kalagayan pero mas mayaman Yan sa atin sa paglilinkod sa Dios”

“More blessings Lola khit sandali na Lang kayo ilalagi ninyo dito sa Mundo na pinahahalagahan mo Ang bibliya.. liligaya ka rin sa piling NG Diyos pagdating NG tmang pnhon.. Sana maraming tumulong sau. In Jesus name. Amen”

90-Anyos na Lola, Umaasa Lamang sa mga Pagkain na Napupulot sa Daan Para Maitawid ang Pang Araw-araw na Buhay!

Mabilis na kumakalat sa social media ang mga balita at mga kaganapan sa loob at labas ng ating bansa. Nababalitaan din natin ang ilan sa ating mga kababayan na nangangailangan ng tulong. Kaya naman, sa tulong ng social media o internet ay mas napapagaan ang paghahanap at pagbibigay sa mga taong nangangailangan ng tulong at iba pa.

Marami na tayong nakikita sa social media na nakakalungkot na pangyayari gaya ng matatanda na lubhang nakakaawa. Isa na rito ang 90-anyos na lola na kinilalang si Lola Lucin. Ayon sa concerned netizen na si Jun Butac, nakatira umano si Lola Lucin sa Maanteng Solsona, Ilocos Norte.
Ibinahagi ni Jun ang nasaksihan na sitwasyon ni Lola Lucin. Naantig at nag-alala si Jun kay Lola Lucin kaya inupload nito ang ilang larawan ni Lola Lucin sa social media at nagbakasali na may mag-abot  ng tulong kay Lola.

Sinabi niya sa kanyang post na sa likod ng larawan ni Lola Lucin ay talagang hirap ito sa buhay na dahilan kung bakit namumulot na lamang siya ng kanyang makakain o ‘sinaklob’ ang kanyang ulam at pinagkakasya na lamang niya sa buong araw at tinitipid na lang niya ito.
Mag-isa na lang din sa buhay si Lola Lucin kaya naman sa kabila ng kanyang edad ay wala siyang ibang pagpipilian kundi magtiis na humanap ng paraan upang makakain at makaraos sa pang araw-araw.

Dahil sa social media ay mabilis naman na nabalitaan to ng ilang mga tao na handang tumulong kay Lola Lucin. Isang Ma’am Rona umano ang nagpatulong na matunton si Lola Lucin upang magbigay ng tulong dito.
Lubhang nakakalungkot ang sitwasyon ni Lola Lucin. Kaya naman, nang may mag-abot sa kanya ng tulong ay napangiti naman si Lola Lucin. Isang biyaya na sa kanya ang may magbigay ng tulong.

The post Isang Matandang Lalaki, Nakatira Lamang sa Maliit na Barung-Barong; Nangangailangan ng Tulong! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments