Looking For Anything Specific?

Jelai Andres, Nag-File Na Ng Kasσng Cσncυbinage Laban Sa Asaωang Si Jon Gutierrez

Nag-file na ng concubinage case si Jelai Andres laban sa kanyang asawa na si Jon Gutierrez sa Department of Justice sa Quezon city noong Hunyo 1.

Ang  pagnanais niyang ipaglaban ang karapatan at ipaglaban ang hustisya ang ilan sa mga dahilan ni Jelai Andres sa pagsampa ng reklamo laban sa kanyan asawa.

“Sobra na kasi, parang masyado na akong natapak-tapakan, tapos yung kabilang panig pa yung naghahamon at parang matatapang.

“I realized that we need to learn how to stand up and fight for our rights para makakuha ng justice.

“Hopefully, people will learn sa mga nangyari, lalo na yung mga taong hindi marunong mag-respect sa sanctity ng marriage.

“We all know na yung pakikiapid ay nasa utos ng Diyos na kasalanan talaga siya, at sa batas ng tao ay krimen talaga siya.”

“We all know na yung pakikiapid ay nasa utos ng Diyos na kasalanan talaga siya, at sa batas ng tao ay krimen talaga siya.”

Dagdag pa niya: “Huwag nilang i-normalize ang pakikiapid. Ignorance of the law is not an excuse, lalo na kung wala kang pakialam. Yung selfish ka, at handa kang makasira at makasakit ng tao, handa kang makasira sa pamilya ng iba.

“Kailangan ko lang ipaglaban ang pagkababae ko. Hindi lang bilang babae, kundi bilang tao po. Sobra na po kasi… Eto na, kailangang kong ipagtanggol ang pagkatao ko.”

May mga matibay daw na ebidensya na hawak ang kampo ni Jelai na magpapatunay sa pakikiapid ni Jon.

Maliban kay Jon ay sangkot din ang dalawang tao sa kaso na hindi pa pinapangalanan sa kasalukuyan.

Ikinasal si Jelai Andres and Jon Gutierrez noong October 2018 at nag-break noong March 2019 dahil umano sa pakikipagrelasyon ng huli sa ibang babae gayong sila ay kasal na.

Muling nagkabalikan ang dalawa noong nakaraang taon ngunit hindi naglaon ay nahulihang muli si Jon na nagtataksil sa kanyang asawa.

Ano nga ba ang Concubinage?

And concubinage ay pakikiapid ng lalaki sa isang babaeng hindi nito asawa o ayon sa Article 334 ng Revised Penal Code of the Philippines:

“Any husband who keeps a mistress in the conjugal dwelling, or have sexual intercourse, under scandalous circumstances, with a woman who is not his wife, or cohabits with her in any other place…”

Jelai Andres, matapang na sinagot ang lahat ng katanungan tungkol sa nararamdaman niya ngayon matapos ang ραnℓσℓσкσng ginawa muli ni Jon Gutierrez!

Matapang na sinagot ni Jelai Andres ang ilang mga katanungan sa kanya tungkol sa isyu ng asawang si Jon Gutierrez.

Sa kanyang YouTube channel, gumawa ng sariling version ang vlogger-aktres ng Sagot o Lagot challenge.

Ito ngang kay Jelai, nag handa ang mga kasama niya ng mga hot questions tungkol sa kanyang personal life.

Ang unang katanungan ay kung may mga sumusubok na ba na pumorma sa kanya ngayon. Pero hindi ito sinagot ni Jelai at uminom na lang ng suka.

Pangalawang tanong naman ay kanyang sinagot. Wala daw pinagsisihan sa mga naging desisyon niya sa buhay. Para sa Kapuso actress, lahat ng nangyayari sa kanya ay preparasyon sa mga susunod pa.

Maliban dito, hindi din umano siya nagsisisi na binago niya ang kanyang sarili sa kabila ng mga pangyayari.

“Do you still believe on chances despite of everything happened?”

Para kay Jelai, naniniwala pa din siya kahit ilang chances pa. Inamin niya na siya ang “giver” pag dating sa relasyon.

Mas mahirap na tanong nang pinapili siya kung si Zeinab o Donna. Pero parehas niyang pinili dahil ang dalawa ay malalapit na kaibigan ni Jelai.

Pag dating naman sa vlogger na ayaw niya, agad na umiwas sa pangalan si Jelai at kumain ng Jalapeño.

Sumunod naman na tanong ay kung may naging crush ba siya na naka trabaho niya sa showbiz. Pero talagang loyal si Jelai sa kanyang asawa kaya wala daw ito natipuhan na iba.

“Magpapatawad ka pa ba?” Handa daw magpatawad si Jelai sa taong alam niyang “sincere” ang pag hingi nito.

“Kung mabibigyan ka ng pagkakataon na bumalik sa nakaraan, gusto mo pa bang makilala si Jon?”

“Sana hindi na lang,” ang naging sagot ni Jelai. Dahil ayaw niya na daw naranasan ang sakit na nararamdaman niya.

The post Jelai Andres, Nag-File Na Ng Kasσng Cσncυbinage Laban Sa Asaωang Si Jon Gutierrez appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments