Tsong Joey Marquez proud daddy sa kanyang labing anim na anak.
Sa programang “Tunay Na Buhay,” inihayag ni Joey Marquez na masaya siyang gampanan.
Ang kaniyang role bilang ama sa 16 niyang anak.
Unang naging tatay si Tsong Joey noong 15 years old pa lamang siya ngunit sa kabila ng murang edad at hirap ng buhay, hindi niya tinalikuran ang kanyang responsibilidad at obligasyon bilang ama sa kanyang mga anak.
Sinabi ni Joey na kagaya sa kanyang kinagisnang prinsipyo, malapit ang kanyang mga anak sa isa’t-isa.
“Alam mo kasi ang principle in life ko, lahat ng half-sister, brother ko, kilala ko lahat ‘yan. I don’t call them my ‘half-sister’ o ‘half-brother.’ Sabi ko, ‘Wala naman silang kasalanan, kapatid ko pa rin ‘yan kahit ano’ng mangyari. Very close ako sa lahat ng kapatid ko,” saad nito.
Ang isa pang ipinagmamalaki ni Tsong ay ang educational attainment ng mga anak. Aniya, ito ang itinuturing niyang “greatest gift” na maibibigay at maipapamana niya sa mga ito.
May lawyer sa kanila, may politicians at kung anu-ano pang kurso.
Sa isang parte ng kanilang panayam, hinamon naman ng host na si Pia Arcanghel si Tsong Joey.
“Can you name all of them?”
“Oo” agad namang sagot ni Joey at inisa isa niya ang pangalan ng kanyang mga anak mula panganay hanggang sa bunso na halos dalawang taon pa lamang.
Ito ay sina JJ, Jeremy, Jesm, Kristine, Jerica, Jerico, Paolo, Jowee Ann, Yeoj.
Winwyn, Zia, Vitto, MM, Jazalla, Jacob at Joeygy.
Ang hindi binanggit ni Tsong Joey ay kung ilan lahat ang ina ng mga bata.
Samantala, sa panayam naman kay Winwyn ay nagpasalamat siya sa kanyang ama.
Dahil walang umanong itinago ito sa kanilang magkakapatid.
Sa edad na 63 ay laking pasasalamat ni Tsong na naitaguyod niya ang kanyang mga anak.
Joel Cruz hindi spoiled ang mga anak, tinuturuan din ng mga gawaing bahay
Kahit marangya ang buhay, Joel Cruz nais pa ring matuto ng gawaing bahay ang kanyang mga anak.
Si Joel Cruz ay kilala bilang isang perfume mogul.
Tinaguriang “Lord of scents” sa industriya, siya ang may-ari ng sikat na pabangong Aficionado.
Hindi maikakaila na isa na siya sa mga successful na negosyante hindi lang sa Pinas kundi pati na din sa karatig bansa.
Kaya naman kabilang din siya sa isa sa pinkamayamang tao sa Pilipinas.
Bukod sa pagiging matagumpay na negosyante, isang butihing ama din si Joel Cruz.
Siya ngayon ay may walong anak, from IVF, at iisa lang din ang nanay ng mga ito.
Ang kanyang mga anak ay sina Prince Sean, Princess Synne, Harry, Harvey, Prince Charles, Princess Charlotte, Zeid at Ziv.
Ang kanyang mga chikiting ay ipinanganak lahat sa bansang Russia.
Lilia ang pangalan ng kanilang ina, isang blonde Russian na may hawig umano kay Julia Roberts.
Samantala, kamakailan lang ay nakapanayam si Joel Cruz ng beteranang kolumnistang si Aster Amoyo.
Dito ay pinagusapan nila kung paano palakihin ni Joel ang kanyang walong anak.
Kwento ng negosyante ay kahit marami silang kasambahay, hindi niya hinahayaang walang matutunan ang mga anak sa mga gawaing bahay.
Tumutulong umano ang mga ito at hinahayaang gawin ang ilang bagay kagaya ng paliligo at pagligpit ng kanilang pinaghigaan.
Kahit angat sa buhay ay hindi umano binibilhan ni Joel ang kanyang mga anak ng gadgets.
Hineheram lang daw ng mga ito ang kanyang cellphone at naghihiraman lamang ang mga ito.
Nililimitahan din niya ang oras sa paggamit ng gadget.
Marami naman ang humanga sa pamamaraang ito ni Joel.
Anila, kahit daw napakarangyang tao na nito ay pagiging simple pa din ang itinuturo niya para sa kanyang mga anak.
The post Joey ‘Tsong’ Marquez, pinabilib ang marami dahil sa pagkabigkas ng pangalan ng kanyang 16 na anak mula sa iba’t ibang babaeng sa kanyang buhay appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments