Looking For Anything Specific?

Isang pamilya, nakapag ipon ng madaming pera

Sa panahon ngayon kung saan ang karamihan ay sadyang nahihrapan sa pag-budget. Isang netizen na si Abby Sarmiento Mendoza ang nagbahagi ng kanilang “Ipon Challenge” na sadyang kinabiliban ng nakararami.

Sa dami nga naman ng gastusin at mahal ng bilihin sa pang araw-araw nating buhay ay sino ba naman ang hindi mamamangha sa pagtitipid ng pamilyang ito.

Isang malaking kahon na tila gawa sa salamin kung saan makikita ang nasa loob nito, ang napagdesisyonang gawing alkasnya ng pamilya.

Di’ tulad ng tradisyonal na mga lata o “piggy bank” minabuti nila Abby na gumamit ng isang malaking lalagyanan na maikukupara sa parisukat na tambyolo upang mas maeganyo at mas magpursigi silang mag ipon, dahil nakikita nila ang laman at ang progreso ng kanilang perang iniimpok.

Makalipas ang isang taon, binuksan ng pamilya ang kahon na naglalaman ng sandamakmak na pera at laking gulat na lang ng mga ito nang halos dalawang kama ang mapuno matapos ikalat ang mga naipong kwarta.

Mabilis na kumalat sa social media ang mga litratong ibinahagi ni Abby, kaya naman marami ring mga netizens ang gustong gumaya sa “Ipon Challenge” tulad ng ginawa ng pamilya ni Abby.

Ngunit mayroon ding hindi natuwa at nagbigay ng mga paalala sa pamilya.

Narito ang ilang mga komento:

Ang pag-iipon ay pagpapakita ng isang magandang kaugalian na kung saan ay naipapamalas ng isang tao ang kanilang pagkakaroon ng disiplina.

Ayon naman sa datos na naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas, mayroong kabuuang bilang na 48% sa mga Pilipino ang nagagawang makapagipon, subalit 9% lang sa mga ito ang nagdedeposito sa bangko.

Ang pag-iipon ay pagpapakita ng isang magandang kaugalian na kung saan ay naipapamalas ng isang tao ang kanilang pagkakaroon ng disiplina.

Ayon naman sa datos na naitala ng Bangko Sentral ng Pilipinas, mayroong kabuuang bilang na 48% sa mga Pilipino ang nagagawang makapagipon, subalit 9% lang sa mga ito ang nagdedeposito sa bangko.

Isang Anak Ng OFW Kinabiliban Dahil Sa Kanyang Nakakamanghang Php20 Ipon Challenge

Sa panahon ngayon, napaka-laking tulong ang pag-iipon dahil kapag may isinuksok siguradong may madudukot sa panahon ng pangangailangan. Kahit sa piso-pisong barya man ang maiipon ay malaking tulong na upang may magamit sa panahon na kagipitan. Nakakatuwa lang sa pakiramdam na karamihan sa mga mahilig mag-ipon ngayon ay mga kabataan. Kagaya na lamang ng batang nag-viral sa social media dahil sa kanyang istilo ng pag-iipon.

Source : Jane F’mous Facebook

Ayon sa post ng netizen na si Jane F’mous na isang OFW sa kanyang facebook account, labis daw siyang napahanga sa anak ng kanyang kaibigan dahil sa naging masigasig nitong pag-iipon. Ang binatang ito ay si Gerdan, ang una nitong iniipon noon ay puro barya lamang hanggang sa napuno na niya ang 2 tub at nadagdagan pa ang kanyang tub ng isa pa na puro Php20 ang laman. Nagulat na lamang umano ang ina nito na si Gemma ng malaman na nakaipon ng napakaraming pera ang kanyang anak.

Source: Jane F’mous Facebook

Dagdag pa ng ina ng binata, wala daw siyang kaalam-alam na nag-iipon pala ang kanyang anak habang siya ay nasa ibang bansa. Kaya naman sobrang natuwa at na-proud siya sa kanyang anak dahil sa kabila ng kanyang pagpapakahirap bilang isang OFW hindi raw basta nagwawaldas ng pera ang kanyang anak.

Kaya naman labis na natuwa at naging proud si Jane sa magandang gawain ni Gerdan. Hindi niya kasi inakala na makakaipon ng ganito karami ang anak ng kanyang kaibigan. Talagang mapapa-sana all na lang ang lahat, lalo pa’t OFW ang ina nito. Isa nang achievement para sa isang magulang ang pagkakaroon ng ganitong klaseng anak.

Source: Jane F’mous Facebook

Ang inipon ni Gerdan ay binuksan niya ng umuwi ang kanyang ina galing ibang bansa, kaya nga sobrang natuwa si Gemma dahil sa kanyang pag-uwi ito ang bumungad sa kanya. Napakabait na anak si Gerdan, dahil mas malaki ang kanyang naiipon kesa sa kanyang nagagastos.

Pagbabahagi pa ni Jane, nawa’y tuluran pa si Gerdan ng iba pang mga kabataan na pahalagahan ang pag-iimpok upang sa panahon ng pangangailangan ay may madudukot.

The post Isang pamilya, nakapag ipon ng madaming pera appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments